Chapter 46

944 51 0
                                    

*HEADMASTER*
Nakaupo lang ako sa office habang iniisip kung anong gagawin ko sa batang yun. Nakipagpalit siya sa matandang babae kahit na alam niyang kamatayan ang parusa sa ginawa niya. Hindi ko naman siya pwedeng parusahan ng kamatayan.

Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang isang bata.

"Zali?" anong ginagawa ng alagad ni Master Lexus dito. Alam ba niya?

"si Red" nakakabilid din tong batang to. Akala mo matanda kung makapagsalita.

"may parusa sa ginawa niya Zali. Sumusunod lang ako sa batas" kahit na ayaw ko naman talaga siyang parusahan dahil wala naman siyang alam sa nangyari. Lalo na sa binili niya.

"hindi siya pwedeng parusahan ng kamatayan, Headmaster. Ilang araw nalang at babalik na si Master. Hindi niya magugustuhan ang maririnig niya kung sakali man na malaman niya ang kalagayan ni Red" sumandal ako at tinitigan siya ng seryoso.

"bakit ba napakahalaga ng batang yun kay Lexus. Sa lahat ng dinala niyang mga bata dito, sa kanya lang siya nagkaganyan. Bakit parang ingat na ingat siya kay Red" i've been wondering. Alam kong nagmamalasakit si Lexus sa mga ipinasok niyang estudyante dito pero...iba ang pagtrato niya kay Red.

"hindi ko pwedeng sabihin" ano bang tinatago ng matandang yun. Hindi kaya...

"wag mong sabihin na anak niya si Red" pero imposible naman yata. Alam ko wala na siyang pamilya. Alam ko namatay ang asawa't anak niya.

"pasensiya na Headmaster, pero wala ako sa lugar para sabihin ang tungkol sa kanya" ang seryoso ng batang to.

"hindi ko naman siya balak na parusahan ng kamatayan Zali. Pansamantala lang siyang kinulong dito sa loob ng Akademya"

"kung ganun-" hindi na natuloy ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto.

"Reeeed!"

"anong ginawa mo kay Red!"

"nasan si Red!"

Napahilot ako ng sentido dahil sa ingay ng tatlong to.

"we demand an explanation!"

"wag mo siyang parusahan ng kamatayan Headmaster!"

"oo nga, lagot ka kay Master at kay pinuno!"

Kanina si Lexus tapos si Fern naman.

"bakit ba napaka-importante ng batang yun?" nag-iwas naman sila ng tingin. Mukhang may alam din sila.

"pakawalan niyo na siya" nabaling ang tingin ko kay Zali bago umiling.

"hindi ngayon. Kailangan niya munang manatili ng ilang araw sa kulungan" sagot ko. Umangal pa ang iba nang bumukas ang pinto.

-

*LAZERI*
Luminga linga ako kung may tao pa. Tahimik ang paligid kaya lumabas na ako. Baka tulog pa sila o nag-aayos pa.

"okay!" bulong ko bago dahan-dahang binuksan ang kwarto niya.

"oh wow, maganda ang room niya. Simple" naglakad ako palapit sa bedside table niya.

"here!" pinakatitigan ko ang vile. Walang label ang bote at pink ang liquid. Para siyang kumikinang sa loob ng bote.

"success!" nilagay ko na siya sa maliit na bag na dala ko bago dahan-dahan na binuksn ang pinto. Luminga muna ako baka mahuli ako.

"easy" naibulong ko nalang ng makalabas ako ng kwarto niya. Madali lang pala. Pwede na akong maging akyat bahay. Eww!

Pero bakit ganun? Bigla nalang akong napaisip. Bakit parang may kakaiba sa titig ni Loki at Prince Granite. Parang naghihinala. Pero imposibleng nakita nila ako kanina. Walang tao nung lumabas ako ng kwarto ni Red.

Hindi ako mapakali hanggang sa loob ng room hanggang sa mag-lunch na.

"nasaan kaya si Red. Hindi pa siya pumapasok" Tahimik lang akong kumakaen habang pinapakinggan sila. Bahala kayong mag-isip jan. Nawalan ako ng gana kaya tumayo na ako.

"saan ka pupunta?" tanong ni Kiera.

"uhm...sa ano...sa room, babalik na ako...sige bye!" kita ko pa ang mapanuring tingin nung dalawa. Omg! May alam ba sila?

Dali-dali akong naglakad, at imbes na sa room ay lumiko ako ng daan. Pupuntahan ko si Headmaster.

"Lazeri" napahinto ako at dahan-dahan na napalingon.

"P-Prince Gran" napalunok ako sa pagkaseryoso niya. Bakit parang si Loki ang awra niya. Napaka seryoso.

"are you hiding something?"

Oh shit! Bakit ba kasi ako sumunod sa babaeng yun! Nakakainis!

-

*GRANITE*
Kanina pa ako nanghihinala sa kanya. Nakita ko siyang lumabas sa kwarto ni Red. Hindi ko alam kung anong ginawa niya dun pero iba ang pakiramdam ko.

"uhm...no, i'm not hiding anything" napatingin ako sa bag niya. Yan yung dala niya paglabas ng kwarto ni Red.

"i saw you Lazeri. Galing ka sa kwarto ni Red kanina" kita ko pa ang pagkabigla niya.

"h-huh?" she's not a very good liar.

"tell me the truth" lumapit ako at mahigpit na hinawakan ang braso niya.

"ouch!" mabilis ko din na binitawan. Bakit ko siya sinaktan.

"i-i'm sorry. It's just...ano bang ginawa mo sa kwarto niya?" umiling pa siya at umatras.

"w-wala naman. M-may naiwan lang ako"

"you're not a very good liar Lazeri. It's not a very nice hobby to sneak into someone else's room" magaling siya sa kamalditahan pero hindi siya magaling sa pagsisinungaling.

"okay fine!" nabiga pa ako ng sumigaw siya at inis na inis.

"bakit ko ba kasi sinunod yung sinabi niya! Edi sana hindi ako nako-korner ngayon! Nakakainis na talaga yang babaeng yan!"

Anong problema niya? At kailan pa siya napasunod ni Red.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon