Breathless #34

4.6K 145 33
                                    

Chapter 34
Noreen

Umakyat ata lahat ng dugo sa ulo ko. Biglang uminit ang ulo ko matapos ang tanong niya. I closed my fist and was about to say something to her ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Oh, you've met!" nilingon ko agad ang walang hiya! He smiled at me bago tumayo sa tabi ko "Will you put some clothes on?" agad niyang sabi sa babae.

"O-Oh, right!" sagot naman nun saka umalis din agad sa harap namin. Agad kong tinignan si Cloud at malakas na hinampas.

"WHO IS SHE?" Sigaw kong tanong sa kanya, nabigla siya sa ginawa ko. "TELL ME, WHO IS SHE?!" hinampas hampas ko yung dibdib niya pero hinayaan niya lang iyon.

Napalingon pa ako ng mabilis ding lumabas yung babae at humarap sa aming dalawa. Hinuli ni Cloud yung mga kamay ko saka tumayo sa likod ko habang hawak hawak ang mga iyon. I want to move but he was restraining me na parang niyayakap na rin.

Mahina siyang tumawa na lalong kinapikon ko. "I am seriously mad right now!" I warned him pero bumulong siya saka ako tuluyang niyakap mula sa likod.

"Don't be..." malalim niyang sabi.

"Noreen, meet my older sister, Chloe Co-Del Rosario!" at nabigla ako ng marinig ang sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig matapos iyon. Napatitig ako sa babae na nasa harap namin. Maganda siya, she has a wavy hair and tanned skin. Curvy din ang body niya at di hamak na mas malaki ang hinaharap niya kesa sa akin.

"Hi!" maikli niyang bati, ngayon ko lang napansin, British accent ang gamit niya. "I'm Chloe, nice meeting you." She greeted, hindi ako nakasagot agad.

Cloud laughed at what she said, bigla tuloy akong nainggit sa accent niya. "Ate, meet Noreen Del Vega," Pinisil niya ang magkabilang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya "My girlfriend."

Nabigla ako sa sinabi niya. W-Well I didn't expect na sa kanya unang manggagaling iyon and he formally introduced me to his sister. My heart suddenly felt happy because of that. Di ko rin maitago ang ngiti ko matapos marinig ang sinabi niya.

"Cloud, you should have told me that your girlfriend will come and visit you, I saw how her face turned red a while ago. She might have hit me on the face if you didn't arrive on time!"

Seriously, hindi ko alam kung saan ako mafa-fascinate, sa accent ng ate niya o sa fact na sinabi niyang girlfriend niya ako.

Lumapit si Ate Chloe sa akin saka inabot ang kamay niya. "Nice meeting you, Love." Pagbati niya, wala sa loob kong inabot iyon at nakipagkamayan, nabigla pa ako when she suddenly pulled and hugged me, I looked at Cloud, he just smiled at me.

Inaya kami ni Ate Chloe sa may dining table. I helped her in preparing the food at nakita ko ang pangiti niya ng makita niya ang dala kong mga pagkain. "I missed Filipino foods." She whispered.

We ate together and actually had a good time chit chatting. Madaldal si Ate Chloe, she knows how to entertain. Mapapansin din sa way ng pagsasalita niya that she's really smart. Her vocabulary is really profound too. I love hearing her speak. Ang sarap lang sa ears.

Cloud volunteered to do the dishes, besides both Ate Chloe and I can't be trusted in terms of that.

We went to veranda at doon nag usap. She handed me a glass of wine na dala daw niya and I happily accepted it.

"Tell me, ano naramdaman mo nung makita mo ako?" may ngiti sa labi niya habang tinatanong iyon. Tingin ko nasa dugo na nila ang pagiging multi-lingual. Brick is like her too. They are both knowledgeable sa languages na ginagamit nila.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon