Prologue

6.6K 133 2
                                    

'uwaah!'

Umalingawngaw ang nakakabinging iyak ng sanggol sa apat ng sulok ng maliit na kwarto.

'uwaah!'

Madilim ang paligid, malakas ang buhos ng ulan kasabay ng pagguhit ng matalim na kidlat sa kalangitan.

"a girl"

Sambit ng babae, hawak ang isang sanggol sa kanyang mga kamay. May bahid ng dugo ang kangang mga braso. Gumuhit ang matamis na ngiti nito pero agad na nabawi nang mapabaling ang tingin nito sa babaeng nakahiga sa kama, nanghihina ito pero may matamis na ngit na nakapaskil sa kanyang labi, hindi alinlangan ang panghihina habang nakatingin sa batang nasa kanyang harapan.

"Let me see"

May pag-aalinlangan ang mata ng babaeng may hawak sa bata pero agad din na itinabi ang bata sa ina nito.

"She's beautiful"

Tila nawala ang pagod ng babae nang masilayan ang nakapikit na sanggol sa kanyang tabi. Inilapit niya ang hintuturo na agad naman na hinawakan ng walang muwang na sanggol. Tila nabalot ng mainit na pakiramdam ang kanyang puso habang pinagmamasdan ang anak, habang ang babaeng nakatayo naman ay hindi mapigilan ang kabahan habang pinagmamasdan ang sanggol at ang kanyang kaibigan.

"Take her"

Tila nabato sa kinatatayuan ang babae dahil sa narinig. Napaangat ang tingin ng kaibigan sa kanya. Ang mga labi nito ay nakangiti, pero taliwas naman ang ipinapakita ng mga mata nito. Hindi siya makapagsalita at pinakinggan lang ang kaibigan.

"Are you sure?"

Isang tango ang isinagot ng ina ng sanggol. Kinuha niya ang bata na nakapikit at mahimbing na natutulog.

"Take her somewhere...somewhere far from me. My friend...you know what to do"

Malungkot na saad ng ina kasabay ng pagtalikod nito ng higa pero hindi nakaligtas sa mata ng babae ang malungkot na butil ng luha na lumabas mula sa mata ng kanyang matalik na kaibigan.

Nilisan niya ang lugar habang buhat ang bata. Matapos ang malayong paglalakbay, narating niya ang lugar na kanyang pupuntahan. Naabutan niya doon ang lalaking prenteng nakaupo habang malayo ang tingin.

"Visitor?"

Nilingon nito ang bagong dating at agad na namilog ang mata nito nang makita kung ano ang nasa harapan niya. Agad din na nawala ang pagkabigla nito at napalitan ng pagkunot ng noo. Napatitig ito sa babaeng may hawak sa bata. Seryoso ito at hindi mababahiran ng kahit na anong emosyon ang magandang mukha nito.

"Take her somewhere, somewhere far from here"

Hindi nagsalita ang lalaki at matiim lang na nakatitig sa sanggol, kasunod ng pag-iling nito. Halo-haling emosyon ang ibinibigay ng mata ng lalaki, isa na doon ay awa, awa para sa walang muwang na sanggol na walang alam sa kanyang pinagmulan.

"It's a mistake. How could something like this occur. This is the biggest mistake she had ever done. How could she bear a child, how could she..."

Hindi mapigilang anas ng lalaki bago kinuha ang bata. Tumalikod siya at humakbang palapit sa isang malaking bukas na pintuan na nakaukit sa isang malaking puno. Mula sa likod ay nakatitig ang babae na mababakas ang lungkot pero agad din na tumalikod at humakbang palayo kasunod ng bagbitaw ng malamig nitong mga salita.

"Live, child, and never come back"



Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon