Chapter 30

1.1K 67 13
                                    

*ASTRED*
Naghihikab ako habang naglalakad sa hallway. Niluwagan ko ang tie dahil nasasakal ako. Inaantok ako. Paano ba naman kasi tong dalawang to, kinakausap ako. Lalo na si Blaze na hindi ako pinatawad dahil sa katawan niya daw kuno, hindi na daw siya makapaghintay. Eh kung huwag ko na kayang ituloy? Ang kulit niya eh.

"nakakatamad" parang ayaw kong pumasok. Tinatamad ako.

Tanaw ko na ang room pero agad akong napahinto at kunot noong nakatingin sa lalaking nakatagilid sa pwesto ko kaharap ang room. Teka lang...parang familiar yung lalaki.

Kakwentuhan niya si Hozu sa tapat ng room. Nagtatawanan pa sila. Familiar talaga siya eh. Umiling nalang ako bago lumihis ng daan. Tinatamad akong pumasok. Kinusot ko ang mata habang naghihikab. Feeling ko ang liit ng mata ko dahil sa antok. Chikushō.

Nakasalubong ko pa yung yelo na wala na namang reaksyon at laging malamig. Hay naku. Nagtuloy-tuloy nalang ako at hindi siya pinansin. Wala siyang kwentang kausap. Dumeretso ako kung saan tahimik para matulog.

'master?'

Ayan na naman siya.

'wag mong sabihin na uulitin mo na naman ang sinabi mo kagabi kaibigan'

Puna ni Dromir sa kanya.

'hindi na ako makapaghintay'

Sagot ni Blaze.

'mukha nga. Hindi mo nga ako pinatulog eh'

Nang makahanap ng lugar na tahimik ay humiga na ako sa lilim para matulog. Damo naman siya, may puno, pero hindi siya garden.

'pasensiya na master'

Nakapikit lang ako habang unan ang dalawang kamay.

'Red nalang itawag mo sa'kin Blaze'

Nakakasawa ang laging master.

'kung ganun, sige Red'

Okay. Matutulog muna ako. Bahala kayong mag usap jan.

-

*HOZU*
Pasipol-sipol akong naglalakad sa hallway papasok ng room. Masaya lang ako, ewan...siguro dahil sa ngiti ni Red.

"hola!" napahinto ako at napalingon.

"oi! Langya ka! Bakit umuwi ka pa?" natataw kong sagot sa kanya na ikinatawa niya lang bago lumapit.

Buhay pa pala tong hayop na to. Akalain mo yun.

"kumusta?" tumapat kami sa room at nagkwentuhan muna.

Granite Kirazi. Prince of Loran. Isa sa mga siraulong tropa. Hindi halatang prinsepe siya. Minsan wala siyang manners at laging nasa galaan. Gustong-gusto niya ang paglalakbay. Hindi namin alam kung bakit.

"okay lang, mas okay sana kung wala ka" nakangiti kong sagot na ikinataka niya.

"that's rude, ayaw mo na akong umuwi?" naiiling nalang ako at pumasok sa loob.

"buhay kapa pala?" bungad na tanong ni Kaden. Napahawak naman siya sa dibdib na kunwari nasasaktan.

"pinagdasal pa naman namin ang kaluluwa mo" sagot ni Kairo.

"grabe kayo guys" naiiling nalang kami bago naupo.

"may bago ba habang wala ako?" tanong niya nang pumasok ang iba.

"kuya!" dali-daling tumakbo si Zameah at niyakap siya.

"hey there princess" masyado silang close. Parang si Kairo at Kiera.

"may inuwi ka ba para sa'kin?" hay naku bahala kayo jan.

"mamaya pag uwi"

"maupo ka na, wag kang pahara-hara sa daan" masungit na sabat ni Loki.

Dali-dali naman siyang naupo sa harap ni Loki, sa pwesto ni Red.

"kaya wala kang girlfriend eh, napaka sungit mo bro" hindi naman siya sinagot ni Loki at umubub nalang. Matutulog na naman.

"kahit kelan talaga, napakatino mong kausap" naiiling nalang siya bago humarap sa unahan.

"hindi niyo man lang ako na-miss?" isa-isa niya kaming tinignan. Umiling nalang sila.

Hay naku po. Mukhang hindi.

-

*GRANITE*
"ako kuya na-miss kita" sagot ni Zameah sa tabi ko.

"siyempre, gusto mo lang ng pasalubong eh" nakangiwi kong sagot sa kapatid ko. Yun lang naman ang gusto niya. Ang pasalubong tuwing uuwi ako galing sa paglalakbay.

"oo naman" nakangiti pa siya. Nginitian ko nalang si Kiera sa tabi niya bago binalingan ang kanina ko pa napapansing nakatingin sa'kin.

Nakangiti ako sa kanya pero agad rin siyang umiwas. Parang namumula siya. Ang cute niya talagang mahiya. Nakakatuwa, kahit mataray siya.

"may gusto ka kay Lazeri kuya?" napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi ni Kiera. Umiling nalang ako bilang sagot. I just find her cute kahit maldita siya.

Natapos ang klase kaya nagpunta na kami sa cafeteria.

"omg! Bumalik na si prince!"

"ang gwapo niya talaga"

"lahat naman sila"

Ngumiti nalang ako sa kanila. Nakakairita rin minsan ang mga bulong nila.

"may bago ba habang wala ako?" tumango naman sila.

"may bagong students sa room natin" sagot ni Hozu.

"ang cute niya kuya" sagot ni Zameah. Wala man lang reaksyon si Loki at Kairo na tahimik na kumakain. Kahit kailan talaga tong dalawang to.

"sino?" bago? Well baka taga ibamg bayan.

"oh, we don't know her full name" napakunot noo naman ako sa sagot ni Kaden.

"her name is Red" napahinto naman ako sa sinabi ni Kairo. Teka? Kelan pa nagkaroon ng interes sa babae to? Ni hindi nga niya pinapansin yung mga babaeng naghahabol sa kanya pero alam niya yung pangalan nung bago. Oh well, iisang room lang naman. Of course maririnig at matatandaan niya.

Pero ano daw? Red? Familiar ang pangalan niya. Magkapareho sila.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon