Harder to Breathe #2
Noreen"Keysha, are you done?" tanong ko matapos akong makapasok sa kwarto niya. I saw her sitting on her bed while munching some chocolates "Ang aga naman niyan!" sabi ko bago tuluyang lumapit sa kanya.
"I like it." Maikli niya lang na sagot bago kumagat ulit doon. I smiled before confiscating her chocolates.
"Okay sige, ituloy mo na lang ito sa school, mala-late kana." Sabi ko saka kinuha ang bag niya. "Sasabay ka na sa akin papasok. Si Yaya ang magbabantay sa iyo as usual. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang siya." Paalala ko habang pababa kami ng hagdan.
"Tumawag pala yung teacher mo sa akin, bakit hindi mo sinabi na meron palang PTA meeting?" tanong ko ng pareho na kaming nakasakay sa sasakyan "Kuya diretso tayo sa school ni Keysha." utos ko at agad na rin iyong umandar.
"Keysha, are you listening?" tawag ko sa attention niya matapos niyang tumulala sa bintana "Why you didn't tell me?"
"You're busy." Simpleng sagot nanaman niya.
"I told you before di ba? Kahit anong busy ni Mommy kung para sa iyo, I'll go." Sagot ko naman "What do you want for dinner later?" I asked her.
"Scrambled egg with cheese." Sagot niya ulit.
"Sure ka baby? Dinner mo yun lang?" tanong ko kaya niya ako tinignan.
"It doesn't matter actually, I just want you to cook for me." Napangiti ako matapos marinig ang sinabi niya. Alam kasi niya na bukod doon sa sinabi niyang food eh wala na akong ibang alam lutuin.
"In-email na pala sa akin at sa Daddy mo yung grades mo for the first quarter. I'm proud of you." She didn't reply, she just looked at window bago nagsalita matapos ang ilang segundo.
"Hmm."
"Nakausap ko rin yung Mommy nila Yuki and Yukio, she said they were part of the top ten din, tapos si Jiro pala ang second and Kaori naman pang eleven daw." Kwento ko saka ako tumawa, she didn't respond pero tumingin siya sa akin.
"Keysha, the twin's mother told me na uuwi sila sa Japan for the coming summer vacation, sasama din daw si Kaori sa pinsan niya, so, do you want to go with them?" tanong ko.
"Summer vacation..." ulit niya, tumango ako bago ngumiti "But we already went there."
"Yes, when you were five pero ayaw mo bang ma-experience ulit?" tanong ko "If you want, I'll let Yaya come with you, para naman ma enjoy mo yung time mo with your friends."
"Yuki will just stay at home reading his mangas, Yukio will be busy looking after him. Kaori is too noisy, I'll just get headache, so I don't think I'll enjoy." Sagot niya sa akin bago nag-talumbaba. That was the longest response I got from her sa loob ng linggo na to.
"A-Ah how about going out with Jiro? Sumama-"
"Lagi na kaming magkasama, nakakasawa na ang mukha niya." putol niya sa sasabihin ko.
Bumuga ako ng hangin kasabay nang paglaglag ng balikat ko "Baby, don't be so anti-social. You should explore more, gusto mo ba sabihin ko sa Dad mo na mag-vacation tayong tat-"
"No thanks." Putol niya saka ako tinignan. "And Mom, I'm not anti-social, I'm just selectively social. Please know the difference."
Hindi na ako sumagot sa kanya matapos kaming mag tinginan ng Yaya niya, I should give up today. Mukhang wala talaga siyang planong maglibang ngayong paparating na vacation nila.
Hinatid ko na lang siya ng tingin hanggang sa makapasok sila ng Yaya niya sa loob ng school. Agad na rin akong nagpahatid papunta sa office pero bago pa ako dumiretso doon, dinaanan ko muna si Ron sa may branch office, meron kasing meeting ang mga executive staffs today kaya nauna na rin si Robb sa akin pumasok.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...