chapter 38

1K 58 2
                                    

*ASTRED*
"huh? Umalis si tanda?" tanong ko habang nakaupo kaharap sila.

"oo umalis siya kahapon pa" sagot ni Light.

"bakit nandito ka? May pasok diba?" inirapan ko lang siya bago sumandal.

"Blaze"

"ohmygoodness!" gulat na sambit nung dalawa ng lumabas si Blaze at nahiga sa tabi ko.

"tinatamad akong pumasok" bored kong sagot. Ilang oras na ako dito.

"aalis na ako" wala naman akong magawa.

"tinakasan mo ang mga fairies ko" maarteng sabat ni Fern kaya inirapan ko lang siya

"bakit ba kasi pinababantayan mo pa ako?" kriminal ba ako para bantayan? May gagawin ba akong masama.

"para makasigurado. Wala dapat makaala na alam mo ang tungkol sa Black Hole" sagot ni Light.

"bakit nga ba?" nagtaka naman sila sa sinabi ko.

"huh?"

"bakit nga ba hindi nila pwedeng malaman? Bakit ako lang ang nakakabasa ng libro?" nagtataka rin ako eh. Bakit hindi nila nababasa? Anong meron sa librong yun.

"ah, eh"

"a-ano kasi"

Pilit silang umiiwas ng tingin. Ano nga bang problema. Bakit ayaw nilang malaman ng iba.

Anong meron sa librong yun para maging ganyan sila. Kahit ako kinikilabutan pag binubuklat ko ang libro.

"i'm going" tumayo na ako at tumalikod kasunod ko si Blaze sa likod ko.

"s-saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Fern pero hindi ko na sila pinansin.

Lumabas na ako ng Pixie Mountain gamit ang puno sa likod ng bahay ni tanda.

Anong meron sa librong yun?

'Red?'

'mukhang malalim ang iniisip mo kaibigan'

Nakaupo ako sa labas ng bahay habang nakatanaw sa kaharian. Maganda siya sa malayo. Sobrang lawak.

'anong meron sa Black Hole' sambit ko na ikinatahimik nila.

'a-ano?'

'paano mo nalaman yun master?'

Takang tanong ng dalawa.

'may alam ba kayo?' tanong ko sa kanila.

'mapanganib sabihin ang salitang yan kaibigan' seryosing sagot ni Dromir.

'paano mo nalaman yan master?' tanong ni Blaze.

'wala, kalimutan niyo na'

Nanahimik nalang sila at hindi na muling nagsalita. Mukhang may alam tong dalawang to.

Mataas na ang araw ng mapagpasyahan kong bumalik. Dumaan muna ako sa bayan at pumasok sa isang shop. Nakailang tingin ako ng dumako ang tingin ko sa isang...

...unan? San ko naman gagamitin yun?

"mukhang maganda ang napili mo iha" sabat ng matandang lalaki bago lumapit sa'kin. Kinuha ko ang unan at pinakatitigan.

"marami akong unan" tumalikod na ako para lumabas.

"simple lang to iha pero maganda. It can spand" napahinto ko at nilingon ang matanda.

"it can spand?"

"oo iha" lumapit ako at kinuha ang unan. Square lang siya at normal lang sa paningin ko. Wala namang kakaiba.

"gusto mo bang makita?" alanganin akong tumango bago niya kinuha ang unan at pinalutang.

"wooow!" lumalaki nga siya. Pwede na akong humiga.

"oh diba? But it can only work for air magic iha" huh?

"bakit air magic lang?" anong meron.

"hangin ang ngpapalaki sa kanya. Pwede siyang gamitin sa ere kung maglalakbay ka" sounds great to me.

"at ang swerte mo. Dahil ikaw ang unang constumer kong makakagamit nito. Ito ang unang labas" kinuha ko ng unan at pinakatitigan.

"is that an air pillow?"

"oo nga, normal siya sa paningin"

Lumapit ang dalawang babae para tignan ang hawak ko.

"yes lady" sagot ng matanda. Hahawakan sana nung isang babae pero inilayo ko.

"akin to, ako ang nauna" mukhang nagulat pa yung dalawa.

"sayng naman"

Binayaran ko na baka kunin pa ng iba. Lumabas na ako at sumakay sa kabayo inayos ko ang baga bago hawakan ang tali ng kabayo.

"may nahuli daw na magnanakaw?"

"ay oo, buti nahuli ni master Loki"

"ang cool talaga ni master Loki"

Naiiling nalang ako sa bulungn nila. Kung ganun...nandito sila? Naku po.

"have you seen Prince Gran?"

"oh yes i saw him"

Luminga-linga ako at agad na napakunot noo habang nakatingin s isang sulok.

"bakit ganun?" nagtataka kong bulong bago lumapit.

"weird" bakit wala yung shop na kinuhanan ko ng libro. As in wala, open space lang siya.

Aalis na sana ako ng may humawak sa binti ko.

"iha, pwede mo bang bilhin ang mga natirang potion ko?" napatingin ako sa basket na dala ng matandang babae. Bumaba ako at humarap sa kanya.

"potion?" anong klaseng potion?

"oo iha. Invisibility potion" nakalagay sa isang tela ang tatlong vile.

"maawa ka iha. Bilhin mo na" tatlong vile ng invisibility potion?

"o-okay" binigay ko ang bayad bago kinuha ang tatlong vile ng potion na nakalagay sa tela.

"salamat iha. Pagpalain ka ng dyos at dyosa" napangiti nalang ako ng alanganin bago umalis ang matanda.

Sumakay na ako ng kabayo bago pinatakbo ang kabayo. Papasok na ako ng academy ng mapalingon ako at napatingin sa karwahe.

The hell!

Bakit ba lagi nalang nagkakasalubong tingin namin. Napakunot pa ang noo niya na parang kinikilala ako. Inalis ko ang tingin at mabilis na pinatakbo ang kabayo papasok.

Saan ko kaya gagamitin ang invisibility potion?

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!



Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon