Chapter 19
Noreen
"I really can't imagine that you and Cloud are cousins!" I exclaimed ng makapasok ng unit ko si Brick "By the way pasensya na sa kalat, bukas pa kasi darating yung taga linis ko." pakiusap ko but he just smiled at me bago sumagot.
"It's okay, hindi naman ganun kagulo!" napatingin ako sa kanya matapos niyang sagutin ako ng tagalog. Ang fluent lang niya sa lahat ng language na alam niya!
"What do you want? Coffee, tea or juice?" I asked, umiling siya.
"Water will do..." sagot niya kaya mabilis akong kumuha ng baso at cold water sa fridge saka inabot sa kanya, kumuha rin ako ng cash at inabot sa kanya pero tumanggi siya "You know what, I think I can't accept that!" sagot niya.
"Huh?" kumunot ang noo ko "Bakit naman?"
"If I'm going to accept that, you'll forget about me..." sagot niya saka ngumisi, hinawi niya ang buhok kaya nakita ko nanaman ang tattoo niya doon sa wrist niya.
"W-What do you mean?"
"I mean, I don't want you to forget about me and I want you to always remember me and that cash." he chuckled matapos niyang sabihin yun "But seriously, hindi naman kita sinisingil, wag mo na akong bayaran, please." Huminga na lang ako ng malalim saka binalik ang pera sa wallet.
"And to be honest, you somehow tickled my interest." Pag-amin niya saka ngumiti, hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng pagkailang. "I'll see you more soon, thanks for the water!" sabi niya saka iyon inabot sa akin, hinatid ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng unit ko.
Napasandal ako sa pader at bumuga ng hangin.
Si Cloud, si Brick, magpinsan? Pusang gala naman oh! Ano bang meron sa dugo nila at ganun sila kakagwapo?
----------Kinuha ko ang ticket ko papuntang Hong Kong kay Ron. Tapos na kasi ang final exams at obviously bakasyon na, at matagal na ring naka-book ang flight ko kasama siya. Huminto ako sa harap ng bahay nila Ron, medyo nahirapan pa akong ipasok ang kotse ko dahil maraming tambay sa daan at mga batang naglalaro, nag-iingat din ako baka magasgasan pa ng mga loko-lokong bata ang sasakyan kaya naman natagalan ako bago makapark sa harap nila Ron.
Bumaba ako ng kotse.
"RON!" sigaw ko mula sa labas, umiwas pa ako bigla ng may makulit na bata na nagtatakbo sa harap ko at muntik pang madapa "RON!" tawag ko ulit. Tinulak ko ang kinakalawang na nilang gate kasunod nun ang malakas na tahol ng aso nila na nakatali lang sa may gilid.
"NOREEN!" salubong sa akin ng Mama ni Ron.
"Tita!" bati ko rin saka nagmano sa kanya.
"Kay gandang bata, halika tumuloy ka, naliligo si Ron, okay lang ba na antayin mo siya?" tanong ng Mama niya.
"Okay lang po, teka kumusta na po kayo?" tanong ko sa kanya.
"Mabuti naman iha, ito nga at nakakatayo na ulit, sinabi sa akin ni Ron ang mga tulong na binigay mo, maraming maraming salamat!" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko, ngumiti lang ako sa kanya.
Nakita ko ang mga kapatid ni Ron na naglalaro yung iba naman nag-aaral, binati nila ako isa-isa bago ako tuluyang umupo sa upuan nilang yari sa lumang kahoy. Napalunok pa ako ng makita kong may dumaang ipis sa harap namin.
"Pasensya kana Iha alam kong hindi ka sanay sa ganitong lugar pero saglit na lang din yun si Ron, sasabihan ko na lang na andito ka para magmadali na!" aniya saka ngumiti sa akin
"Okay lang po, wag po kayong mag alala." I answered her and slightly raised my foot.
"Gusto mo ng juice?" tanong niya, umiling na lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/11958572-288-k512782.jpg)
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomantiekOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...