Chapter 1
Noreen"Miss Noreen Del Vega?" napatayo ako agad after I heard my name.
"Yes?" ngumiti ako after biting my lips to turn it more red, I walked with class and poise papunta sa babae.
"Hello, Ma'am sorry po may emergency call po si Doc ngayon, pwede po kayong bumalik bukas..." and that made my head burst! Napalakad agad si Ron sa tabi ko saka ako hinawakan sa braso, he knew what I am going to do next!
"WHAT?" bulyaw ko sa babae "YOU MADE ME WAIT FOR HOURS, FOUR FUCKING HOURS TO BE EXACT AND NOW YOU ARE TELLING ME NA WALA SI DOC? ARE YOU INSANE? HINDI MO BA AKO KILALA?" nanginginig sa galit kong sabi sa nurse na kausap ko.
"WHO OWNS THIS HOSPITAL? THE RAZONS AND CRUZS RIGHT?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang panginginig niya habang hawak ang record book at mabilis na tumango-tango "GUSTO MO IPATAWAG KO PA SILA?" pananakot ko sa kanya "YOU DON'T KNOW ME, DO YOU?" at nakita ko ang paglunok niya.
"Bessy, kalma ka lang..." alo sa akin ni Ron saka hinimas himas ang braso ko "Walang kasalanan si Ateng, at pinagtitinginan na tayo dito..." saka siya pilit na ngumiti at tinignan ang paligid, I breathe out saka siningkitan ang mata.
"Sagutin mo ako!" seryoso kong sabi "Kilala mo ba ako?" hindi siya makatingin at pilit na iniiwas ang tingin, tingin ko maiihi na itong babaeng ito sa susunod ko pang sigaw "MAGSALITA KA!" sigaw ko at narinig ko ang naglaglagang mga gamit mula sa mga nagulat na nurse.
"H-Hindi po!" sagot niya na parang pigil sa paghinga.
"See, that's why you made a mistake!" sagot ko sa kanya saka siya tinitigan siya ng matalim "FOR YOUR INFORMATION I AM NOREEN DEL VEGA, DAUGHTER OF THE OWNER OF WISE TELECOMMUNICATIONS..."
Lumapit ako sa kanya saka bumulong "Wise ka di ba? That's your network, gusto mo bang ilantad ko lahat ng text messages niyo ng boyfriend mo? What do you call that? Sexting?" at nakita ko ang pagpapawis niya, GOTCHA!
"M-Ma'am hindi ko naman po alam na magkakaroon ng emergency call si Doc..." sagot niya sa akin at mas lalong nag-init ang ulo ko dahil doon "Humihingi po siya ng sorry sa inyo..."
"Hindi mo alam? Eh ano palang alam mo bukod sa pumalpak?" nagpipigil kong sabi "Sorry? Maibabalik ba nun ang oras na sinayang ko?"
"Noreen tama na yan!" saka ako hinila ni Ron.
"THE NEXT TIME YOU'LL SET AN APPOINTMENT MAKE SURE NA SISIPUTIN AKO AH!" saka ko siya inirapan, napatigil ako sa paglalakad saka napatingin sa mga tao na nakatingin sa amin, ngumisi ako and flipped my blonde hair, kakapalit ko ng hair color last week!
"WHAT?" pagtataray ko sa mga taong nakikiusyoso "DO YOU LOVE THE SCENE?" tanong ko at isa-isa silang nagbawian ng tingin.
"Tara na nga, bruha ka!" hila sa akin ni Ron palabas ng hospital.
"I HOPE YOU ENJOYED THE SCENE!" sigaw ko bago tuluyang nakalabas ng building ng hospital "YOU DRIVE!" utos ko kay Ron, saka hinagis sa kanya ang susi ng kotse "KABANAS!" sigaw ko sa loob ng kotse saka tinignan ang sarili ko sa salamin, hinila ko ang free-flowing skirt ko pababa saka umupo ng maayos.
"NAKU BAKLA KASALANAN MO ITO!" saka ko siya inirapan, huminto ang kotse ng mag red ang traffic light.
"Ako? Bessy ano nanaman ang nagawa ko?" tanong niya saka pinunasan ang noo, nilakas niya ang aircon sa loob "Ikaw bessy ah! Ang taray taray mo! Paano kung may lumabas nanaman article tungkol sa iyo at yang kamalditahan mo? Yari ka nanaman sa Papa mo!" sita niya sa akin and I just rolled my eyes.
"Ikaw kasi hahanap ka ng doctor na iinterviewhin, hindi yung purong psychologist lang! SHIT!" hampas ko sa dashboard ng kotse "Sa lahat ng ayaw ko yung nag-aantay sa wala!"

BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...