Chapter 46
Noreen
Sumiksik ako kay Cloud saka ko naramdaman ang mahigpit niyang pagyakap. We were cuddling under the thick comforter and it felt nice. Naka-dim ang light dito sa sala niya habang nanunuod kami ng movie. Hindi ko alam kung anong title, hindi ko na rin maintindihan kung anong nangyayari. Kanina pa tumatakbo ang utak ko about sa iba't ibang bagay.
"I think you should rest." Bulong ni Cloud sa akin saka hinigpitan ang pagkakayakap matapos niyang marinig ang pagbuntong hininga ko. "Besides, itong movie na napili mo, nakakaantok." I looked at him and he smiled at me. Inabot ko yung remote and turned off the tv.
"Happy?" tanong ko and he even smiled wider matapos makita na naasar ako. He pulled down the comforter and told me to stand up.
"Go and take a bath." Utos niya saka lumakad papuntang kusina. "I'll follow you there." Rinig ko pang sabi niya kaya sumunod na rin ako. Nauna akong naligo at nagpatuyo na rin ng buhok matapos.
Nakita ko ang dalawang basong gatas sa tabi ng kama, kumuha siguro siya sa fridge kanina matapos akong pumasok sa kwarto.
I was brushing my hair in front of the mirror. Walang tao sa unit ko ngayon. Umuwi si Ron sa kanila. I called Mom kanina and she told me na nasa hospital din siya ngayon. Dad's condition is not getting well. I lied to Cloud, ayaw ko kasi siyang mag-alala lalo pa ngayon na malapit na siyang aalis.
I want to stop him pero hindi ako pwedeng maging selfish ngayon. This is for his future and I will not take that away. Besides, wala naman akong magagawa kundi tanggapin iyon. I should focus on being a good daughter right now. My mom needs me more than anyone.
"Penny for your thoughts?" hindi ko napansin na nakatayo na pala si Cloud sa likod ko. Nagpupunas siya ng basang buhok habang nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba niyang katawan. Tumayo ako saka tinapon sa mukha niya ang isa pang towel. Tumawa siya dahil doon. "Are you still overwhelmed with my body Noreen?" he teased kaya inabot ko naman ang unan at tinapon din sa kanya.
He put some clothes on. Nauna akong umupo sa gilid ng kama saka ininom ang milk na andun.
"Cloud." Tawag ko sa kanya matapos kong maramdaman ang pag baba-taas ng kama.
"Hmm?" sagot niya habang hinihila ang comforter.
"Mom and I have talked already." Pag-amin ko. Umupo ako saka sumandal sa headboard ng kama niya "Okay na kami." Dagdag ko.
"That's good to hear." Sagot niya sa akin saka hinawakan ang kamay ko "How about your Dad?" tanong niya "Is he okay?"
"I, I h-hope that he will be." Sagot ko na lang "You know what, na-realized ko na tama lahat ng sinabi mo. We are not kids anymore." Napatingin ako sa kanya. "We already have bigger responsibilities lalo na para sa mga magulang natin. Thank you for that." He smiled again "I decided to go back home and live with my mom after you leave."
"To be honest, mas naging panatag ako matapos marinig yan. I don't want you to live alone anymore." Sagot naman niya, I smiled back.
"And I am planning to sell my unit." Pag-amin ko "I want to help Mom sa mga expenses namin and-"
"Do you need money right now? Magkano?" Agad niyang tanong matapos kong i open up ang tungkol sa pagbenta ng unit ko, mabilis akong umiling sa tanong niya.
"No, we can still manage, ayaw ko lang makadagdag sa expenses. Yung shop, ayaw ko namang galawin, besides hindi lang naman sa akin yun, Ron owns that too."
"Noreen, money is not a problem, kung kailangan mo I can give-"
"No!" pigil ko sa kanya "I don't. Kaya pa namin." Pagmamatigas ko sa kanya "I just want you to be here. That's all I need." Saka ako ngumiti ng mapakla.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...
