Chapter 33

1K 62 7
                                    

*GRANITE*
Grabe hindi ko talaga akalain na nandito siya. Bakit nandito siya? Paano siya nakapunta dito? Kasama ba niya si Master? O kaya si Vince at Vlami? Kailan pa siya nandito?

"Anata wa koko de nani o shite iru no?
(what are you doing here?)" tanong ko sa kanya.

Nandito kaming dalawa sa likod ng bahay sa open cottage. Pahingahan ng dorm.

"Benkyō (studying)" sagot niya.

Hindi pa din siya nagbabago. Maganda pa din siya. Mukhang wala na naman siya sa mood kasi seryoso siya.

"Dō yattekita no? (how did you get here?)" i mean, she has no power so what is she doing here?

"Darekaga watashi o kagami no naka ni hikikonda (someone pulled me inside the mirror)" nagtaka naman ako sa sinabi niya. May humatak sa kanya?

"dare? (who?)" nagkibit balikat lang siya.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa pond habang seryoso. Ang ganda niya talaga.

Nakilala ko siya sa Mortal world nung napunta ako dun. Sinama niya ako sa bahay nila dahil kinulit ko siya. Wala kasi akong alam sa mundo nila nun. Tapos sinama niya ako at ilang buwan akong nandun ng hindi ko namamalayan. Nagalit nga si ama nung umuwi ako. Masyado daw akong gala para sa isang prinsepe. Nakilala ko din ang ama niya. Ang bait nga nila sa'kin eh.

"Sore de, naze anata wa anata ga koko kara kita to watashi ni iwanakatta nodesu ka? (so why did'nt you tell me that you're from here?)" napabuntong hininga ako bago pinaglaruan ang baso.

"you would'nt believe me" tanging sagot ko. Napatingin ako ng tumayo siya.

"ojou?" tawag ko. Seryoso siyang nakatingin sa'kin bago lumapit at hinawakan ang ulo ko.

"i'm glad you're doing well" nakangiti niyang sagot bago naglakad pabalik sa bahay. Napangiti nalang ako bago binaling ang tingin sa malayo.

"i'm happy to see you again" bulong ko sa hangin.

-

*HOZU*
"ano ba wag kang malikot" sita ko kay Kaden na nasa likod ko. Kasama ko siya ditong nakasilip sa dalawang nag-uusap.

"ano daw sabi?" tanong niya.

"hindi ko alam" sagot ko sa kanya.

Wala kaming maintindihan sa mga sinasabi nila. Taga ibang planeta ba sila? Ibang lenggwahe kasi ang salitang gamit nila.

Makangiti naman tong isang to wagas. Parang in-love na in-love. Magkakilala sila? Matagal na. Hindi man lang siya nabanggit ni Gran dati. Ang damot niya. Hindi niya sinabing may kilala siyang chicks at parang sobrang close nila.

"wala akong maintindihan" reklamo niya.

"ano ba!" bulong ko nang makalingon ako sa kanya.

"kahit ako walang maintindihan" kala niya siya lang.

"anong ginagawa niyo?" mabilis kaming napalingon sa kanya.

"ah, eh. W-wala lang" napakunot ang noo niya bago kami lampasan.

-

*ASTRED*
Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nakasandal ako sa kitchen counter habang umiinom.

Buti naman okay lang siya.

First time i saw him, akala ko baliw siya. Tingin siya ng tingin sa paligid. Nakita ko siya lumabas sa eskinita kung saan nawalan ng gas ang kotse ko. Para siyang tanga nun. Nawawala daw siya. Hindi naman siya mukhang mahirap. Normal lang ang suot niya kaya hindi ako naghinala na iba siya.

"Nante uso-tsuki (what a liar)" bulong ko bago nilapag ang baso sa sink. Nagbuntong hininga ako bago napagpasyahang lumabas na.

"ohmygoodness!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Matalim ko siyang tinitigan habang malamig lang ang tingin niya sa'kin. Problema nitong lalaking to.

"tsk!" napaka lamig niya promise.

Nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang mapahinto ako at mabilis na napalingon sa kanya. Nakatalikod siya habang kumukuha ng tubig. Ang tindig niya, ang awra niya.

Bakit ganun?...

...bakit ang bango niya. Iba ang amoy niya ngayon kumpara nung una ko siyang nakita. Kakaiba. He smells like...

Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya at tumapat sa likod niya.

...he smells like chocolate. Why is that? I mean. Why do he smell different now?

Napapikit ako at inamoy ang likod niya. Ang bango. Nakaka-adik ang amoy niya. Bakit ganun? Bakit kakaiba?

Naaadik na yata ako sa amoy niya. Nakapikit lang ako habang inaamoy siya. Nagmumukha na siguro akong aso dito kaka-amoy sa kanya.

Napakunot ang noo ko nang may maamoy akong kakaiba. Ganito yata yung naamoy ko dati. Kakaiba, pero bigla nalang nawala at napalitan ng ibang amoy.

Bakit ba amoy chocolate siya? Adik na ba ako sa chocolate? Eh hindi naman ako mahilig sa chocolate.

I tilted my head para langhapin ang amoy niya.

I can't understand---

"what are you doing?"

Napamulat ako at gulat na napatingin sa kanyang itim na itim na mata.

Chikushō!

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon