*ASTRED*
Naglalakad ako habang iniinom ang juice. Patingin-tingin lang ako sa mga estudyanteng. Lumakad ako hanggang sa green house. Ang daming bulaklak. May malaking puno."hoy mapanakit na babae?"
Napalingon ako sa isang halaman na may malaking bulaklak. Eh?
"sabi na ikaw yan eh"
"oo nga, nandito kana pala"
Lumipad sila at lumapit sa'kin. Sila yung fairy sa Pixie Mountain.
"anong ginagawa niyo dito?"
"pinapabantayan ka ni Fern at Light" napataas naman ang kilay ko bago naglakad papuntang malaking puno. Tahimik lang ang paligid. Siguro ako lang ang tao dito.
"bakit kailangan akong bantayan?" weird nung babae na yun.
"hindi namin alam noh" Yellow.
"ayaw talaga namin pumunta dito" Blue.
"oo nga, napilitan lang kami" Pink.
Mataray pa rin silang tatlo.
Napatingala ako at mataas nga ang puno. Lumingon muna ako kasi baka may tao, buti nalang wala. Ginamit ko ang hangin para makalipad at makatungtong sa malaking sanga.
"alis na, inaantok ako" humiga ako at pumikit.
"hmp!" Blue.
"tara na nga!" Yellow.
"oo nga!" Pink.
Ilang minuto pa ay nakapikit pa din ako pero hindi ako makatulog. Tsk!
'master?'
Ay wow, muntik ko ng makalimutan na nasa loob ko si Blaze.
'oh'
'maayos ba kayo?'
'oo naman'
'hahah, wag kang mag alala tigre, ayos lang ang ating kaibigan'
Tawa ni Dromir.
'tawagin niyo lang ako pag kailangan niyo ako'
'k'
At wala na akong nakuhang sagot. Gusto ko talagang matulog. Ilang minuto pa ay hindi talaga ako makatulog. Maya-maya pa ay may naamoy akong kakaibang amoy. Ang sakit sa ilong ah. Nandidiri ako.
Nilingon ko ang mahinang boses at mga taong naaamoy ko. Damn this guy! Dito pa talaga?
"wait baka may makakita" langya! Ang arte ng boses ah.
"wala yan" panira ng pahinga.
Dito pa talaga gumawa ng kababalaghan. Si Hozu, may kahalikan na babae na akala mo kinulang sa tela yung palda dahil sa sobrang ikli, as in sobra. Pinilit kong matulog pero hindi ko talaga kinaya dahil sa boses nung babae. Jusko naman.
"bwisit!" tumalon ako pababa na ikinagulat naman nila. Nakasandal kasi yung babae sa puno.
"R-Red?"
"s-sino yan?"
Bored kong nilingon yung dalawa na parehong nagulat. Napangisi akong nakatingin sa damit ng babaeng nakalabas na ang dibdib. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Ay gurl, nabitin ko yata. Hahaha!
"ang ingay niyo, hindi ako makatulog" inaantok kong sagot bago naglakad palayo sa kanila. Nasira ang pahinga ko. Okay sana kasi tahimik ang paligid.
Lumabas ako ng green house habang humihikab. Tsk! Panira ng pahinga eh.
"hey you!" inaantok kong nilingon ang tumawag sa'kin. Yung dalawang babae sa room yung masama makatingin.
"what" nakakaboring talaga eh.
"bitch!" sabat nung isang babae.
"hindi ako salamin"
"malandi! Sinadya mong dun umupo sa tapat ng papa Loki namin noh!" pinakatitigan ko silang dalawa. Infairness, hindi sila tulad ng iba na sobrang kapal ng make up ah, maganda sila eh, sama lang ng ugali.
"huh?" mukHang nainis naman siya.
"wag kang lumapit sa kanila!" sagot naman nung isa. My goodness!
"at sino ka?"
"ako lang naman ang queen bee dito!" turo niya sa sarili habang nakataas kilay. Akalain mo yun, hanggang dito ba naman meron ganun.
"okay" tango lang ang narinig ko bago ako tumalikod.
'oh my god, tinalikuran ka?'
'bitch! Humanda ka sa'kin!'
Napailing nalang ako sa salita nila. Galit sila dahil umupo ako dun? Eh bakit hindi sila umupo dun. Mga siraulo.
Sipol lang ako ng sipol habang naglalakad sa hallway nang mahagip ng mata ko ang lalaking seryoso lang sa paglalakad. Malamig ang awra nito, tindig pa lang niya, masasabi mong hindi siya basta-basta. Mabigat ang awra niya kaya pati ibang estudyante tumatabi kapag nakakasalubong siya. Pinagtitinginan pa siya. Sikat yata. May nagtitilian pa na mga babae. Hearthrob yata..
Nakatitig lang ako sa mga mata niyang malamig na nakatingin sa'kin. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Kakaiba ang titig niya at nakakatakot, na parang papatayin niya ako sa titig pa lang. I saw him clenched his jaw nang medjo malapit na ako. Agad akong nag iwas ng tingin at tuloy -tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalampas ako. Hindi ko matagalan ang uri ng titig niya. Para akong napapaso. Kakaiba ang pakiramdam ko sa titig niya.
-
*KEELAN*
Damn this woman! Pangalawang beses na siyang ganyan ang tingin. Ni hindi man lang ba siya natatakot sa'kin. Parang wala lang sa kanya ang tingin ko.Tuloy tuloy lang siyang naglakad hanggang sa malampasan ako. Tsk!
"yow bro!" tsk! Damn this womanizer.
"you stink!" tsk! Amoy na amoy ang pabango ng babae sa katawan niya. Ibang babae na naman.
"aisht, bitin eh" kasabay ko siya maglakad. Nag iikot ako dahil tinatamad ako.
"good for you"
"it's not good man, nabitin ako. Hindi ko naman alam na nandun pala si Red, aisht!" tsk! That woman again.
"tsk!"
"woah man, you don't like her do you?" buti alam mo.
"i don't like her staring at me" the way she looks at me. Damn it!
"oo nga bro, may kakaiba sa kanya. Hindi siya natatakot kahit sa titig mo. Alam mo bang hindi gumana ang charm ko sa kanya, ilang beses na pero wala talaga eh"
Hmm. Isn't that nice.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...