Breathless #30

5.2K 168 21
                                    

Chapter 30

Noreen

"Eh di kayo na?" bungad na tanong ni Ron sa akin, tinignan ko siya.

"H-Hindi ko alam, wala pa naman kaming label sa isa't isa, pero yun ang sinabi niya, what's mine is mine and I am not good at sharing." Sagot ko naman.

"Possessive much ang bakla!" komento ni Ron. Nasa shop kami, tapos na ang klase. "Eh pagkatapos nung dinner ano ginawa niyo?" tanong pa niya.

"Ayun, hinatid niya ako sa unit ko. He said na from now on sabay na daw kaming uuwi and if possible, papasok din." Tumili si Ron saka pinaypayan ang sarili, pinagtinginan pa siya ng mga tao doon kaya hinampas ko siya ng mahina. "Umayos ka nga!"

"Di kasi friend, nakita ko kasi kung paano niya inangkin ang mga labi mo nung gabi iyon!" pagpapaalala niya, bigla akong namula, kasabay ng pag-init ng pisngi ko. "Masarap ba?"

"Alin?" tanong ko, ngumuso si Ron. "Ikaw talaga!"

"Hindi nga? Seryoso ako, yummy ba ang lips ni Papa Cloud?" pinipigilan ko ang pagngiti ko pero ang hirap gawin. Tumingin ako sa malayo saka tumango. "BAKLAAAA! NAKAKAINGGIT KA!" tili niya ulit matapos kong sumagot.

Sabay kaming napatingin ng may tumunog na wind chime. Pinigilan ko ang kilig sa katawan ko ng makita ko si Cloud. Naka-black leather jacket siya at rough jeans. Kahit plain white shirt lang ang nasa panloob niya, he looks so hot. Mainit pa sa kape na si-ne-serve dito sa shop!

Lumapit siya sa table namin ni Ron. Nagkatinginan sila.

"Alam ko na kung bakit ka threatened sa akin!" Ron suddenly blurted out "You find me handsome no?" tanong niya, inantay ko kung ano ang isasagot ni Cloud pero tinignan niya lang ak.

"Tse, sungit F.Y.I lang Cloud Co-Del Rosario ah! Bestfriend ko yang nililigawan mo, dapat ikaw maging mabait ka sa akin dahil kung hindi susulsulan ko yang sister ko na di ka sagutin!"

Cloud cleared his throat. Bigla akong nahiya dahil malakas ang boses ni Ron, naririnig sa buong shop.

"We'll see you later." Mahina pero malalim niyang sabi. Tinignan niya ako saka kinuha ang bag ko na nasa upuan. I winked at Ron and Ron winked back.

"Bessy next time sabihin mo pati ako ligawan niya kung gusto ka niyang mapasagot ah!" sabi niya kaya di ko napigilang tumawa. I walked after Cloud, nakatayo na siya sa kotse at pinagbuksan na ako nun. I sat down saka nagpasalamat sa kanya.

"Where are we going?" I asked him.

"Sky Ranch. Tagaytay."

It took us only one and a half hour para makarating doon. It is my first time to visit this place. Naririnig ko na dati ang tungkol dito pero I didn't have the chance to see it with Ron. Siguro magugustuhan nung bakla na iyon kung pupunta kami dito. After Cloud find a place to park. Bumaba na rin ako. Kinuha ko yung face powder ko saka nag apply ng kaunti. Mabilis na inayos ang buhok saka hinarap si Cloud.

"Let's go?" he asked at tumango ako. Tinignan niya ang bag ko na dala dala ko "Iwan mo na sa kotse yan." utos niya kaya bumalik ako, I grabbed my phone saka bumalik sa kanya.

"Let's go?" naglakad kami sa lugar. Kinda chilly pero refreshing ang hangin. The place was huge. Nakaka relax at napakaganda sa mata. Maraming tao, mukhang kilala na nga ito. "How did you know this place?" I asked him.

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na pumila sa mga bilihan ng ticket. "Family friend." Sagot niya ng makasakay na kami Sky Cruiser. It was built for two. I'm not afraid of heights kaya hindi ako bothered sa taas nun. Cloud was sitting sa tapat ng manubela nun.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon