Chapter 100

277 15 0
                                    

*ASTRED*
"kung ganun, talagang may relasyon sila?" curious na tanong ni Gran.

"so, siya yung girlfriend ni kuya?" tumango lang sila kay Vlami. Nandito kasi kami sa sala. Wala yung magkapatid at si Vince.

"what's her name?" tanong ko sa kanila.

"Kinea Lei Drago" wow. Ang ganda pala ng surname nila. Napahawak ako sa kwintas na nakatago sa damit ko. Yun yung binigay niya sa'kin. Pareho sila ng name.

"ang galing nila magtago, silang dalawa lang talaga nakakaalam" sabat ni Hozu.

"so anong kinamatay niya?" tanong ni Vlami sa kanila.

"we did'nt actually know the details, pero ang sabi nila, namatay siya sa Forbidden Cliff" sagot ni Hozu. Napalingon ako kay Lazeri na nakatingin sa'kin bago ako taasan ng kilay.

"bakit siya nagpunta dun? Delikado ang lugar na yun" tanong ko sa kanila dahil wala akong alam.

"Well. Lei collects herbs for potion making. Siguro nagpunta siya dun para kumuha ng rare herbs" sagot ni Gran.

"hindi pa ba kayo nakapunta dun?" umiling naman ang iba.

"i've been there, pero sa labas ng barrier lang. Maganda ang lugar pero sobrang nakakatakot ang awra sa loob" sagot ni Gran.

"ano bang meron dun?" rinig kong tanong ni Kiera habang nakatanaw ako sa labas ng pinto. Hindi nila gugustuhing malaman.

"tanungin niyo si Red at Lazeri. Galing sila dun sa loob dati" mabilis akong napalingon kay Vlami dahil sa sinabi niya.

Talagang sinabi niya?

-

*LAZERI*
Bakit ba sinabi pa niya yun?

"you've been there?" nilingon ko si Kairo dahil sa tanong niya bago ko nilingon si Red na nakaiwas ng tingin.

"i uh...y-yeah" tanging sagot ko bago umiwas.

"ojou? Anong ginagawa mo dun?" Gran.

"pano kayo nakapasok?" Kairo.

"yeah, masyadong delikado dun" Hozu.

Hay naku po. Ang daldal niya naman.

-

*ASTRED*
"h-hindi mo sinabi sa kanila?" tanging buntong hininga lang ang naisagot ko sa tanong ni Vlami.

"may nangyare ba?" hinarap ko sila. Sabihin ko nalang.

"someone pulled me at nasama si Lazeri. Nagising nalang kami na nasa loob kami ng barrier" paliwanang ko.

"someone pulled you in? Who?" nagkibit balikat nalang ako sa tanong ni Kairo.

"hindi kaya pakana to nung Kaneia. Kilala ka niya diba?" napaisip naman ako sa sinabi ni Gran.

"hindi ko alam ang pakay niya kung siya nga yung gumawa nun" pwede din.

"she's a dark user. Kita naman nung nakaharap natin siya" hindi ako sumagot sa sinabi ni Gran.

"pansin niyo ba na parang nagsisimula na sila? Napag-alaman ko kay ama na may nangyayare sa labas ng bayan. Mga bayan na malayo dito. Mag kaguluhan daw na nangyayare dun" halata ang pagkabahala sa kanila.

"sa tingin niyo makakaharap natin sila?" mga dark user.

"hindi malayo. Kung may magaganap man na digmaan, paniguradong makakaharap natin sila" sagot ni Kairo.

"nakalaban niyo na ba sila?" umiling naman ang iba maliban kay Gran at Kairo at Vlami.

Delikado ako. May alam sila sa mundong to maliban sa'kin. Masyado akong clueless sa mga nangyayare at sitwasyon sa mundong nila. I need an information.

-

*KEELAN*
"what?"

"may humatak sa kanila sa loob ng barrier ng Cliff. Sa tingin mo ba si Kaneia yun?" nagpunta sila sa kwarto ko para sabihin yun? Ano naman ang pakealam ko kung napunta sila dun.

"kung ganun nga. Paniguradong galing siya sa Krad Kingdom" rinig kong sagot ni Hozu. Nakatanaw lang ako sa labas.

"kilala niyo ba ang Kradanian King?" tanong ni Kaden.

"There's not much information about him maliban sa siya ang pinakamalakas na kalaban ng kaharian natin. Tanging mga nakatataas lang ang nakakalaam ng ibang detalye" sagot ni Kairo.

"Hades. Yun ang narinig ko kay ama nung may kausap siya. Hades ang pangalan ng hari nila" napahawak nalang ako sa ulo ko dahil parang biglang sumakit. Bakit parang pamilyar ang pangalan niya.

"tsk!" iniwan ko nalang sila sa loob. Bumubigat ang pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa pangalan na yun.

Hades.

Lumabas ako at naglakad-lakad, medyo malayo na ako sa dorm pero okay lang. Kailangan kong makapag-isip.

"how is it" napahinto ko nang marinig ang tinig. Sinundan ko at nagtago sa likod ng puno.

What are you doing here?

Nakasilip lang ako sa kanya na may kausap. Hindi ko kita ng mukha dahil naka-hood siya.

"mukhang nagpaplano silang makuha siya" sino ang kausap niya at kailangan niyang lumayo.

"talagang desidido siyang makuha si Red"

"what am i going to do now?" anong pinag-uusapan nila at nadamay na naman ang babaeng yun.

"go back, ako ng bahala dito" bigla nalang nawala ang kausap niya at naglakad siya palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin.

What are you up to, Vince. Isa ka ba sa kanila?

-

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon