Breathless #16

4.9K 167 33
                                    

Chapter 16

Noreen

"Tama na!" sita niya sa akin saka tinanggal ang kamay ko matapos ang ilang minuto kong pagyakap sa kanya habang nakatayo kami.

I pouted matapos niya akong patayuin medyo malayo sa kanya sunod kong narinig ang pag-angal ulit niya.

He clicked his tongue. "Ang gross." sabi pa niya saka tinanggal ang shirt sa harap ko. Halos lumuwa ang eyeballs ko matapos makita ang chiseled abdominal muscles niya.

I bit my lower lip at hindi mapigilan ang sarili na makaramdam ng pag-iinit sa buong katawan, kelan pa gumanda ng ganito ang katawan niya? Tinapon niya sa akin ang shirt niya saka ako masungit na tinignan.

"Wag mong ibi-bleach yan ah!" he warned me saka naglakad papasok ng kwarto niya. Lumunok ako saka inamoy ang shirt niya na sobrang bango, Cloud kung sana naging mabait ka lang edi sana patay na patay na ako sa iyo ngayon!

Bumalik siya na may suot ng panibagong shirt. Long sleeve na gray iyon na hinila niya hanggang siko. He looks so manly and so neat kahit ano pa ang isuot niya.

"You want to eat?" he suddenly asked me at shempre nabigla ako. Aba, si Cloud kinakausap na ako at idagdag mo pa na papakainin niya ako.

"Depends, hindi mo naman ako lalasunin di ba?" I mocked him.

"Hindi naman, problema ko pang i-dispatch yang katawan mo." sagot niya saka ako tinalikuran.

Ngumiti ako saka naglakad pasunod sa kanya sa kusina. Kumuha ako ng fresh fruit juice sa fridge niya saka sinalin sa baso. Lumapit ako sa kanya habang pinagmamasdan siya sa paghiwa ng mga ingredients. Magluluto ata siya ng a-ahh hindi ko alam.

"You are sure on what you are doing, right?" tanong ko ng binuksan na niya ang kalan at sinindihan iyon, he placed the pan on it at parang bihasang-bihasa sa paggamit ng mga iyon.

"I'm not an idiot like you." mahina pero rinig kong sabi niya.

I just rolled my eyes on him. Habang hawak ko ang baso ng iniinom kong juice, sinisilip ko ang ginagawa niya. Napatili pa ako ng biglang nag-apoy ang pan matapos niyang lagyan na kung anong oil ata yun, infairness marunong talaga siyang magluto.

Biglang kumalam ang sikmura ko matapos maamoy ang niluluto niya. Umupo ako sa may counter na nakatalumbaba at tumitig sa kanya.

Ang macho ng likod niya, grabe lang! Tapos yung hairstyle niya na parang di nagugulo, bagay na bagay sa kanya! Yung batok niya, ang sexy lang! Yung braso niya, sheeeet parang ang lakas lakas! Tapos yung kamay niya parang...p-parang-

"Iabot mo sa akin yung plate!" he suddenly cut my reverie.

"A-Ah?"

"Sabi ko iabot mo yun plate, ano, uupo ka na lang dyan? Di ka bisita dito!" masungit niyang sabi. Sobra talaga to! Padabog akong kumuha ng plate saka inabot sa kanya.

"Ayan na po!" walang gana kong abot.

Kinuha niya iyon sabay angat ng pan. Amoy na amoy ko yung niluto niya habang sinasalin niya iyon sa plate, halos maglaway ako dahil doon. Inayos niya ang table pati lahat ng kailangan. Marunong siya, well-organized lahat! Umupo na ako kasi asa naman ako na hihila siya ng upuan para sa akin. Inabot ko ang rice saka sinimulang kumain.

"In all fairness, masarap!" I honestly commented matapos matikman ang niluto niya.

Wala siyang imik, he silently ate with poise and grace, kainis lang, napaka ng lalaking ito!

"Alam mo masyado kang seryoso sa buhay, pakasaya ka naman!" pag-iingay ko dahil wala ng ibang marinig sa buong unit kundi ang tunog ng plate at mga kubyertos.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon