Harder to Breathe #17.1

811 37 33
                                    

Hi!

I'm sorry, absent ako again for two days. I tried to update naman talaga pero inaabot ako ng 12 MN doing "random stuffs" kaya di rin kinaya. Anyway. I hope you're all doing fine. If you like the story, don't forget to leave your comments and vote. Thank you!


Harder to Breathe #17.1
Noreen

Maraming dahilan para hindi ako makatulog ng maayos. Una, magdamag walang kuryente kaya pinapak kami ng lamok ni Ron, pangalawa, magdamag ding nag-ingay ang mga bullfrogs kaya nakakairita sa tenga at pangatlo, hindi mawala wala sa isip ko ang mga sinabi ni Ron kagabi.

"Hindi ka pa ba maliligo?" tanong ni Ron sa akin. Kanina pa ako nakaupo at nakatulala pero hindi rin ako gumagalaw. Ron just had his bath at kanina pa niya ako inaaya na mag-almusal.

"Ang sakit ng ulo ko," reklamo ko sa kanya, I was about to lay on my cushion again when he pulled my arm.

"Bumangon kana, bukas kana magpahinga." pigil niya sa akin.

"I don't want to go out! Feeling ko ang dry dry ko." pag-iinarte ko.

"Noreen, move now!" halos pasigaw na sita sa akin ni Ron, sinimangutan ko siya pero wala na rin akong nagawa.

Narinig niya kasi na may mga lalabas ngayon ng Sitio San Miguel at makikisabay kami sa kanila. I have to meet Gabriel and try to layout my proposal  again. I can't stay here na walang ginagawa.

The weather is actually nice today, may araw na pero malamig parin, parang walang nangyaring malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat kahapon. It's near seven and most of the people here are already doing their own work.

When you think about it, isn't it nice to look around you right after a heavy rain? The morning after the heavy downpour is actually pretty. Bright sun, mga namumuong droplets from previous rain sa ibabaw ng mga halaman and the cold breeze. It's like telling you na kahit anong lakas pa ng bagyo ang tumama at dumaan, tomorrow is another bright and hopeful day.

May mga namuong tubig sa ilang excavated part. They have to dry it out bago makapagsimula ulit. Yung ibang luna na pinatong at pinangtakip sa ibang gamit, kung hindi nilipad, yung iba naman napunit but aside from that wala naman na akong nakikitang ibang problema.

"Why are you here?" takang tanong ni Cloud matapos akong makita na nakatayo kasama ang mga taga Sitio San Miguel na lalabas ngayong araw. Apat silang mga taga doon at kasama ko naman si Ron.

"Kikitain ko si Gabriel." simpleng sagot ko.

"Why? Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?"

"I have to go." matigas kong sagot.

"Delikado sa ilog, malakas daw ang agos ngayon. If you have something to tell him, I can tell him instead."

"Cloud, I have to go." pinaningkitan niya ako ng mata bago ako tinalikuran. Hindi na siya nagsalita kasi alam naman niyang hindi na niya ako mapipigilan.

I brought extra clothes and shoes inside my backpack aside from the important documents dahil alam ko mababasa ako once tumawid kami ng ilog. I just wore my closed-toe hiking sandals, ganun din si Ron. Cloud brought his intern with him. He instructed Engr. Sef before heading out. Lahat ng pwedeng trabahohin ngayong araw, pinasimulan na rin niya.

Tingin ko mas mahirap nga ang paglabas ngayon dahil sa basang daan at malakas na agos ng ilog but aside from that nakaabot naman kami sa town proper ng maayos.

Cloud and his intern just stood in front of the Municipal Hall while the other people from Sitio San Miguel went on their own way na rin. I heard kukuha sila ng supplies and mag rereport regarding sa electrical post na natumba na nadaanan din namin kanina.

Ron and I was about to head into the hall when I heard Cloud.

"Hello, Cielo?" napatigil ako sa paglalakad. Ron looked at me.

Cielo. Ah he's talking to his sister. Wait. Why does it sound so urgent?

"Is he okay? How's the surgery?" I looked back at doon ko nakita ang seryoso at nag-aalalang mukha ni Cloud. "Please tell him that Daddy will be back home soon." Daddy? Him?  "Yes, for now diyan muna siya mag-stay sa iyo. Please take care of him. Thank you Cielo."

Nagpatuloy ako sa paglalakad matapos marinig ang mga iyon pero hindi mawala sa isip ko ang mga narinig.

"Why?" Ron asked me matapos mapansin na nakakunot ang noo ko.

"Ron!"
"Oh?"

"C-Cloud just called himself Daddy, what does it mean?"

"HUH?"

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon