Chapter 39
NoreenRon helped me in putting on my earrings. He smiled as he looked at me from head to toe.
"Perfect!" he mumbled and that made me giggle. "Bakla, bakit ba ang ganda mo?" tanong niya kaya ngumisi ako "Wag mo nang sagutin, alam ko na!" taas niya ng kamay saka ako inirapan.
Natawa ako sa tinuring niya pero agad rin akong tumingin sa harap ng salamin matapos tumunog ang door bell. "Maganda kana, makuntento kana!" parang may hinanakit pang sabi ni Ron.
Hinampas ko siya pero hindi niya ininda. Inabot niya ang kamay ko saka ako sinamahan sa paglalakad papunta sa may pinto.
"Ano bang wala ka Noreen?" bigla niyang tanong sa akin "Ikaw na maganda at sexy, ikaw pa may boyfriend na sobrang gwapo!"
"Bakit ba ang bitter mo ngayon Ron?" tanong ko sa kanya saka tumawa.
"Bakla, nakakainggit gusto ko rin ng jowa!" himutok niya "Gusto ko rin magsuot ng ganyan, gusto ko ring sinusundo ako!"
"Kala ko ba ayaw mo?" tanong ko "Di ba sabi mo noon okay kana sa ganyang buhay, na kahit walang jowa eh masaya ka naman at walang sakit ng ulo!"
"Ikaw kasi eh! Iniinggit mo ako! Malay mo pag may jowa din ako lagi akong blooming at nakangiti, oh di ba?" I shook my head at natawa na lang.
Binuksan niya ang pinto matapos akong huminga ng malalim at malapad na ngumiti. I feel comfortable sa suot ko ngayon. I feel confident too!
I was stunned for a moment ng makita ko si Cloud. He was wearing his three piece suit at tama si Ron, kulang ang salitang perfect para sa kanya. He looked at me from head to toe bago ngumiti.
I saw his eyes na diretso ding nakatingin sa mga mata ko. He's dashing, daig pa niya yung mga prince charming ng Disney! Daig pa niya yung mga model ng tux, daig pa niya yung mga artista during awards' night! Grabe ang gwapo gwapo ng boyfriend ko!
"May I?" alok niya ng kamay sa akin. Tinapunan ko ng tingin si Ron bago ko inabot ang kamay ni Cloud.
"Enjoy..." rinig kong sabi ni Ron bago ako tulungang pinulupot sa braso ni Cloud. Ah. This smell. His smell. Ang sarap sarap sa ilong!
Cloud opened the car door for me. Hindi mawala ang ngiti ko habang ginagawa niya iyon para sa akin . He insisted na kami na lang daw ang magsasabay papunta sa party, pumayag naman ako isa pa, bukod sa kanya wala ng ibang tao na pwedeng sumama sa akin.
"Mom's secretary is already there." Bigla kong sabi ng makapasok si Cloud ng kotse at binuhay ang makina nun.
"She's there to guide you?" he asked and I nodded.
"Mom sent some pictures of the people I need to greet." I answered Cloud after rolling my eyes. Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ko saglit.
"So, who are the people on your list? Did she include our family?" pagluluko ni Cloud, I looked at him.
"Look, I want to enjoy this party. Let us forget about business, okay?"
"Sabi mo eh!"
----------
I took a deep breath matapos naming huminto sa harap ng hotel.
"Is this yours?" tanong ko matapos makita ang malaking logo ng Del Rosario's Group of companies sa harap nun "Are you the host this year?"
"No, but the hosting family, the Zamora's are good family friend."
"Zamora?"
"And soon to be a part of the family clan." Dugtong pa ni Cloud.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...