Chapter 3
NoreenBuong araw akong banas na banas dahil sa nangyari. Una, nakatabi ko ang pinakaboring at walang pakialam na tao sa mundo! Pangalawa, nagkaroon pa kami ng activity at wala akong naging choice kundi ang makapartner siya kasi by seatmate ang gusto ng prof!
Pangatlo, na put into waste ang lahat ng pagod ko matapos kong trabahuhin ang sasabihin namin sa harap and it turns out na meron na pala siyang nasa isip niya na sasabihin pero he let me do all the job! Nakakabuset lang di ba?
"Bessy, ang wrinkles!" sita sa akin ni Ron matapos niyang iserve sa akin ang favorite kong wintermelon milk tea. I shrugged and looked at him, buti na lang nakakabawas ng stress ang ambiance ng 'arTEA Shop' namin.
"Oh? Badtrip parin?" tanong niya saka narin tinusok ang straw sa cup, siya talaga ang taga tusok nun dahil pag ako, pati cup masisira o kaya naman walang matitira dahil mabubuhos lang lahat, ewan ko ba, I just can't make it right!
"Paanong hindi ako maiinis, nakakakulo ng dugo ang Cloud nayun noh!" paghihimutok ko saka sinimulang inumin "Lalong sumasarap bakla ah!" puri ko dun matapos matikman saka ko siya nakitang ngumiti, pero agad rin akong sumimangot pagkatapos nun.
"Bakit kaba naiinis?" tanong niya saka rin tinusok ng straw ang kanya "Ang gwapo-gwapo ng katabi mo, ang bango-bango, naku bessy pag ako ang nasa sitwasyon mo baka naglupasay na ako!"
"Sabi ko naman sa iyo Ron, walang interesting sa lalaking iyon!" pagsagot ko sa sabi niya, I rolled my eyes saka ginalaw-galaw ang straw habang hinuhuli ang black pearls na nasa bottom ng milk tea ko.
"Ano bang history niyo at mukhang sagad sa buto ang pagkainis mo sa kanya?" pag-uusisa ng bakla, I took a deep breath saka siya tinignan.
"History? Wala! Basta nung una ko lang siyang nakita at nakausap nainis na ako sa ugali niya! Mantakin mo Ron, pag-iniiwan kami ng parents namin para daw makapag-usap, siya pa itong may ganang tignan lang ako! At ako pa talaga ang unang magsasalita, di ba ang mga gentleman hindi ganun? Naku, mapapanis ang laway mo kung siya ang kasama mo!"
"Yun lang naiinis kana?" tanong niya kaya tinignan ko siya ng hindi makapaniwala
"Anong yun lang? Ron, naririnig mo ba ako? Ako si Noreen Del Vega, yung ibang lalaki halos nagkakandarapa makausap lang ako tapos siya? Tapos siya?" binagsak ko ang inumin ko sa mesa dahilan para mapatingin ang ibang customer sa amin. Maagap namang ngumiti si Ron sa kanila at humingi ng pasensya.
"Bessy, naririnig mo ba ang sarili mo? Naiinis ka dahil dedma niya ang beauty mo? The nerves!" bakla niyang sabi "May gusto kaba kay Cloud?"
Agad akong napatayo dahil sa sinabi niya "RON, KILABUTAN KA NGA SA SINASABI MO!" sigaw ko sa kanya saka niya ako pinakalma at pinaupo ulit.
I'm not being in denial or what, wala talaga akong gusto sa kanya, sige oo nung una ko siyang nakita shempre attractive ang mukha eh pero after several times naming nag meet doon ko na na realized na yun lang ang maganda sa pagkatao niya.
Walang exciting sa kanya, walamg impressive bukod sa mukha at family background niya. Walang depth ang personality niya. And somehow starting that day, sobrang inis na ako sa kanya, oo wala siyang ginagawa sa akin, literal na wala siyang pakialam sa akin, pero sobrang naiinis ako sa kanya.
You can't blame me, meron at meron tayong taong kinakainisan kahit walang ginagawa sa atin di ba? And for me, si Cloud yun!
"Oh sige na, hindi na!" pag-aalo niya sa akin pero andun parin ang tono ng pang-aasar, inirapan ko na lang siya.
"Anong oras ka magsasara?" pag-iiba ko ng topic.
"9 PM!" sagot niya saka biglang tumunog ang cellphone niya, nakita ko ang pagkunot sa noo niya matapos mabasa ang message.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...