Chapter 65

576 39 9
                                    

*LEXUS*
"ano pang naalala mo?"

Nandito ako sa labas ng bahay kasama si Red. Sobrang aga niyang nagpunta dito.

"wala na. Nawalan na ako ng malay nun kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyare. Nagising nalang kami dun sa garden" sagot niya.

Tinatanong ko kung anong nangyare at nakapunta sila dun sa Cliff. Sobrang delikado ang lugar na yun at paano sila nakarating dun.

"paano kayo nakapasok dun?" They don't have the power to open a portal.

"may humatak sa'kin. Posible kayang yung witch na yun?" may humatak sa kanya?

"sa tingin mo tanda...kagagawan yun ni King Hades?" napahinto ako sa sinabi niya.

"how did you know that name?" nakatingin lang siya sa kaharian.

"someone told me. Sinabi niyang gusto akong kunin ng Hari na yun para gamitin sa plano niya" seryoso ang boses niya pero alam kong kinakabahan siya.

"who told you that?" posible bang---hindi sasabihin nila Fern yun sa kanya. Sino ang nagsabi?

"alam mo ba ang dahilan tanda? Naguguluhan ako. Bakit alam ng witch na yun ang pangalan ko. Bakit lagi niya akong tinatawag sa panaginip ko. Bakit gusto akong kunin ng Haring hindi ko naman kilala. Sobrang daming tanong ang nasa isip ko at hindi ko alam kung anong sagot dun"

Mukhang kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo...pero matatanggap niya kaya?

"ah, siya nga pala tanda" wala talagang galang tong batang to.

"paano ako makakabalik sa Forbidden Cliff?" huh?

"masyadong delikado ang lugar na yun Red" bakit siya babalik sa lugar na muntik na siyang mamatay.

"may kailangan lang akong kumpirmahin"

Ano bang plano niya.

-

*ASTRED*
Gusto kong bumalik dahil gusto kong makumpirma kung dugo ba talaga ng tao ang naamoy ko dun.

"walang daan papasok dun Red, mga portal user lang tulad ng Knight ang nakakapasok dun" Knight? In shining shimmering armor? Weh?

"ganun? Akala ko alam mo kung paano" i smelled a faint scent that day. Familiar siya pero hindi ko maalala.

"about the puppet body tanda...pwede bang dalawahin mo na?" gusto ko rin kasing mailabas si Dromir dito.

"are you planning to let him out? Pero delikado yun Red, halimaw pa din siya" sagot ni tanda.

'mas halimaw pa sa halimaw ang mga tao'

'he's right'

Rinig kong sagot nilang dalawa.

'he can use binding spell para limitahan ang lakas ni Dromir kung nag-aalinlangan siya'

Sagot ni Blaze.

"binding spell?" mukhang narinig ni tanda ang sinabi ko.

"you can use binding spell daw tanda, basta ilabas mo siya" sagot ko. Mukhang nag-aalinlangan pa siya.

"tapos na ang kay Blaze, pero kung talagang balak mo siyang ilabas, sige, igagawa ko siya ng isa, but i will sure na limitado ang lakas niya, hindi siya pwedeng maghasik ulit tulad ng nasa libro" sumang-ayon nalang ako sa sinabi ni tanda.

"bumalik ka na. Baka hanapin ka nila"  tumayo na ako at inayos ang damit.

"siya nga pala. Kumusta na yung kasama mo" kasama ko?

"who?" sinong kasama?

"nevermind" umiling nalang siya. Sino ba yung tinutukoy niya? Si Lazeri ba?

Whatever.

I used my air para makabalik sa dorm. Maaga pa naman kaya okay lang. Ramdam ko pa nga ang lamig ng hangin.

-

*FERN*
"he's cute" napangisi nalang ako sa sinabi ni Light sa tabi ko habang nakatingin sa puppet na nasa harap namin.

"i know right? He's perfect" sagot ko nalang sa kanya. Nagpagawa kami ng puppet para kay Blaze. In-fairness, ang gwapo niya.

"Fern, Light" nilingon namin si master ka kakadating lang.

"make another one" simpleng saad  niya habang nakatingin sa puppet ni Blaze.

"a-another one? Para saan?" tanong ni Light bago ako binalingan.

"may kaibigan ba siyang hayop maliban kay Blaze?" nagtatakang tanong ko.

Nagkatinginan pa kami ni Light dahil sobrang seryoso ni master. Parang ang lalim ng iniisip niya.

"yeah"

"woah! Really? Ilang hayop ba ang kaibigan niya?" grabe, nakakabilib ng batang yun.

"the other puppet is for that chaos dragon" sagot ni master.

"ohh? Yun lang pala-" hindi na natuloy ang sasabihin ko bago nilingon si Light. Pareho kaming gulat na gulat at parang hindi maiproseso ang sinabi niya.

"what?!" sabay naming sigaw.

A-anong...chaos dragon?

That dragon in the Cave of Chaos? Is her friend?

What the hell!

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon