Breathless #42

3.2K 83 15
                                    

Chapter 42
Noreen

"Do you think he is fine?" I asked Ron matapos matagalan sa pagbalik ng kwarto si Cloud.

"Of course he is!" sagot naman niya habang busy sa pagpindot ng cellphone niya.

"Baka naman napaaway nanaman?" tanong ko ulit and there I saw his rolling eyes.

"He is fine, okay? Can't you see? Cloud can take care of himself. Ang kisig kisig nga niya kanina, grabe!" Kinikilig pa na sabi ng bakla! I narrowed my eyes at doon siya naging seryoso.

"Ano ka ba Noreen? Nandoon ang Ate niya, do you think hahayaan ni Ate Chloe na may mangyari sa kanya na masama? Besides, sabi ko nga sa iyo, we're talking about Cloud here. Kaya niya ang sarili niya."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pinihit ko ang door knob at akmang lalabas na ng magkasalubong kami ni Cloud.

"Are you okay?" I asked him immediately matapos siyang yakapin ng mahigpit.

"As long as you are." Mahina niyang sagot saka niyakap din ako ng mahigpit at hinalikan sa may noo.

"How's Ate Chloe?" tanong ko sa kanya.

"She's fixing everything." Maikli niyang sagot.

"Eh si Brick?" He looked at me. Lumunok siya bago sumagot.

"He is fine. Along with my other cousins." Cloud flashed a smile but a weak one.

"Why don't you take some rest muna?" Tanong ko, doon lumabas si Ron at nagpaalam sa amin "Sige na, I'll be fine."

Pumayag siya sa sinabi ko but he requested me to stay beside him habang natutulog siya. Matapos niyang maligo, agad na rin siyang humiga sa tabi ko. He hugged me until he fell asleep. Matagal kong pinagmasdan ang mukha niya, ang napaka gwapo niyang mukha.

I really love this man and I can feel naman that he feels the same way too. Cloud has protected me multiple times and those times, lagi na lang siya napapasubo sa gulo.

Cloud is someone you can't get over with easily, lalo na kung makikilala mo siya ng mabuti. He is caring and super territorial but I love it. I love the feeling of it. Gustong gusto ko ang pakiramdam na pinagdadamot niya ako sa iba, na gusto niya, sa kanya lang ako. Gusto ko yung pakiramdam na pinagtatanggol, gusto ko yung pakiramdam ng inaangkin, minamahal.

I was just staring at his face. My favorite face.

Maya maya tumunog ang phone niya, it was Ate Chloe kaya I answered it immediately.

"Hello Ate, tulog na posi Cloud." Bungad ko agad doon.

"Ganun ba? Well, that's good, I'm really sorry for the trouble earlier." She said.

"Wala ka naman pong kasalanan." Sagot ko.

"Do you want to talk?" She suddenly asked. "I'm right here, nag-iisa lang ako sa cottage near your room."

"I'll be there." Sagot ko saka nilapag ang phone ni Cloud. Hinila ko ang comforter para makatulog siya ng maayos. I kissed his forehead bago umalis.

Madilim na, malakas ang hangin at medyo malamig. Nakita ko ang cottage na sinasabi ni Ate, I smiled as she waved at me habang hawak ang glass of wine.

"Come here!" rinig kong sabi niya saka marahan na ti-nap ang upuan. I smiled back at her matapos niya akong abutan ng glass of wine saka sinalian iyon ng tulad ng iniinom niya. "Is he still mad at me?" bigla niyang tanong, umiling ako.

"I saw him kanina, he was really mad." Sagot ni Ate Chloe habang pinapaikot ng bahagya ang baso sa kamay niya bago inumin.

"I told him na wala ka namang kasalanan, kilala naman po natin ang kapatid mo, mainitin ang ulo." Sagot ko naman sa kanya. She just smiled.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon