Chapter 23
Noreen
It was the most boring and longest term break I ever had. Naiinis ako. I can't sleep at pagulong gulong ako sa kama ng bigla akong nahulog "AAHH!" I shouted habang sapo sapo ang pwet dahil sa pagbagsak.
"Yan kasi, kung anu-ano ang ginagawa!" sita ni Ron sa akin habang busy sa paggamit ng laptop ko. Inaayos niya ata ang financial report ng shop namin.
"Anong yan kasi? Makasalita ka kala mo wala kang kasalanan sa akin ah!" sagot ko at doon niya ako nilingon, nakonsensya ata siya kaya siya tumayo at lumapit sa akin, bumalik ako sa kama saka niyakap ang unan. I looked at him in despair.
"Sorry na, hindi ko naman aakalain na ganun ang mangyayari, hindi ko naman alam na ganun maglaway sa iyo ang hayop na iyon kaya aabot sa ganun ang eksena na ginawa niya!" Ron reasoned out. I just rolled my eyes.
"Pati pa tuloy si Cloud, galit sa akin!" paghihimutok ko.
"Bakit di ka sumama kay Brick?" tanong ni Ron, I just looked at him.
"I don't think that's the right thing to do..." sagot ko na lang matapos kong tawagan ulit si Brick at sabihing masama ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim saka kinagat ang pang-ibabang labi. "I feel hopeless, alam mo yun? Ang bigat sa pakiramdam!"
"Gusto mo pumunta ng Hong Kong? Pwede kong bawiin ang ticket-"
"NO!" agad kong sagot kay Ron "It was a gift, don't ever think na pwede mong bawiin sa kapatid mo yun, isa pa hindi mo ba nakita kung gaano siya kasaya nung sinabi mo yung regalo ko?" tumingin lang sa akin si Ron. "Don't worry, okay? Kung gusto kong pumunta doon, I can buy as many ticket as I want..."
"Kumain ka muna." Sabi niya matapos lumabas at gumawa ng sandwich sa kusina. Nagdala siya ng freshly squeezed lemon juice saka inabot sa akin.
"I don't feel like eating." Sagot ko saka tumulala.
"Noreen, kailangan mong kumain, bukas may lakad ka nanaman kasama ang parents mo, gusto mong pumangit?" tanong ni Ron. I looked at him "So kumain ka!" pagtatapos niya ng usapan.
I took some bite pero hindi ko iyon naubos, for me walang lasa ang mga pagkain. I grabbed my phone at ilang ulit na bumuntung-hininga habang nakatitig sa number ni Cloud. I want to call him, I want to talk to him pero siya, gusto ba niya?
Tumayo ako saka kinuha ang first aid kit ko. Dinala ko din yung sandwiches na ginawa ni Ron. Nakatitig lang si Ron sa akin at nakita ko na napailing pa siya ng makita akong lumabas ng unit.
Huminga ako ng malalim bago nag doorbell sa harap ng unit ni Cloud. Naka tatlo, apat na beses akong nag doorbell pero walang nasagot o nagbukas.
Pinindot ko ang intercom saka humarap sa camera na nasa gilid ng pinto niya.
"Hey, it's me Noreen, brought you some sandwiches saka first aid kit. Please treat your wounds. Again I'm sorry." Sabi ko na lang saka binaba ang mga dala sa harap ng pinto niya.
Alam kong nasa loob siya, ayaw niya lang akong labasin. Bumalik ako sa unit ko at saglit na inantay siyang lumabas hoping na lalabas siya at kukunin ang dala ko pero hindi niya ginawa iyon.
Huminga ulit ako ng malalim saka sinara ang pinto. Nabigla ako ng hinila ako ni Ron saka pilit na papasukin sa CR "Maligo ka, pupunta tayo ng shop ngayon!" sabi niya.
--------
Natapos na akong naligo at nagpatuyo ng buhok. I brushed it saka namili ng damit na susuotin. Wala ako sa mood ngayon kaya yung inabot lang ni Ron ang ginamit ko. He grabbed my mini leather bag pack na kulay emerald green saka ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...