Chapter 5
Noreen"OH MY GODDDD! WHAT HAPPENED TO YOU?" rinig kong sabi ni Ron sabay takbo papalapit sa akin. Naitapon din niya ang dala niyang ewan ko kung ano sa gilid matapos makita ang sitwasyon ko. Hinawakan niya ang kamay ko na punong-puno ng red liquid "A-ANONG GINAWA MO? BALAK MO BANG MAGPAKAMATAY?" tanong niya at nakatulala lang ako na parang wala sa sarili. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya saka nagsalita.
"Magpakamatay? I'm not that pathetic you gay! I dyed my hair red, isn't it obvious?" sagot ko sabay balik sa pagkatulala. Narinig ko ang pag breathe out niya saka naupo sa harap ko. Nakakalat ang red dye sa floor, sa mga kamay ko, sa mga damit ko at sa kung saan pa na dinaanan ko.
I feel so depressed at inis na inis ako!
"After blonde, red naman?" tanong niya habang tinitignan ang namumula sa kintab kong mga buhok "Broken hearted te?"
"Do you want me to cut it?" mahina at nakatulala ko pa rin na tingin sa kanya. I closed my eyes at para akong basag na basag matapos ng ginawa sa akin ng lalaking nakatira sa kabilang unit.
HINDI SIYA TAO! HINDI SIYA HAYOP! DEMONYO SIYA! WALA SIYANG PUSO! BUTI PA ANG SAGING, MAY PUSO, SIYA WALA LECHE SIYA!
"Ano nanaman ba ang nangyari?" tanong ni Ron na parang habag na habag sa akin "Bessy ayaw kong nakikita kitang ganito, the last time I saw you staring blankly to something was-" natigilan siya ng tinignan ko siya "A-Ahh actually I forget about it na and you should too, ano ka ba? Umayos ka nga!" saka niya ako inalalayan para makatayo "Mukha kang anti-christ dyan sa kulay ng buhok mo, halika ka nga dito!"
------
Ron was blowing my hair after niyang i-dye ng itim ang buhok ko well I guess hindi ata bagay ang shade ng red sa akin, sinusuklay niya ako habang patuloy siya sa pagkwento ng tungkol sa pamilya niya.
"You need a salon, look how stressed your hair bakla!" sabi niya saka niya ako inutusang magbihis. Sumunod ako saka inabot ang susi ng kotse sa kanya. Dumiretso kami agad sa pinakamalapit na mall.
"I want a Mahogany shade sa kanyang hair..." rinig kong sabi ni Ron. Hindi na ako nagsalita, I closed my eyes at hinayaan ko ng i-Digital perm nila ang mahaba kong buhok, I let them do all the job habang pilit kong pinapagaan ang pakiramdam ko.
Flashback
"Don't push yourself to me Noreen, I'm not a prince-charming-type-of-guy who will catch you if you fall..." diretsahan at malamig niyang sabi sa akin. Halos pumutok lahat ng organs ko matapos marinig iyon.
"HOY! HINDI KO PINIPILIT ANG SARILI KO SA IYO AT KUNG AKA-" natigil ang pagbulyaw ko sa kanya ng saran niya ako ng pinto buti na lang mabilis ang reflexes ko kung hindi aabutin ang mukha ko! Isipin mo yun? He slammed the door right in front of my face! Paano kung naabot ang ilong ko? Ayaw ko nga masabihan na nagpa surgery ng ilong!
"MANIGAS KA DYAN! KALA MO KUNG SINO KA! BASTOS! WALANG MODO! WALANG PUSO! KUNG HINDI MO AKO GUSTO! MAS LALONG HINDI KITA GUSTO! KAPAL NG MUKHA MO!" saka ako padabog na pumasok sa unit ko matapos nagsilabasan lahat ng mga tenants sa paligid na units. Inirapan ko silang lahat bago ko rin padabog na sinara ang pinto ko.End of Flashback
"AISSSSSSHHHH!" bigla kong naibulyaw matapos maalala ang nangyari. Kapal talaga ng mukha niya! Sino bang may sabi na gusto ko siya? Kahit ipagkasundo pa kami ng magulang namin, I'll surrender all my trust funds wag lang siyang pakasalan! Nakakakulo ng kalamnan!
"A-Ayaw niyo po ba ang bago niyong hairstyle?" kinakabahang tanong ng hairstylist habang hawak ang suklay at gunting niya. Huminga ako ng malalim matapos akong tignan ni Ron ng masama, I rolled my eyes saka tumingin sa salaming nasa harap ko. Napalunok ako matapos makita ang bagong ako.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...