Breathless 40
Noreen"Ito ang dalhin mo!" Singal ni Ron at mabilis na hinila ang hanger sa loob ng closet ko, malapad ang ngiti niya matapos makita ang red two piece bikini na andoon, nilapit niya iyon sa katawan niya saka humarap sa salamin "Baka pwede ko tong hiramin Bessy?" tanong niya kaya inabot ko ang unan saka tinapon sa kanya.
Siya ang nag-aayos ng mga damit na dadalhin namin, siya rin ang namimili ng mga swimsuit na isusuot ko at ilang beses niya pang sinabi na gusto niyang humiram nun, hindi ko maiwasan ang matawa sa bawat pagsabi niya na gusto niyang i-try ang mga bikinis na nakikita niya. I just shook my head, itong bakla talagang ito, oo, kulang na lang paputulan niya na ng pakpak ang birdie niya eh!
Tumunog ang doorbell pero hindi na ako tumayo at lumabas ng kwarto, si Cloud yun and I am expecting him to arrive. Paglingon ko sa pinto after few seconds nakatayo na siya doon, I smiled at him saka mabilis na lumakad palapit sa kanya. Yumakap ako sa beywang niya, sunod nun ay naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko.
"Saan ka galing?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang kama, hindi maalis ang tingin niya kay Ron, nakakunot nanaman ang noo niya at feel ko talaga na ayaw niyang nakikita si Ron na kasama ako, hay naku!
"Sa bahay..." maikli niyang sagot.
"Lately ata doon ka nag-i-stay, dahil ba kay Ate Chloe?" tanong ko.
"Minsan lang mabuo ang pamilya namin, I have to be there, I don't want to ruin the atmosphere..." paliwanag niya.
"I understand..."
"Gusto mo ba sumama sa susunod?" tanong niya saka naupo sa tabi ko, he looked at the luggage na pinaglalagyan ng damit na inaayos ni Ron "Bakit ang dami? For how many months ba, do you plan to stay there?" tanong niya saka hinila ang short shorts na andun, sunod nun ay ang pagkunot ng noo niya. I smiled and pulled it back from him saka siniksik sa bag.
"Mas mabuti na ang sobra kesa kulang." Sagot ko na lang.
"Sasama ba siya?" tanong niya referring to Ron.
"Of course!" sagot ko agad "Bakit ayaw mo?" tinaasan ko siya ng kilay, hindi siya sumagot, kinuha niya ang phone niya sa bulsa at nag check ng messages bago tuluyang sumandal sa headboard ng kama ko.
"Do you really want to come?" He asked. I just looked at him. Ilang beses na niya akong tinanong tungkol doon na para bang gusto niya na magbago ang sagot ko.
"Oo naman, bakit ayaw mo ba?"
"Ang akin lang, we can go to other places, you and I." He gave me his gentle smile. I know that smile, he is trying to convince me.
"Di ba mas masaya kung mas marami? Saka Cloud pwede naman after nito saka tayo umalis na tayong dalawa lang," I answered him. "Isa pa gusto ko makipag-bonding sa Ate mo, sa mga pinsan mo, kay-" natigil ako ng makita ko ang pagseseryoso ng mukha niya. He cleared his throat saka tumayo mula sa kama. "CLOUD!" tawag ko ng lumabas siya ng pinto.
Tumingin ako kay Ron bago siya hinabol.
"Cloud!" hawak ko sa braso niya "Ikaw napaka-hormonal mo! Daig mo pa ang babae kung magsungit eh!" sabi ko saka nagpa-cute sa kanya. Kumapit ako sa braso niya at naglambing. "Masama bang mapalapit ako sa pamilya mo?" tanong ko.
"Noreen..."
"Alam ko ang iniisip mo pero tiwala lang ang hihilingin ko sa iyo, kaya mo bang ibigay yun?" naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim, he looked down at me.
"I trust you," He calmly said. "Yung mga lalaking nakapalibot sa iyo ang hindi ko pinagkakatiwalaan!" pahabol niya. I pouted and embraced him.
"You gave me assurance, let me give you one too." I flashed a bright smile. I heard him sighed na parang wala ng magagawa. Cloud removed my hand and gently messes with my hair.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...