*ASTRED*
Nakapangalumbaba lang ako habang nakikinig sa prof. Gumagamit siya ng mahika para makapagsulat sa board, tss! Tamad gumamit ng kamay? Hay naku po."that's it for today!"
Inayos ko ang gamit at sumunod sa kanila. Ang boring nila kasama.
"tara na?" tumango nalang ako kay Zameah bago nagpatuloy. Napahinto pa ako nang banggain ako ng hinayupak na walang magawa sa buhay.
"pahara-hara sa daan" inirapan pa ako bago sila lumabas nung alipores niyang walang kwenta.
Naiiling nalang ako bago lumabas ng room. Imbes na sumunod ay lumiko ako ng daan. Bwisit! Sa garden ako. Nakakabagot dito. Tinatamad akong mag aral. Jusko po. Napadaan ako sa magkasintahan na nagtatawanan. Jusko ko, pati ba dito?
"i love you"
"i love you too"
Kusō! Bakit ba hanggang dito. Hindi ako bitter ah, sadyang wala lang akong hilig sa mga ganyan. Masarap ba sa pakiramdam yun? Yung sabihan ka ng 'i love you?' ng kasintahan?
Paliko ako habang iniisip yung sinabi nila. Ano kayang feeling nung sabihan ka ng...
"i love you-" saktong napahinto ako pagliko ko. Jusko po, bakit ba lagi nalang malamig ang taong to?
'omg! Did you hear that?'
'nag 'i love you' siya kay master Loki?'
Napabaling ako sa mga chismosa. Ano daw?
'ang lakas ng loob niyang mag confess!'
Napamaang akong binalingan ang gagong ganun pa din ang reaksyon.
"the feeling is not mutual" napakuyom ako ng kamao ng lampasan niya ako.
'omg, basted siya?'
'hahaha serves you right'
Nilingon ko ang gagong wala na sa likod ko. Nilibot ko ang paningin bago mabilis na naglakad. Paano ba naman kasi, nagbubulungan sila habang nakatingin sakin. Mabilis akong naglakad papunta sa kung saan walang estudyante.
"daming chismosa dito ah" naupo sa damuhan katapat ng mga bulaklak. Nakakahiya ka Red, magsasalita ka na nga lang, nataon pang kaharap mo siya. At ano? The feeling is not mutual! Asa naman siya!
"bakā! Kuso yarō!" naiinis talaga ako eh. Kumuha ako ng bulaklak bago tinanggal ang petals.
"chikushō!" nakakabwisit yung lalaking yun.
"kawawa naman yung bulaklak" napahinto ako at hinanap kung saan nanggaling ang boses.
"luh! May multo?" jusko naman oh, tanghali may multo? Rinig ko pang natawa siya. Nagulat pa ako nung may lumitaw sa harap ko.
"aysusmaryosep!" napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Oh my goodness.
"wag mo akong gulatin!" pero tinawanan lang ako.
"hahahah, sorry, i didn't mean to scare you" napabuntong hininga ako bago ipinagpatuloy ang pag murder ng kawawang bulaklak.
"bakit parang naiinis ka?" ano nga ulit pangalan niya?
"ano nga ulit pangalan mo?" nakalimutan ko na. Lumipat siya ng pwesto sa tabi ko.
"Kairo Vlen Frost" silver ang mata niya at puti ang buhok. Matanda na siya? Wahahaha! Kidding.
"ah okay, nakalimutan ko kasi eh" napangiti naman siya. Ang ganda ng ngiti niya. Ngumiti nalang din ako bago pinisil ang pisngi niya.
"aray masakit!"
"sorry ang cute mo kasi" napanguso naman siya habang hinihimas ang pisngi. Ang cute eh, parang yung mga fairy. Nanggigigil ako.
"bakit ka pala naiinis?" napabuntong hininga naman ako bago ikwento ang nangyare kanina.
"hahahah! Grabe sila hahaha!" bored lang akong nakatingin sa kanya na tawa ng tawa. Tuwang tuwa ang gago. Pero magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam pero masaya ako. I don't have a crush on him, sadyang magaan lang ang loob ko sa kanya.
"tapos ka na? Okay na?" napaseryoso naman siya bago ulit tumawa.
"hahahaha! Sorry hindi ko mapigilan eh" ano bang nakakatawa dun sa sinabi ko?
-
*KAIRO*
Hahahaha! Hindi ko lang mapigilang tumawa. Hay naku, mga chismosa talaga sila."tuwang tuwa ah, may nakakatawa ba dun? Nakakainis nga eh, kala niya may gusto ako sa kanya?" haha ang cute niya mainis.
"ganyan talaga eh, wala kang magagawa, madaming insecure dito"
Napairap nalang siya bago binalik ang tingin sa bulaklak. First time i saw her, i felt my heart leaped. I don't have a crush on her. This feeling is different, it's not romantic, i know. Kapareho ng nararamdaman ko para sa kapatid ko. I don't know pero magaan ang loob ko sa kanya, kahit nung una ko siyang nakita. Pareho kami ng naramdaman ni Keira. Parang may connection kami sa kanya.
"hoy tulala ka!" napakurap ako habang nakatitig sa kanya. Luh! Tulala ako?
"ahehe, sorry" napakamot nalang ako ng batok bago siya sundan ng tingin habang pinapagpag ang damit.
"nagugutom ako" eh?
-
*HOZU*
May energy na naman ako. May nabingwit akong babae eh. Pero ang lakas ng pabango niya. Nakadikit yata sa damit ko."hahahaha! Nakakatawa talaga" napahinto ako at napakurap habang nakatingin sa kanilang dalawa na nakatalikod sakin. Saan galing yun.
"tuwang tuwa? Hindi maka move-on?" magkasabay sila?
"hahaha! Sorry na" totoo ba to? Namamalikmata ba ako? Tuwang tuwa siya?
"putulin ko kaya yang dila mo"
Kelan pa sila nagkasundo? Himala, maliban sa mga babaeng kasama namin, wala na siyang ibang sinasamahan. Wow ah. Ang galing ni Red. Napatawa niya ng ganun si Kairo.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasíaAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...