Chapter 14

1.1K 66 2
                                    

ASTRED

"Kainis!" isang linggo na akong nagsasanay. Puro ugat ang kalaban ko.

"pagod kana ba?" nang-aasar na tanong ni Fern.

"Damaru!" nakakainis tong babaeng to ah. Tumayo ako at muling hinarap ang mga kalaban. Lima sila. Lima agad, matindi eh, araw araw lima. Napatingin ako sa braso kong may sugat na naman.

Ah. My flawless skin.

"ano daw sabi?"

"aba ewan"

Tsk! Kainis to ah. Hinanda ko ang armas bago sinugod ang mga hinayupak na ugat. Ilang oras din akong nagsasanay bago ko sila napatumba, langhiya! Walang awa tong mga to ah.

"magaling!" palakpak ni Fern bago lumapit sakin.

"you've improve a lot. I guess it's time"

"gagawin na natin?" takang tanong ni Light na ikinatango niya lang.

Anong gagawin?

N E X T D A Y...

"What the heck!" sigaw ko kay Fern na nilalatigo ako, hindi naman niya pinapatama sa'kin, nagugulat lang kasi ako.

"concentrate! Feel the energy inside you" tsk! Energy my ass. Napaka daldal-

"aray naman!" nakakainis na to ah.

"listen!" nagmulat ako at nakita ko si Light na nakaindian-sit sa harap ko. Nandito kasi kami sa harap ng falls.

"close your eyes, erase everything in your mind, feel the flow of energy" just like meditation. I concentrate. Winds touching my skin, a cold water of falls, chirp of birds. I feel it...finally-

"ARAY ANO BA?" sigaw ko kay Light na binatukan ako.

"concentrate! Hindi ko sinabing ngumisi ngisi ka!" napakamot nalang ko ng batok, ay ganun pala hahaha.

"gomen'nasai" ngiti kong alanganin. Maka batok wagas.

"ano ibig sabihin nun? Baka minumura mo na ako ng hindi ko nalalaman" masungit niyang sabi.

"it means i'm sorry" i sincerly said.

"okay, continue" kaya pumikit ako at nag concentrate.

Blank...Blank...

Minutes past when i felt a wind circling in me...wind?

~~~

LIGHT

Mabilis siyang matuto sa armas, oh well, magaling na siya bago pa man namin siya turuan. Sa ngayon tinuturo namin kung pano niya papalabasin ang ability niya. Yes she's a mortal, pero hindi dadalhin ni master ang babaeng yan kung wala siyang taglay na kapangyarihan.

"oh look, a wind" bored na puna ni Fern habang nakatingin kay Red, okay, i'll her name okay?

"good she's starting to-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang lumakas ang hangin na nakapalibot sa kanya.

"m-masyadong malakas!" kumapit kami sa puno dahil kakaiba ang hangin na nakapalibot sa kanya. Kanina mahina lang, pero ngayon, parang ipo-ipo, pero hindi pa naman ganun kalaki.

"Reeed! Reeed!" nakapikit lang siya habang nakakunot noo.

"Astred! Tama na!" bigla namang huminto ang hangin kaya napabitaw kami habang nakahawak sa dibdib.

Hindi ko akalain na mabilis niyang mailalabas ang power niya.

"Red tama n-shit!" napahawak ulit kami ng bigla nalang may enerhiyang humihigop galing sa kanya.

Oh my goodness!

"Ano ba ang nangyayare!" langhiya! Sakin pa talaga tinanong?

"I don't know!" kakaiba ang enerhiya niya. Nabubunot ang ibang halaman at napupunta sa kanya. Kumapit kami para hindi kami tangayin. Kakaiba ito. Hindi ordinaryo.

"Shit!" napabitaw kami ng sumigaw siya. Shock is written all over her face.

What the hell was that?

~~~

ASTRED

Dalawang linggo simula nung mangyare yun, hindi ko alam kung anong nangyayare, pinakiramdaman ko lang ang paligid tapos nun bigla nalang lumabas yung kapangyarihan ni Dromir. Muntik ko ng mahigop yung paligid kasama yung dalawa.

'masyadong nakatuon ang atensyon mo kaya ganun'

'muntik ko ng mahigop ang paligid'

Nakikipag usap ako kay Dromir habang nasa harap ng falls. Dalawang linggo na din na tahimik ang dalawa at kakaiba ang tingin nila.

Hala!

'naku! Hindi kaya nalaman nilang nasa loob kita!'

Lagot ako kung nagkataon.

'tinago ko ang presensiya ko kaya hindi nila malalaman na nandito ako sa loob mo'

Napahinga nalang ako ng hangin.

'pero hindi pa rin tayo dapat makampante lalo na kay Fern, malakas ang pakiramdam niya lalo na at isa siyang tagapagbantay'

Oo nga pala, she's a forest guardian sabi niya. Yun lang yung sinabi niya. Nararamdaman niya ang presensiya kung may papasok sa gubat.

'hindi nila pwedeng malaman na nasa loob mo ako, pwede mo yun ikamatay'

Nanalamig ako sa sinabi niya. Shit! Ayoko pang mamatay. Uuwi pa ako sa'min para makasama si daddy.

"Red! Hinahanap ka ni Fern!" lapit ni Yellow sa pwesto ko kaya tumayo ako at bumalik. Naabutan ko na naman sila sa loob ng puno. Parang may pinag uusapan.

"maupo ka muna" maldita pa rin. Grabe sila sa'kin.

"bakit?" wala ako sa mood ngayon.

"hindi na ako makapaghintay na itanong sayo to" kinabahan ako sa sinabi ni Light. Naku po! Wag naman!

"bakit ganun ang enerhiya ng hangin mo?" sabi na eh.

"hindi ko alam, sinunod ko lang naman ang sinabi niyo na palabasin kung ano ang nasa loob ko kaya ginawa ko...may mali ba?" Walang buhay kong sagot para hindi sila maghinala na nasa loob ko si Dromir.

"weird, winds are suppose to strike, not absorb...nakapagtataka, kapareho ng kapangyarihan ng dragon, humihigop ang kahit na ano. I mean may mga wind ability wielder naman na nakakagawa ng hangin na gaya ng sa'yo, pero iba." napalunok ako sa sinabi ni Fern. Parang ipo-ipo

'malakas ang pakiramdam niya'

'oo nga'

Napatango nalang ako at kinalma ang sarili.

"dragon? Meron dito nun?" sige lang Red magkunwari ka. Narinig ko naman ang tawa ni Dromir. My god wag mo akong tawanan.

"yes, a dragon that is sealed inside the cave of chaos"

'astig ng pangalan ng kulungan mo ah. Cave of chaos hahaha'

Natatawa kong sabi kay Dromir.

"sealed?" pagkukunwari ko.

"it is said that, that dragon is one of the legend. It has the power to absorb anything. It wreck havoc kaya naisipan ng hari na hulihin ito at ikulong sa pinakataas na bundok, iyon ay yung cave of chaos"

"nasa libro yun, hindi mo nabasa?" umiling lang ako.

"teka lang bakit niyo ba ako pinapunta dito?"

Para makipagkwentuhan?

"ah i forgot...you will retrieve some flowers for us"

Flowers? The heck!

-

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon