Breathless #10

5.9K 150 29
                                    

Chapter 10

Noreen

Naramdaman ko ang pagkalas ng kamay niya sa kamay ko ng umabot na kami sa tapat ng building namin. I looked at him and partially smiled saka bumitaw na rin. Nakayuko parin siya at tahimik, oo tahimik naman talaga siya pero iba ito ngayon. Tahimik kasi nasaktan siya. Tahimik kasi may dinadamdam siya. Tahimik kasi may malalim siyang iniisip.

"Are you okay?" I asked him kahit alam ko na ang sagot. As usual hindi niya ako kinibo at patuloy parin sa paglalakad.

Umabot kami sa may elevator and luckily dalawa lang kaming sakay nun. Parang ang bagal bagal ng takbo ng oras ngayon. Parang ang isang segundo ay katumbas ng isang minuto. I looked at his reflection on the elevator door. He looks shattered; I can feel na he wants to cry pero alam ko ring hindi niya gagawin yun, atleast not in front of me.

Bumukas ang pinto ng elevator, inantay kong mauna siyang lumabas tulad ng ginagawa niya dati pero hindi siya gumalaw. I left the elevator first at naramdaman kong sumunod naman siya. Gusto ko siyang kausapin, kahit saglit lang. I want to help him right now and I can feel na he needs someone by his side.

"We can talk you know..." sabi ko ng makalakad na kami sa tapat ng unit niya.

He stopped from opening his door. He looked at me saglit saka hinila ang pinto. Huminga ako ng malalim matapos siyang pumasok ng unit niya at iniwang nakabukas ang pinto.

Does that mean na I can go inside and talk to him?

Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko saka sumunod sa kanya. I looked around his pad at napamangha talaga ako kung gaano kalinis at ka organize yun.

White is the dominant color. Ang wall ay pure white kaya sobrang lamig at linis nun sa mata. He tossed his bag on the sofa ng makarating kami sa living room niya. Super spacious for one person just like my place. Yung sofa kulay puti din aside from the furnitures na puro clear ang kulay at babasagin.

Yung place ni Cloud napaka-transparent unlike him, hindi ko in-expect na ganito ang loob nito. Parang walang tinatago, parang walang lihim, parang plain and simple, ah, somehow it resembles him pala.

Nakapasok na ako dati dito but I wasn't able to see it like how I am seeing it right now.

"Who cleans your place?" I asked him matapos siyang sundan sa may kusina. Kumuha siya ng tubig saka uminom.

"I do..." mahina niyang sagot na kinabigla ko.

"IKAW?" bulalas ko "SERYOSO?"

"I don't like seeing other people touching my things..." he plainly said saka kumuha ng sandwich sa fridge at ininit yun sa microwave. I pouted matapos makita na isa lang ang kinuha niya.

Madamot talaga!

Hindi ako masyadong ka aware na ganito siya kalinis pero nasabi na sa akin ni Cielo noon na si Cloud ang nagpapalinis ng kwarto niya kasi laging makalat at magulo, dun din nagsisimula ang pag-aaway nilang magkapatid, sa pagiging burara ni Cielo!

May isa pa siyang kapatid, si Ate Chloe but I've never met her. Hindi ko rin siya kilala personally at mas lalong hindi ko pa siya nakausap, ang alam ko lang siya muna ang gumaganap sa tungkulin ni Cloud hanggang nag-aaral pa ito.

Tumunog ang microwave oven at nilabas niya ang sandwich mula doon, naglabas din siya ng freshmilk saka nilapag sa counter at tumingin sa akin.

"Eat it if you want!" masungit niyang sabi saka ako iniwan doon. Dahan-dahan akong nangiti, eh para sa akin pala yung sandwich?

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon