Chapter 28
Noreen
"What brings you here?" nagulat ako ng binuksan ko ang pinto, akala ko kung sino na ang dumating.
"Why? Masama bang bisitahin ko ang anak ko?" she asked saka mahinang tinulak ang pinto ng hindi ko pa iyon binubuksan masyado. Kusa siyang pumasok kahit hindi ko pa sinasabi. Ginala niya ang tingin niya sa paligid. She put down her bag on the sofa saka umupo doon. "Hindi mo ba ako aalukin ng juice?" she asked me.
Mas lalo akong nagtaka sa ginagawa niya. Nakakunot ang noo ko habang papunta sa kusina, kumuha ako ng orange juice saka cold sandwich at ininit yun saglit sa microwave. I served it to her. She smiled at me saka ininom ang juice "You're creeping me out!" I blurted out matapos kilabutan sa pinaggagagawa ng Mommy ko.
"Relax , I am just visiting you!" sagot niya sa akin. I laughed sarcastically saka tinignan siya.
"Mom, since I moved here, you never visited me. Kaya wag ako ang lokohin mo!" I was about to turn my back on her ng narinig ko siyang magsalita. She picked up the magazines na nasa center table saka tinignan iyon.
"Hmm, do you like to be a celebrity?" she asked habang pini-flip yun "Are you interested with Villaflor Twins?" she asked ulit matapos mapansin ang mga litrato nila.
"You're holding a Villaflor owned magazine." Paliwanag ko sa kanya, tinignan niya iyon
"Ohh!" parang nang-aasar niyang sagot
"But I am a fan. I like Rylle." Pagsasabi ko ng totoo. She smiled at me saka nilapag yung magazine and took a sip from the juice I served her.
"Did you know that they're a distant relative?" she asked me.
"What?" nabigla kong tanong.
"Her mother, the heiress of the famous textile company is a Del Vega." She smiled at me, tumayo siya saka naglakad lakad. Kumunot ang noo ko when she touched the flower Brick gave me. "Your father and her mother are third cousins." She informed me.
"S-So kamag-anak natin sila?" I asked, she nodded
"A distant relative. You by blood, me by law."
"B-Bakit? Bakit hindi ko alam?" I asked her.
"Oh dear, why don't you ask yourself? Kailan ka ba nagkaroon ng interest sa business?" she answered me.
"Mom, our relation to them is family not business!" sagot ko.
"You know nothing, Noreen." Naglakad siya papunta sa kusina habang tinitignan ang mga gamit doon, parang chi-ne-check niya lahat habang nagsasalita .
"In our world, you should know who are the people who can help you." She said habang binubuksan ang fridge ko. "You should know every single detail ng mga taong pwede mong maging kaibigan o kalaban. Know their weaknesses, likes and dislikes and use it to manipulate them."
"If we are going to talk about business here, you can go now Mom." Tinalikuran ko siya pero nagsalita siya agad.
"The business we are talking about here is the main reason why you have everything." She stated. She walked near me saka pinatong ang kamay sa balikat ko "Without it, you are nothing." Dugtong niya.
"You're the most ewan person I know!" sagot ko, lumakad ako papuntang sofa saka doon kinuha ang bag niya, sumunod siya sa akin kaya inabot ko sa kanya iyon "Don't ever visit me again Mom, kinikilabutan ako eh!"
Kinuha niya yung bag niya saka ako tinignan at yung bulaklak doon sa center table "Don't accept suitors." She plainly said "It will not help you."
"Don't interfere in my personal life." Sagot ko. kumunot ang noo niya, alam ko kung paano galitin si Mommy, kung may isang bagay akong master na master yun ay ang pakuluin ang dugo nila ni Daddy!
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomansaOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...