Chapter 25
Noreen
"HUH!" bumangon ako sa kama matapos makaramdam ng paghihirap sa paghinga dahil sa walang sawang pag-iyak "Bakit kaba umiiyak?" punas ko sa mukha ko saka tumingala at tumingin sa ceiling.
Singkit na singkit na rin ang namumula kong mga mata. Nakakainis, para ng kinagat ng ipis yun dahil sa pamamaga. Tumayo ako saka pumasok sa CR, doon ako naghimalos at pilit na pinakalma ang sarili.
"Noreen, umayos ka nga!" sumbat ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin, tinapik tapik ko ang mukha ko saka bumuga ng hangin "You shouldn't be crying over him, you're his lost, bahala siya kung magpapakatanga siya sa babaeng iyon, hindi mo siya hahabulin o pipilitin!"
I grabbed my phone and called Ron immediately. He answered his phone after few rings and I cleared my throat before talking to him "What's wrong? Kasama mo parin si Brick?" he asked.
"No, Ron nasa unit ako, hindi a-ako sumama kay Brick!" sagot ko. Half lies.
"Teka bakla, anong nangyari sa iyo? Umiyak ka ba?" napatingin ako sa sarili ko sa salamin saka pinalakas ang loob. I'm not weak, not anymore!
'H-Hindi, sinipon lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya pero alam ko na di siya naniniwala.
"So why did you call? Do you need me there? Pwede kong iwan ang shop saglit para-"
"Hindi!" I cut him in "I called you to say na lalabas ako tonight, don't worry about me, I'll just loosen up a bit."
"Saan ka pupunta?" tanong niya habang naririnig ko ang mga tunog utensils sa shop sa background, mukhang busy talaga siya.
"Don't worry, I won't go to a place na maingay, I want to think and be alone muna. I'll be safe." saka ko ibinaba ang phone ko matapos sabihin iyon.
Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. I wore my fitted dress na kulay royal blue saka kinuha ang light brown coat at pinatong doon.
I wore a semi-heavy make up to hide my swollen eyes dahil sa pag-iyak. Pagkatapos isuot ang stiletto shoes, agad ko na rin kinuha ang sling bag ko kasama ang susi ng kotse.
I stepped on the gas matapos mag green ang light. Mabigat ang pakiramdam ko na parang daig pa ang nilalagnat. Parang may kirot sa dibdib ko na di ko alam kung paano gagamutin. Bakit pa kasi sa lahat ng magugustuhan ko, yung lalaking wala puso pa?
"Huh! Yan ang mahirap sa iyo Noreen eh, niligtas ka lang ng ilang beses na-fall ka na! Assuming ka kasi! Assuming ka kasi na may care siya sa iyo kaya niya ginagawa yung mga bagay na iyon!"
Oo para akong baliw na kumakausap sa sarili ko pero ano pa ang magagawa ko? Nasabi ko na sa kanya ang lahat, ang mga dapat niyang malaman at wala na akong pwedeng gawin kundi mag move on at kalimutan siya.
Isa pa, choice na niya yun. Kung patuloy siyang magpapakatanga kay Mia, desisyon na niya yun. Simula ngayong gabi wala na akong pakialam sa kanya. Simula ngayong gabi di ko na siya kilala!
"Lilipas din ito. Makakalimutan din kita. Ang ganda ganda ko kaya! Kala mo walang magkakagusto sa akin? Kapal mo! Magsama kayo ng malandi mong babae! Magpagamit ka hanggang gusto mo!"
Inapakan ko ang gas kaya biglang bumilis ang sasakyan. Agad kong kinabig iyon sa kaliwa matapos makita ang bar na gusto kong puntahan.
I carefully parked my car saka bumaba na rin doon. The guard opened the glass door for me matapos akong batiin.
The place is elegant. Tahimik unlike sa mga club. You can drink as much as you want without anyone disturbing you.
Hindi ganun karaming tao dito, only few people can afford this kind of place. Aside from serving alcoholic drinks, they also have fancy foods here kaya minsan marami ring rich couples ang nagpupunta dito.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...