ASTRED
Kaharap ko ngayon si tandang Lexus, yun ang gusto kong itawag sa kanya eh. Nakadekwatro kaming magkaharap sa damuhan.
"habang nandito ka, dapat mong matutunan ang mga bagay na dapat mong malaman" ano pa nga ba. No choice naman ako dahil kailangan kong mabuhay.
"kailangan mong mailabas ang kapangyarihan sa loob mo" kung ganun, balak mong ilabas ko si Dromir dito? Baka magkagulo kayo.
"tanda, isa lang akong tao, paano ako magkakaroon ng kapangyarihan?" ilang araw na din ako dito sa bahay niya.
"gumalang ka ngang bata ka, kukutusan kita diyan" napanguso nalang ako sa sinabi niya.
"bawat nilalang may taglay na kapangyarihan, hindi ka mapupunta dito kung wala kang taglay na nun"
"wala nga kasi akong ability tanda!" maktol ko. Ilang araw niya na din na sinasabi na may powers ako, eh wala nga.
"meron, hindi mo lang alam at hindi mo pa yun mararamdaman dahil bago ka lang. Hindi nakakapasok ang ordinaryong tao sa mundo namin. Kung aksidente ka mang nakapasok dito, ibig sabihin ay may parte ka sa mundo na to" naguluhan naman ako sa sinabi niya. May parte ako dito sa mundo nila? Weh?
"then what should i do?" gusto ko nang matapos to para makauwi na ako.
"you need to train, physical and emotional. You need to learn how to let your power out and how to control it" ay ganun? Hassle.
"i know a place where you can train" oh great!
"i will take you there next week" tumayo siya at pumasok. Napabuntong hininga nalang ako bago nilingon ang bayan.
~~~
GATEKEEPER
"master, ano na naman pong iniisip niyo?" napabuntong hininga ako sa tanong niya.
"ang batang yun, mahina pa siya at kailangan niyang mamuhay tulad ng sa'tin"
"ganun naman po ang gagawin niya hindi ba? Wala siyang magagawa" tumayo ako at tumapat sa bintana.
"magiging maayos din siya at matututunan niya rin na mamuhay sa mundong ito"
Kailangan niyang maging malakas para harapin ang kalaban na paparating.
~~~
ASTRED
Isang linggo na ako dito sa bahay ni tanda. Wala pa din pinagbago. Nakakatamad eh.
"ate may gusto ka bang bilhin?" tanong ni Zali sa tabi ko habang naglalakad kami bitbit ang pinamili. Inilibot ko ang paningin at nahinto ito sa isang lumang gusali. Naiiba ito dahil lumang luma ang style niya. Nag iisa din ito na nakatayo sa isang lugar at tanging puno lang ang katabi nito. Hindi ko alam pero parang may humahatak sa'kin papunta sa lugar na yun.
"may pupuntahan lang ako, mabuti pa mauna kana" tinitigan lang niya ako habang nakakunot ang noo.
"wag kang mag alala, uuwi din ako maya maya, may titignan lang ako okay?"
"okay po, wag ka lang magpapagabi" tumango ako bago binigay sa kanya ang basket, magaan lang naman yun. Pagkaalis niya ay saka ako naglakad palapit sa lumang gusali. Tumapat ako at tinitigan ang sign board. The letters are different...
"Lost" ...pero bakit nababasa ko? Nakapagtataka, iba ang mga letters niya. Weird. Papasok na sana ako nang may maramdaman akong nakatingin kaya lumingon ako. Nakahood kasi ako eh.
"b-bakit po?" nagtataka kong tanong sa matandang lalaki na nakasuot ng asul na balabal habang may dalang bag.
"wala naman" nakangiting sabi niya bago pumasok sa loob. Luminga linga muna ako. Bakit walang pumapansin sa tindahan na ito? Napailing nalang ako bago tinulak ang pinto. Luminga linga muna ako pero walang ni isang tao. Teka!
Dali dali akong lumabas para tignan ang buong gusali. Bakit ganun? Maliit lang naman siya pero...
