Harder to Breathe #21.2

315 23 46
                                        

Harder to Breathe#21.2
Noreen

Things feel heavier when you cry.  I asked Keysha to leave me but I assured her that I'm okay. She's just a little girl and she can't see me being weak like this. Kung ako, ang ina niya ay mahina, saan pa siya kukuha ng lakas? I have to be strong, at least in front of Keysha.

Robb has no idea how badly his mother is treating us. Hindi ko naman magawang isumbong sa kanya lahat, actually I've tried, before, pero bago ko pa simulan ang istorya, he will ask me not to mind her na lang. Mom has no idea too because she's too busy on her own life.

Akala ko when Dad died, she and I will be closer pero after kong ma regain ang status na ilang ulit niyang pinaglaban, ilang ulit niyang hiniling na protektahan, the gap which was always been there gets even bigger. Now, she's living on her own at sa loob ng isang taon, dalawa or swerte na kung tatlong beses  kaming magkakausap ng personal.

Ron knows only about the tip of the ice berg but he has no idea what's lying underneath at ayaw ko na rin siyang idamay sa problema namin, sa problema ko. Ron has his own family to think, hindi na kailangang dumagdag pa ako.

I've made this decision before kaya dapat lang napangatawanan ko lahat ngayon. It's hard, it's suffocating but whenever I look at Keysha, whenever I see her fine at nabibigay lahat ng kailangan at gusto niya, I think, I think I made the right decision at that time.

Dahang-dahang bumukas ang mga mata ko, I felt how swollen they were. Masakit din ang ulo ko dahil nakatulugan ko na ang pag-iyak. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naka tulog but my body and mind needed that rest.

Bumangon ako mula sa kama at marahang isuot ang fluffy white indoor slippers na si Keysha din ang pumili ng minsang nagpunta kami sa mall.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig at ilang ice cubes para ilapat sa namamaga kong mga mata. Robb will arrive later at night and he will notice it, kaya naman kailangan kong pahupain na muna ito bago pa siya dumating.

"Yaya?" tawag ko ng mapansin na parang walang tao sa paligid. Kumunot ang noo ko matapos tumawag ng isa pa pero wala akong narinig na sagot. Sumilip ako sa labas para tawagin ang driver namin, nandito na ang sasakyan na ginamit nila pero walang sumasagot sa akin.

"Yaya!"

Umakyat ulit ako sa third floor kung saan ang kwarto ni Keysha. Nakabukas ang pinto pero wala doon ang bata. Doon na ako nakaramdam ng kaba.

"YAYA? KEYSHA!?" Sunod sunod kong tawag. Patakbo akong bumalik sa kwarto para kunin ang cellphone ko. I dialled Yaya's number pero hindi niya sinasagot.

Patakbo akong bumaba at lumabas ng bahay. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman kong kaba at takot dahil walang sumasagot sa akin. I looked at the sky and it is obvious that it will rain really hard soon.

"KEYSHA!"

Tumingin ako sa paligid, walang ibang tao at sa di kalayuan nakita ko ang mga kasambahay namin at driver na sumisigaw at naghahanap na rin kay Keysha. Biglang nanginig ang mga kamay ko matapos mabalot ng takot. Takot na baka di ko na ulit makita ang anak ko. Takot na baka saan na siya ngayon at hindi na makauwi. Takot na baka may kung sino na ang dumukot sa kanya at kung ano na ang ginagawa nilang masama sa kanya!

I couldn't control my emotions. I did cry again habang tinatawag ang pangalanan niya. Keysha is all I have and I don't know what will happen kung mawawala din siya sa akin!

"Nasaan si Keysha?" tanong ko kay Yaya.

"Hinahanap na po namin siya, Madam,"

"HUH? BAKIT NASAAN BA SIYA? BAKIT HINAYAAN NIYO SIYANG MAKALABAS? BAKIT HINAYAAN NIYO SIYANG MAG-ISA?"

Breathless (Book 1&2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon