Chapter 22
Noreen
Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Mommy at Daddy dahil halos araw-araw nila akong isinasama sa mga business parties na pinupuntahan nila. Naiirita ako pero hindi ako makatanggi, minsan lang kasi makiusap sa akin si Mommy ng matino at puro bribe pa!
The last time, we had a dinner party with the Alejandros and Casagrande. hindi ko sila maintindihan puro merging sa company pati kung anu-anong investments ang pinag-uusapan nila. I just sat there o kaya naglalakad lakad palibot sa lugar, in all fairness magaganda ang places na pinipili nila during dinner parties.
Hindi ako nag-stay sa bahay, I always insists na uuwi ako ng condo. Hindi makakauwi si Ron ngayon, birthday kasi ng kapatid niya, wala naman akong maisip na iregalo kaya yung ticket ko na lang papunta sa Hong Kong ang binigay ko, bahala na si Ron mag ayos nun, besides tinatamad na rin akong pumunta at saka may mga lakad na rin akong iba sa araw na iyon.
I had dinner pagdating ko sa condo, bukas ng maaga pupunta ako sa training center for my swimming training, medyo hindi ako nakapag-focus dahil sa busy ko school. Seryoso, these past few months hindi na ako makapag-focus on swimming, feeling ko unti-unting nababago ang buhay ko, yung tipong dumadami ang pinapasan ko kahit wala pa naman. Sigh.
Last Monday, tinanong ako ni Coach kung kaya ko pang maki-compete, kung itutuloy ko pa ang passion ko sa pagswi-swimming, madalas kasi akong mag skip ng trainings at hindi na rin ako pumupunta tuwing meetings.
Mommy had my schedule already, she asked me kung pwede ko ba daw ng tigilan ang pag swi-swimming, actually no hard feelings for it eh, I can give it up, lalo na ngayon feeling ko maraming bagay ang darating.
--------
I was changing my clothes, matapos iyon lumabas na rin ako, I called my coach to tell about my plans, sinabi ko rin na hindi na kakayanin kung idadag dag ko pa ang swimming sa responsibilities ko, isa pa ang hirap pagsabayin ang pagiging athlete at graduating, mas lalo pang magagalit sila Mommy sa akin kung bumagsak ako dahil dito. Mas kailangan ko ng oras sa studies saka sa beauty ko, ayaw ko masyadong ma-stress, nakakabawas ng ganda.
Wala na siyang nagawa, it was my final decision, tumawag na rin siya sa school head para i-inform ang tungkol dito, I thanked him and said my goodbye.
Bitbit ko ang bag ko ng nakasalubong ko si Cielo, she smiled at me. We did some chikahan and she even managed to ask me about the real score between me and Cloud.
"Walang ganyan!" sagot ko saka maarteng ngumiti sa kanya, she looked at me with meaning, as if she was teasing.
"I can hear Mom and Dad talking about you!" sagot niya sa akin "Even Kuya!" she said.
"Your Kuya? He is talking about me?" I asked.
"Sometimes..." she answered "Pero madalas tahimik lang siya." tumango na lang ako, I was about to ask more ng bigla siyang nagpaalam "I have to go, marami pa rin kasi akong gagawin, hahabulin ko pa din si Daddy after this!" paalam niya and I just waved at her.
I tossed my bag inside my car. I took a deep breath bago binuhay ang makina. I looked at my wrist watch bago tuluyan ng umalis ng lugar. Nakauwi ako ng mas maaga sa condo, I called Ron immediately to inform him na gusto kong mag-saya tonight, just like the old days.
"Bessy, club tayo later!" bungad ko agad sa phone ng sagutin niya iyon. Naririnig ko ang mga salita ng tao sa background, nasa shop nanaman siya.
"Sige, antayin mo ako!" sagot niya na lang at ibinaba ko na ang phone, I took a nap, gigisingin naman ako ni Ron pag dumating yun eh.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomantizmOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...