Chapter 14
Noreen
"OH MY GOD NOREEEEN!" sigaw ni Ron kaya ako biglang napatayo. Wala ako sa sarili at halos di ko matandaan kung saang lugar ako ngayon "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya saka tuluyang binuksan ang ilaw sa buong shop namin. I closed my eyes a bit at doon ko naalala kung bakit nga ako natulog dito.
Flashback
Pumikit ako saka mataimtim na nagdasal, Diyos ko sabihin mong panaginip lang ito! Nakataas ang isa niyang kilay at hawak hawak parin niya ang brief niya na malapit sa mukha ko. Para akong natutunay sa sobrang kahihiyan at gusto kong iuntog ang ulo niya ngayon para makalimutan niya ang mga nangyari!
"Answer me or I will call Mo-"
"HINDI KO ALAM!" sigaw ko sa kanya "H-Hindi ko alam kung bakit napunta sa bulsa ko yan!" pagsisinungaling ko habang basang-basa na ng pawis at medyo nanginginig na. I bit my lower lip at halos dumugo na rin ata yun dahil sa diin ng pagkakakagat ko.
"P-Paanong-" natigilan siya ng biglang tumunog ang doorknob sa likod ko. Si Tita Elaine! Biglang nanlaki ang mata ko at bigla kong hinabot ang hawak niyang brief niya saka ako nagtatakbo palayo doon.End of Flashback
"NO RONNNN!" I cried habang hinihila niya ako palabas ng counter "AYAW KONG UMUWI PLEASEEEEEEE!" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Umayos ka nga Noreen! Tignan mo nga yang sarili mo, hala umuwi kana at may pasok pa tayo mamaya!" ulit niyang sabi habang hinihila ako palabas "Ano ba? Umayos ka nga! Ayy ang bigat mo, ano ba Noreen?" pagalit na niyang sabi.
"Di ko kayang umuwi sa building!" nawawalan ng pag-asa ko ng sabi "Ron ibenta mo na ang unit ko doon at bumili na lang tayo sa iba, yung malayo sa kanya!" halos mabaliw ko ng sabi, he shook his head saka humila ng upuan at naupo sa harap ko. Tinignan niya ako na para akong isang pulubi na walang matirhan.
"Ano nanaman ba ang nangyari, aber?" tanong niya saka ako kinilatis ng tingin.
"K-Kasi..." sagot ko saka yumuko "K-Kasi ano...A-Ano kasi..."
"NOREEN!" sigaw niya at napatingin ako sa kanya
"O-Okay okay, ganito kasi yun..."
-----
"WHAAAAAAAAAAAAT?" sigaw ni Ron at biglang napatayo sa kinauupuan "SAAN ANG BRIEF? SAAN ANG BRIEF?" tanong niya saka niya ako marahas na kinapkapan "NOREEEENNN!" he shouted my name ng makuha niya ang brief sa bulsa ko. Nagsisigaw ako at nagsisipa saka sinabunutan ang sarili.
"HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO!" naiiyak at sumisigaw kong sabi "RON! RON NAHIHIYA AKO!"
"Brief to ni Cloud?" tanong ni Ron, tumango ako at doon ko nakita ang pag-spark ng mga mata niya. Unti-unti siyang ngumiti saka inulit pa ang tanong "Brief talaga to ni Cloud?" saka agad na inagaw sa akin iyon.
"RON!" sigaw ko saka biglang inagaw pabalik yun sa kanya "NABABALIW KA NA BA? ANO BA RON?" sigaw ko sa kanya saka pinagpag ang brief saka binulsa ulit.
"Gamit ba yun o bago? Bakit mukhang mabango?" tanong niya sa akin na kinahina ng tuhod ko
"UMAYOS KA NGA!"sigaw ko ulit sa kanya "Sabihin mo Ron, ano gagawin ko? Ano?"
"Ibigay mo na lang sa akin yan Bessy, ako na magtatago!" sabi niya habang kumikinang parin ang mga mata.
"Sabunutan kita dyan eh!"
"Hay, osige na seryoso na, alam kong hiyang hiya ka ngayon pero Bessy ano pa ba ang magagawa natin? Nasa iyo na yang brief na yan!" saka niya tinuro iyon na nasa pang likod na na bulsa ko. Humila ako ng upuan saka umupo, I growled saka pinatong ang mukha sa mesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/11958572-288-k512782.jpg)
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
Roman d'amourOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...