*ASTRED*
Nilabas na ang matanda at nandito pa din kami sa loob ng office niya."eww! Are you going to use that thing?" napairap nalang ako sa sinabi ni Lazeri. Bingi ba siya? Kanina ko pa sinasabi na hindi ko alam.
"this is a crime" kainis! Kung alam ko lang talaga.
"i didn't know okay" tsk! Kasalanan ko ba? Napabuntong-hininga pa si Headmaster.
"bumalik na kayo sa klase" lumabas na kami. Nakasunod lang siya sa'kin.
"omg! I didn't know that you're stupid" napahinto ako at humarap sa kanya.
"hindi ko nga alam. Ang kulit mo din eh" tinaasan niya lang ako ng kilay at umismid
"alam mo bang may parusa ang gumagawa niyan?"
"oo, sinabi nga ni Headmaster diba?"
"don't you dare speak to me!" napairap nalang ako at aalis na sana nang mapatingin ako sa likod niya.
"tsk!" hinayaan ko lang siyang umalis habang nakatingin pa din ako sa batang nakatayo sa labas ng office ni Headmaster. Paanong nakapasok ang bata. Hindi pwede ang kahit sino kung hindi ka part ng Academy.
"what are you doing?" mukhang nagulat pa siya. Hindi siya mukhang mayaman.
"a-ano po kasi. S-si lola po" sobrang bata niya naman.
"ilang taon ka na?"
Sasagot pa sana siya ng bumukas ang pinto.
"anong ginagawa niyo?" tanong ni headmaster.
"parang awa niyo na po. Pakawalan niyo si lola" nakaluhod ng bata sa harap ni Headmaster.
"paano ka nakapasok?" tsk! Hindi man lang sinagot ang bata.
"sino ba ang lola mo?" tanong ko bago lumuhod.
"y-yung matandang babae po" matandang babae.
"hindi ka dapat nandito iha" tumalikod si Headmaster bago naupo.
"parang awa niyo na po" naawa ako sa bata. Siguro apo siya ng matandang babae na nagbenta ng potion sa'kin.
"malaki ng kasalanan ng iyong lola. Kamatayan ang kaparusahan sa ginawa niya" nabigla ako sa sinabi ni Headmaster.
"ano po? Pero sobra naman yun!" kamatayan agad. Nakaramdam ako ng galit sa sinabi niya. Sino bang naglagay ng batas na kamatayan agad ang ipapataw sa ganun. Ang babaw.
"ipinagbabawal ang ganung bagay sa kaharian na ito, Red. Lahat ng lumalabag ay kailangan na harapin ang parusa na dapat sa kanila" napakuyom ako ng kamao at napatingin sa bata.
"m-maawa po kayo. S-si lola nalang po ang meron ako. W-wag niyo po siyang kunin" hinawakan ko siya at tinayo.
"ako nalang" pinunasan ko ang luha ng bata bago hinarap si Headmaster. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.
"are you sure? Ikaw ang papalit sa kanya?" bigla akong kinabahan sa pagkaseryoso ni Headmaster.
"ako naman ang bumili. Kasalanan ko din. Pakawalan niyo na siya, ako nalang ipalit niyo" hindi siya sumagot at parang pinag-aaralan lang ako. Nilingon ko ang bata bago lumuhod.
"wag ka ng umiyak. Makakasama mo na ulit ang lola mo" ano nalang ang mangyayare kung mawala ang lola nitong batang to.
"t-talaga po?" ngumiti nalang ako bago tumango. Nilingon ko si Headmaster na seryoso lang na nakatitig sa'kin.
"please let her go" ayoko naman na mamatay siya kung gayong may kasalan din ako. Hindi ko kayang makita na mangyayare yun sa matanda at maiiwan ang walang muwang na batang to.
"kung ganun-"
"pero papasok muna ako. Mamaya niyo na ako hulihin sa uwian na. Ipapakuha ko pa kay Lazeri yung potion para maibigay sa inyo"
"oh sige. Bumalik ka na sa klase mo. Ako ng bahala sa matandang babae" tumango nalang ako bago inakay ang bata.
"makakalabas na po ba si lola?" ngumiti lang ako sa bata habang hawak ang kamay niya.
"oo, baka mamaya makalabas na siya" huminto ako kaya napahinto siya at napatingin sa'kin ng may pagtataka. Konti lang ang mga estudyanteng nasa labas.
"bakit po?" nilingon ko siya habang nakangiti.
"gusto mo bang maglibot?" mukhang nagustuhan niya dahil sa lapad ng ngiti niya.
"talaga po? Pwede? Pero hindi ako estudyante dito" malungkot na sagot niya.
"ako ng bahala" inakay ko siya hanggang sa garden kung saan nandun ang tatlong fairy.
"ang ganda po dito" inakay ko lang siya habang manghang-mangha siyang nililibot ang tingin.
"nandito na tayo" huminto kami sa puro bulaklak kung saan natutulog ang tatlong fairies.
"woow! Ang ganda" naupo ako sa damuhan at inakay siya paupo sa kandungan ko.
"ilang taon ka na ba?"
"anim po" kaya pala. Sobrang bata niya para maulila.
"kayo lang ba ng lola mo?" tanong ko bago kumuha ng bulaklak. Gagawan ko siya ng flower crown.
"opo. Namatay na po si ama at ina kaya naiwan ako kay lola" ang lungkot ng buhay niya.
Pareho pala kami. Kaming dalawa nlang ni daddy.
Kumusta na kaya si dad.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...