"wooow!" ibang iba siya. Maliit lang ang labas pero sobrang lawak sa loob? Ay oo nga pala, magic, Red! You're in the world of magic.
"may gusto ka bang hanapin?" nagitla ako dahil sa bigla biglang susulpot sa tabi ko. Siya yung matanda kanina.
"ah eh, w-wala po, g-gusto ko lang po makita kung anong meron" napaiwas ako ng tingin dahil ang creepy ng ngiti niya. Kinikilabutan ako.
"then feel free to look around" nakangiting sabi niya bago tumalikod. Okay?
Nagsimula akong maglibot sa ibat ibang shelf. Luma ang lugar, luma ang mga libro, luma ang mga gamit, lahat luma, luh! Baka mamaya pati may-ari luma ah. Baka yung matandang lalaki ang may-ari nito.
Parang sa national library lang. Nakahilera ang sandamakmak na libro. Nakatingin lang ako sa mga libro habang naglalakad.
"araykoponanay!" napaatras ako dahil sa matigas na bagay na nabangga ko. Napatingin agad ako sa librong nahulog kaya madali ko itong kinuha at ibinigay sa kaharap ko na agad naman niyang kinuha.
"pasensiya na, hindi ko sinasadya" hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh. Nakahood siya kaya hindi ko kita ang mukha, may takip din ang bibig niya.
"p-pasensiya na talaga" base sa tindig niya, lalaki siya. Kakaiba ang amoy niya, hindi ko matukoy.
"tsk!" bago ko lampasan. Ay suplado ang gago. Napailing nalang ako bago ako nagpatuloy. Parang kusang naglakad ang paa ko hanggang sa tumapat ako sa isang libro na nakapatong sa isang lamesa. Luma na ito at maraming alikabok.
Kinuha ko ito at hinipan para mawala ang alikabok. Langhiya! Nakakaubo sa dami ng alikabok.
"ay pisti!" napaubo ulit ako bago ko pagpagan at tinitigan ang nakasulat. As i saw earlier, the letters are different. Ganito ba talaga to? Kaya kumuha ako ng ibang libro. Hindi sila pareho, yung iba pareho ng letra na tulad sa'min. Ito lang ang naiiba. Kakaiba ang mga letra.
Sinunukan kong buklatin pero hindi ko kaya.
"luh! Pa hard to get?" ang weird lang kasi wala naman siyang lock. Tinitigan ko ng maigi ang libro. May quarter moon and sun. Nasa gitna ang araw. Wala naman bago. Pinakatitigan ko ang nakasulat. Para siyang ancient scripture. Tumatak sa isip ko ang mga letra.
"the fu...ture?" basa ko, at maya maya pa lang ay napatayo ako sa gulat nang biglang gumalaw ang araw at umikot patungo sa space ng buwan, then bigla nalang itong bumukas.
Kahit kinakabahan ay kinuha ko ito at binasa. Ganun lahat ng letters eh, kakaiba at parang mahirap intindihin pero bakit nababasa ko.
"novel siguro to" napabalikwas ako dahil nakalimutan kong baka hinahanap na ako nila tanda.
"ay naku po!" sinarado ko ang libro at iniwan sa mesa. Tumalikod na ako pero agad rin na napabaling sa libro, kaya kinuha ko ito. Babayaran ko na lang. Mukhang interesting eh.
Hinanap ko ang desk kung saan pwedeng magbayad. Luminga linga ako nang mahagip ng mata ko ang matanda.
"ah manong, saan po ba pwedeng magbayad?" lumingon naman siya sa'kin habang may hawak na libro.
"mukhang nakapili ka na" nakangiti niyang sabi kaya napangiti ako.
"ako ang may ari nitong shop" tumango nalang ako bago ipakita ang libro.
"kukunin ko po itong 'the future' mukha kasing maganda" biglang nawala ang ngiti niya habang nakatingin sa librong hawak ko.
"nababasa mo ang nakasulat?"
Ay ang weird ni manong.
-
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...