Breathless #18

4.3K 150 23
                                    

Chapter 18

Noreen

This hell week is killing me! Dalawang subjects palang ang natatapos namin ni Ron para sa final exams pero sobrang stressed out na ako! I even went to my dermatologist to check my skin and face kasi may pimple na na lumabas! I was so irritable kaya nag pa facial care na rin ako agad!

"At talagang may oras kang magpaganda during hell week?" sita sa akin ni Ron na pilit kong sinama sa akin, shempre kung saan ako, doon din siya!

"Wag ka ng mag-inarte diyan, alam kong gusto mo rin naman!" sagot ko saka siya inirapan. Dumaan din kami ng department store saglit para mamili ng ibang damit, stress na stress talaga kasi ako sa exams kaya kailangan ko ng stress reliever!

"Kakabili mo ng ng damit mo ah, bili ulit?" Ron commented at tinignan ko siya.

"Wala, paubos na ang damit ko, hindi pa kasi pinapadala ni Yaya yung mga pina-laundry ko last time saka pwede ba, paulit ulit na lang yung sinusuot ko, ang pangit na sa mata!" sagot ko habang namimili ng mga bibilhin. Hindi na sumagot si Ron dahil alam niyang hindi naman siya mananalo at hindi naman niya ako mapipigilan.

May scheduled exam kami bukas, dalawang subjects lang ulit pero hindi rin kami pwedeng magbabad dito sa mall, mag-aaral pa ako no!

It took me an hour para mapili lahat ng gusto ko, mabilis na iyon, talagang binilisan ko na kasi si Ron kulang na lang hilahin ako pauwi. I was on the line ng inabot ko ang credit card matapos nilang i-punch lahat ng mga napili ko ng biglang nagsalita yung nasa counter.

"Ma'am may ibang credit card po ba kayong dala?" tanong niya sabay abot pabalik ng binigay ko.

"Bakit?" taking tanong ko saka naglabas pa ng isa.

"Ma'am ayaw po kasing tanggapin  itong binigay niyo sa akin." she informed me at sobrang nabigla ako dahil doon, ayaw tanggapin? Eh last month lang ito ginamit ko ah!

Napatingin ako kay Ron ng tinanggap ng cashier yung isa kong card, she slid it doon sa machine saka niya in-ninform na nasa 20 thousand na lang ang pweding credit limit ko doon, nanlaki ang mata ko.

"Are y-you sure?" tanong ko at tumango siya.

"Itutuloy ko po ba Mam? Babawasan niyo po itong pinamili niyo or I-cacancel ko na lang po yung transaction?" lumunok at biglang namula ang mukha dahil feeling ko napapahiya na ako sa mga tao, they were looking at me at yung iba nag bubulung-bulungan na.

"S-Sige hindi ko na lang kukunin ito..." saka ko kinuha ulit yung ilang damit na hindi ko naman masyagong gustung-gusto.

Nakabalik na kami sa kotse ni Ron pero malalim parin ang iniisip ko. Bakit nag close yung isa? At yung isa bumaba ang credit limit? Anong nangyayari? Huminga ako ng malalim saka binuhay ang makina ng sasakyan, we left the mall ng magsalita si Ron.

"Kailan ba ang huli mong uwi?" tanong niya sa akin

"Hindi ko na maalala!" sagot ko naman

"Tapos yung last time pa na pinapauwi ka hindi ka sumipot?" sagot sa akin ni Ron "Ayan hi-no-hold na tuloy ang allowance mo!"

I bit my lower lip habang diretsong nakatingin sa daan "I doubt, mas madalas ko silang sagut-sagotin before pero hindi nila hi-no-hold o binabawasan ang allowance ko, may tao si Mommy na gumagawa nun para sa kanya at wala na siyang oras para i-check pa ang perang binibigay nila sa akin!"

"So what do you think is the reason?" Ron asked, I shook my head.

"Hindi ko alam at ayaw kong malaman!" sagot ko naman

"Pero tingin ko kailangan mong malaman, sa pagkakakilala ko sa iyo Noreen hindi ka mabubuhay sa ganyang halaga lang ng pera!" Ron said and I glared at him "I'm just telling the truth!" dugtong pa niya.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon