Chapter 15
Noreen
Nagdalawang isip pa ako kung aabutin ko ang kamay niya o hindi but there's a strong energy na humila sa kamay ko at naglapat sa malambot niyang kamay. He smiled at me, para siyang model ng toothpaste sa ganda ng ngipin niya.
"Noreen..." pakilala ko "Noreen Del Vega"
"Del Vega!" ulit niya saka tumango tango "Sounds familiar!" sagot niya sa akin saka humila ng upuan at umupo sa harap ko. Nakangiti parin siya at nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko ng pagmasdan niya akong mabuti.
"Wise Telecom." sagot ko
"Ooh, that's why!" rinig ko sabi niya.
"Are you new here or I just met you and you are here for a long time na rin?" I curiously asked him, ngumisi siya saka pinatong ang dalawang kamay sa mesa namin. Napatingin ako doon, infairness namumula ang knuckles niya ah at ang ganda ng balat!
"I'm new here, actually I don't live here!" sagot niya sa akin "I'm just visiting my cousin, it's been a while since we didn't see each other, I am based in New York, taking up Culinary Arts." nanlaki ang mata ko at di mapigilan na mapanganga matapos niyang sabihin iyon, Culinary Arts? Magaling magluto? Chef? Taray! Ang hot na chef naman ito pagnagkataon!
Napatingin ako sa kanya matapos niyang basain ang sariling mga labi. Namumula iyon at parang ang lambot lambot, siguro magiging mabenta ang restaurant ng lalaking ito pagnakataon, gwapo na, masarap pang magluto!
"You?" he asked, ang lalim rin ng boses, lalaking lalaki!
"Ah, Engineering." sagot ko "ECE!"
"Great, for the business, eh?" tanong niya, I just nodded "Hey, my cousin too is an Engineering student, you guys are so hardworking, solving all those math problems and all? God, you guys are so amazing!" may accent nga siya na New Yorker.
"Will he come?" I asked him saka niya tinignan ang phone niya. Kumunot ang noo niya matapos makita ang message na andun.
"Oh, he said he's busy." he shrugged saka binalik sa bulsa ang cellphone.
"Malayo ba place niya dito?"
"No, not actually, ewan ko ba after I sent him the address biglang umatras and told me to go to their house instead." magaling rin pala siyang magtagalog. I just nodded at him "Anyway, I'll just take some order and have it ready-to-go, is that okay?"
"Sure!" sagot ko saka ngumiti "Ron!" tawag ko kay Ron "He wants to order, please help him!" agad rin naman sumunod si Ron saka sinamahan siyang makapunta sa may counter.
Kumaway siya sa akin bago tuluyang naglakad, I just smiled. Nag take out siya ng blueberry cheesecake at anim na milktea. He waved at me again bago pa umalis ng shop.
"Kinuha niya number mo?" agad na tanong ni Ron sa akin.
"Hindi." agad ko rin namang sagot sa kanya
"Talaga? Ang bango niya Teh!" komento pa niya kaya napailing na lang ako. "Anong sabi?" usisa pa ni Ron, kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya
"Busy ako Ron, can't you see, I'm studying? Di ba sabi mo mag-aral ako? Ito na oh, ginagawa ko na tapos guguluhin mo ako!"
"Ang sungit! Meron ka?" tanong pa niya saka ako inirapan. Bumalik na siya sa pag-aasikaso sa mga customer at bumalik na rin ako sa pag-aaral. Ang sakit pala talaga sa ulo kung iintindihin mong mabuti ito, nakaka stress! Nakakawala ng ganda!
-----
Dumating na yung laundry ko kanina, maagang nai-deliver yun kaya naman natutuwa ako. Agad kong sinara ang pinto saka chineck ang mga damit. Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Yaya sa bahay, dun kasi ako nagpapalaba ng undergarments, liban pa sa authorized laundry shop na nasa baba lang din ng building.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...