Chapter 12
Noreen
"Ahem!" I cleared my throat saka nakangiting nag served ng milk tea sa table ni Cloud "Thanks for coming!" sabi ko saka nilapag iyon kasama ang straw at tissue.
Inirapan niya ako saka tumingin sa malayo at medyo tumalikod din sa Mommy niya, yes! Tinawagan ko kasi si Tita Elaine kaya siya mismo ang nag-aya kay Cloud na pumunta dito! AHAHAHA!
"Thanks for supporting us Tita!" sabi ko saka nagpa-cute!
"Ang ganda mo talaga Iha, walang pinagbago kahit simula nung bata ka!" puri pa niya na nagpalapad lalo ng ngiti ko, I bit my lower lip saka maarteng hinawi ang buhok "Saka shempre naman, asahan mong susuportahan ka namin sa kahit saan pa yan."
"Ahhh! Thank you Tita!" sabi ko saka ngumiti ulit "Sige po, aasikasuhin ko na rin po yung ibang customers medyo dumadami na rin siya eh!"
"Walang problema, sige take your time!" sabi niya saka ko tinaponan ng tingin si Cloud, nakasimangot siya pero nginitian ko lang siya. Feeling ko talaga nagwagi ako ngayong araw! Feeling ko may korona akong suot ngayon at may nag-aantay na malaking party para sa akin mamaya! HAHAHA!
Nagkaroon ng sale sa shop ngayon dahil na-triple ang kita namin ni Ron compared sa mga nakaraang taon at buwan, way of giving back ba sa mga customers at nakakatuwa dahil dinumog din naman. Limited time lang ang sale namin, nagsimula ng 3 pm hanggang 11pm ng gabi.
Maagang umalis sila Tita Elaine, di na sila gaanong nagtagal at nagkausap din naman kami bago sila umalis ni Cloud. Napahagikgik ako ng sabihin niyang nagpasundo at magpapahatid pa siya kay Cloud, napakamasunurin naman talaga niya sa mommy niya!
Hindi ko parating nakikita ang Daddy Sky niya pero masasabi kong sobrang cool nun unlike my dad! Minsan kasing nakausap ko siya para lang akong nakikipag-usap sa ka-edad ko, yung tipong na-iintindihan niya ako, unlike my Dad shempre na lagi akong pinapagalitan kung gumagamit ako ng salitang natututuhan ko kay Ron!
Speaking of my parents, nabigla ako dahil tumawag si Mommy, pinapauwi niya ako ngayong weekend pero iniisip ko kung uuwi ako, mas masaya kayang tumunganga sa loob ng unit ko kesa makipag-away sa dalawang iyon! Isa pa baka dahil nai-email na ng school ang grades at standing ko ngayon term kaya pinatawag nanaman ako!
"Okay na Noreen, tara na!" aya ni Ron matapos ilagay sa safety box ang mga kinita ngayong araw. Huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin.
"Alam mo, ikaw na ang pinaka bitch pero pinaka mabait na taong nakilala ko! Salamat Noreen, kung wala itong shop, wala akong mahahanapan ng tulong sa pag-aaral ko at ilang pangagailangan ng nanay ko! Ni kahit kailan hindi ko naramdaman ang superiority mo sa negosyo na ito wherein fact lahat ng nakikita dito lahat halos sa iyo, sobrang salamat Noreen!"
"Nagdrama ka nanaman! Kaya nga kaibigan di ba?" sagot ko saka ngumiti pabalik sa kanya "You don't control your friends, you help them, mahal kita Ron, alam mo yan!"
"Salamat talaga Noreen!"
"Dalhin mo yan kila Nanay okay? Minsan dadalaw ako dun, ikumusta mo ako sa kanya, ayy teka daanin mo na rin yung ibang groceries na nasa unit, dalhin mo sa mga kapatid mo okay?" hindi siya sumagot sa akin pero nakita ko ang naluluha na niyang mga mata "Naku Ron, tigilan mo ako! Parang bago kana ng bago!" sabi ko saka hinampas siya.
"Sana nga wag kang magbabago Noreen!" seryoso niyang sabi "Sana nga wag magbabago kung paano mo tignan ang buhay!" hinawakan niya ang mga kamay ko saka siya ngumiti "Sobrang saya ko dahil nakahanap ako ng kaibigang tulad mo, a woman with a dark past yet looking into life so brightly! Mahal din kita bessy! Alam mo yan!"
![](https://img.wattpad.com/cover/11958572-288-k512782.jpg)
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
Storie d'amoreOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...