Breathless #29

4.5K 164 38
                                    

Chapter 29

Noreen

"HOY!" hampas sa akin ni Ron "Kanina ka pa nakatulala ah!" I cleared my throat saka nilingon siya, natapos na ang klase namin pero wala akong naintindihan, kanina pa kasi tumatakbo sa isip ko si Cloud.

"Bakla, kung may mag-aaya sa iyong kakain sa labas, saan mo gusto pumunta?" tanong ko at kumunot ang noo niya.

"Ako? Kilala mo naman ako Bessy, I'm not into fancy restaurant, kahit saan basta mabubusog kami!" sagot niya saka inayos ang bag. Tumayo rin ako at naglakad na kami ng sabay. "Bakit? Wag mong sabihin yan ang iniisip mo sa buong klase kaya hindi na nakikinig!" dugtong niya.

"Eh si Cloud kasi, sabi niya mag-dinner daw kami, kahit saan ko daw gusto dadalhin niya ako." Napatigil si Ron sa paglalakad at napaawang ang bibig.

"BESSY DATE BA YAN?" tili niya at di ko mapigilan ang ngiti ko.

"Baka?" sagot ko na nagpakipot pa. Tumili ng malakas si Ron, naghawakan kami ng kamay at nagtatalon na parang bata.

"Luma-lovelife kana baklaaa!" hampas niya sa akin "So umamin na siya? Bet ka niya?" sunod-sunod niyang tanong. "Nag-I love you na ba?"

"Hindi pa!" sagot ko

"Hindi pa? So confident ka na doon din darating iyon?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot. Palabas na kami ng building ng nakakapit ulit ako kay Ron. Inaamoy niya ang buhok ko "Bessy anong shampoo mo?" tanong niya "Ang bango, bet ko sa hair ko."

"Kumuha ka na lang doon sa condo." Sagot ko sa kanya. Tumigil siya ng mapansin niya ang lipstick na gamit ko. Hinawakan niya ang baba ko saka pinagmasdan mabuti iyon.

"Ano gamit mo? Bago no?" tanong niya, ngumiti ako  "Ayy bet ko yang Red Matte Lipstick mo! Try ko yan minsan ah!" tumango ako saka tumawa. Biglang nang ring ang phone ko at agad kong sinagot iyon matapos kong makita na si Cloud.

"Where are you?" bungad niya sa akin.

"Sa labas na ng building namin." I plainly answered him.

"Who are you with?" he asked ulit.

"A-Ahh, I'm-" natigil ako sa pagsasalita ng pagtingin ko sa harap namin ni Ron, andun na siya nakatayo, he was leaning on his car habang nakatingin sa amin. He put down his phone at doon ko narinig ang end tone ng tawag niya. Ibinaba ko na rin ang phone ko.

Naglakad siya papalapit sa amin ni Ron. "Bessy, galit ba siya sa akin?" bulong ni Ron, tumango ako.

"He told me to stay away from you." Pagsasabi ko ng totoo. Na-shocked si Ron at parang na stress ang beauty niya.

"Sinabi mo bang babae ako?" tanong niya ng mahina at pabulong habang naglalakad si Cloud papunta sa amin "Anong tingin niya sa atin, lesbian couple?"

"I told him that pero sabi niya you're still a man!"

"Ahh!" sagot ni Ron "Ang ispiritu ko ay babae na naligaw lang at napasok sa katawan ng lalaki!" sagot niya sa akin "Alam mo yan bakla!" natahimik siya ng makarating na si Cloud sa harap namin.

Cloud gave him a serious yet deathly glare.  Ron smiled at him pero hindi pinansin ni Cloud iyon.

"Naku Bessy sige na sumama ka na sa kanya baka ma-salvage pa ako dito ng wala sa oras, kaloka!" sabi ni Ron saka pinunasan ang pawis niya na namumuo sa noo. I shook my head. 

"Naku Papa Cloud wag kang mag-alala, safe sa akin si Noreen!" pinipigilan ko ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag si Ron "Hindi ko siya type, ikaw ang type ko!" dugtong pa niya.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon