Chapter 4

1.9K 74 2
                                    

*ASTRED*
Nakatingin pa din ako sa kanya.

"hahahaha! Wag kang matakot, wala akong gagawing masama sa'yo" ang lalim ng boses niya kahit tawa niya parang galing sa ilalim ng lupa.

"k-kakainin mo ba ako?" hindi ko talaga mapigilang hindi matakot dahil sa laki ng nasa harap ko.

"hahahah! Matagal na akong walang nakakasama dito at dahil ikaw ang unang bisita ko, gusto kong marinig mo ang aking hinaing!" ay wow, ako din may hinaing. Gusto mo din marinig?

Jusko po! Ano bang klaseng hinaing meron siya?

-

*UNKNOWN*
"master? Ano pong iniisip niyo?" tanong ng batang katabi ko habang ako, nakatingin sa malinaw na tubig ng lawa.

"wala naman" tanging sagot ko na ikinanuot ng noo niya.

"master, saan ba kayo nagpunta kanina?"

"may tinignan lang ako"

"may nakapasok po ba?"

"may isang bata ang nakapasok"

"hala master! Dapat ipagbigay alam natin sa kamahalan!"

"hindi natin pwedeng sabihin, at wala kang pagsasabihan kahit na sino, maliwanag ba?" napatango nalang siya habang nakakunot noo.

Hindi pa ito ang tamang oras, naliligaw ang batang yun. May pakiramdam akong binalak siyang kunin ng haring yun.

Nasaan lupalop siya napunta. Mukhang naligaw na siya ng tuluyan.

-

*ASTRED*
"oh tapos?" inaantok kong sagot habang nakahiga sa isang bato malapit sa kanya. Hindi ko alam kung ilang oras na ba siyang nagsasalita. Natanggal na kasi ang kaba sa dibdib ko, hindi na din ako nanginginig at natatakot, nayayamot ako! Naiinis ako! Nabo-boring ako! Paano ba naman kasi...

"nakakalungkot, wala silang awa sa'kin, hindi sila nakikinig sa'kin, walang naniniwala kahit isa, huhuhuhu!" napairap nalang ako dahil sa kaartehan niya. Naboboring na ako dahil kanina pa siya salita ng salita. Akala ko sobrang nakakatakot siya, yun pala iyakin, iyakin ang dragon na ito! Kesyo kinulong daw siya ng mahabang panahon. 3 libong taon, kesyo inutos ng hari na ipakulong siya, kesyo walang naniniwala sa kanya, kesyo isa siya sa pinakamalakas na nilalang, kesyo walang ni isa ang gustong maniwala sa mga salita niya. Jusko! Akala ko naman kung ano.

Sinabi din niyang hindi ordinaryo ang lugar na ito. May mga kapangyarihan ang mga nakatira dito at ang kwebang ito ay sakop ng isang imperyo. Kingdom kuno.

"nagpapasalamat ako dahil sa pagbisita mo" ako hindi nagpapasalamat dahil napunta ako dito. Na stuck pa ako sa kwebang to.

"at dahil ikaw ang kauna unahang bisita ko sa mahabang panahon, ilalabas kita dito" napabalikwas ako ng bangon habang nakatingin sa kanya. Weh? Hindi siya makalapit dahil sa barrier na nakapalibot sa kanya.

"talaga? Ilalabas mo ako dito?" I can finally go out.

"Pero paano ka makakalabas kung ikaw mismo nakakulong" niloloko niya ba ako?

"Kaya ko yun, sa isang kondisyon" napahinto ako at hinihintay ang sasabihin niya.

"ano?" atat na sagot ko, may pa putol-putol pa kasi sa salita eh.

"yun ay kung, ilalabas mo ako dito?" napaisip naman ako sa sinabi niya. Baka mamaya maghasik siya ng masama kasalanan ko pa.

"baka may gawin ka, hindi ko masisiguro kung anong magagawa mo pag nakalabas ka" kasalanan ko pa.

"hahaha! Hindi ako makakapaghasik dahil sa loob ng katawan mo ako titira" napatayo ko sa gulat. Asa siyang kakasya siya sa katawan ko.

"hahahah! Wag kang mag alala, kakasya ako sa katawan mo. Kapalit nun ay ibibigay ko sayo ang kapangyarihan ko" oohh! Talaga? Yung powers niya? Teka lang...

"anong kapangyarihan mo?" kung nasa mundo nga ako ng mahika, edi dapat may powers din ako?

"hindi ko pa pala nasabi sayo na isa ako sa pitong dragon at ako nalang ang natitirang buhay samin, ang kapangyariah ko ay humigop ng kahit na ano" pitong makasalanan? Baka isa ka sa pitong iyakin.

"Gluttony?!" Parang 7 deadly sin? napatakip ako ng bibig. Delikado ang kapangyarihan niya pero maganda, parang maganda yun ah.

"oh ano? Payag ka ba? Gusto kong lumabas at makita ang pagbabago ng paligid" eh? Paano niya makikita kung nasa loob ko siya?

"sige payag ako" napatawa naman siya.

"may tanong ako?" yumuko siya at tumingala ako. Langhiya kasi eh, ang laki niyang damulag.

"paano ako makakabalik sa mundo namin?" napahinto naman siya at napaisip.

"yan ang hindi ko alam" napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Hay naku naman oh. Hindi pala madali ang makabalik.

"oh ano na?" bored ko siyang tinitigan.

"payag ako"

"kung ganon, ilapat mo ang kamay mo sa harang" lumapit ako at nilapat ang kamay. Pumikit ako at maya maya ay nakaramdam ako ng malakas na enerhiya na unti unting pumapasok sa katawan ko. Napaatras ako at napaluhod dahil sa hilo.

'sa wakas! Makakalabas na ako sa tagal ng panahon! Bwahahahahaha!' huling tawa niya hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon