Breathless #8

6.5K 146 18
                                        

Chapter 8

Noreen

"Sorry talaga Bessy! Sorry talaga!" halos lumuhod at maglupasay sa harap ko si Ron dahil sa kakahingi ng sorry, hinawakan ko ang kamay niya saka siya pinakalma sa tabi.

"Sorry talaga, sabi ko naman sa iyo dapat hindi mo na pinahiram ang kotse mo, tignan mo first time mong maglakad pauwi tapos ganyan na nangyari sa iyo! Mapapatay ko ang sarili ko bakla kung may nangyaring masama sa iyo!" mangiyak ngiyak niyang sabi.

"Walang nangyari sa akin, okay? Kaya kumalma ka dyan!" sagot ko sa kanya, nasa unit ko kami ngayon at masaya ako dahil stable naman na ang condition ng Mama ni Ron, yun nga lang may possibility pa na atakihin siya ulit dala ng panghihina ng katawan niya dahil sa katandaan.

"Saka, dumating naman si Cloud para tulungan ako eh..." dugtong ko dahilan para mapatitig siya sa akin.

"Anong ibig sabihin ng pamumula ng pisngi mo?" nang-uusig niyang tanong sabay turo sa akin, kinuha ko ang throw pillow saka hinampas sa mukha niya.

"Anong pamumula ng pisngi?" tanggi ko saka tumalikod sa kanya at naglakad ako papunta sa may corner at nag dial sa isang pizza parlor saka nag-order ng dalawang family size pizza na paborito namin ni Ron. Bumalik ako sa sofa saka sadyang binangga ang baklang nakatitig sa akin kanina pa "ANO?" tanong ko sa kanya saka umirap.

"Yung totoo? Anong meron?" he asked me saka niyugyog ako. I laughed at him at hindi ko rin maipaliwanag ang nangyari.

Oo asar na asar ako kay Cloud kasi isnabero siya at ubod ng sungit pero hindi ko pwedeng itanggi na utang ko ang buhay ko sa kanya nung gabing iyon. Aba baka kung hindi siya dumating eh lumulutang na ang maganda at sexy kong katawan sa ilog pasig ngayon nu!

"Wala! Ito naman, thankful lang ako kasi buhay pa ako ngayon!" sagot ko sa kanya at napangiti.

Ewan ko ba hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi mangiti matapos kong maalala ang huli niyang sinabi sa akin ng gabing iyon, ibig sabihin ba nun concern siya sa akin? Sabi ko na eh! Sabi ko na! Pakipot lang siya at kunwari lang siya na di niya ako type! Kunwari lang siya na galit galitan sa akin pero ang totoo, deds na deds siya sa beauty ko! HAHAHA!

"HOY!" hampas sa akin ni Ron ng throw pillow, hinimas ko ang mukha ko na nasapol nun "Wala lang pero para kang baliw na pangiti-ngiti dyan!"

"Tingin mo Ron? Type ako ni Cloud di ba?" tanong ko sa kanya saka nangisi "Denial lang siya, ganun naman ang mga lalaki eh, padeny-deny lang, pa mysterious type para habulin ng mga babae!"

"Hahabol ka naman!" sagot sa akin ni Ron saka ako tinaasan ng kilay.

"Ako? Nasa mukha ko ba ang naghahabol? Nasabi ko lang naman Ron, teka bakit ba parang ang bitter mo?" tanong ko sa kanya, he rolled his eyes on me and I was about to pull his hair ng tumunog ang doorbell namin, nandyan na ang pizza, kaya naman gustong gusto ko sa kanila bumili eh, mabilis na, masarap pa!

"Hala, tumayo ka dyan, ikaw magbayad!" utos ko sa kanya saka itinapon sa lap niya ang wallet ko "Panira ka ng gabi eh!" dugtong ko saka siya inirapan.

Tumayo siya saka kumuha ng pera, ilang minuto pa ang tinagal niya kaya sinundan ko na siya sa pinto, gusto kong hilahin ang buhok niya dahil nakikipaglandian na pala siya sa delivery boy, kaya pala ang tagal-tagal ng bakla!

Naramdaman niyang nakatayo ako sa likod niya kaya naman winakasan na niya ang pagiging haliparot sa harap ng chinitong delivery boy. Nagbigay pa ng tip at kumaway pa, napailing na lang ako.

"Amina!" sabi ko saka kinuha ang isang box ng pizza "Ipasok mo yang isa sa loob, antayin mo na lang ako sa entertainment room!" utos ko at sumunod naman siya ng wala ng tanung-tanong.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon