ASTRED
Alanganin akong napangiti at dahan dahang tumango. Madali lang namang mabasa dahil naiintindihan ko at hindi ko alam kung paano.
"o-opo?" seryoso lang ang mukha niya bago tinitigan ang libro. Gumuhit ng isang malungkot na expression sa mukha niya bago nakangiting tumingin sa'kin.
"no need to pay, you can take it, it's yours" may halong lungkot ang boses niya kahit na nakangiti siya.
"uh, sigurado po kayo? Kasi mukhang mahal to eh, kasi luma na?" imbes na sumagot ay hinawakan lang niya ang kamay ko.
"everything will be fine" alanganin akong ngumiti, para kasing double meaning ang sinabi niya.
"ah eh, kung ganun, kukunin ko na po, sige po, salamat" nakangiti kong sagot bago lumabas ng shop.
And weird ng expression niya. Malungkot. Hala! Baka importane tong libro sa kanya ah. Pero bakit niya ibibigay sa'kin ang libre kung importante.
Buti nalang pala may sakbit akong bag, kaya nilagay ko ang libro. Hindi naman siya mabigat eh, tama lang. Luminga linga ako habang naglalakad. Nakakamangha ang lugar, may mga nakalutang na mga paninda. May mga hawak na wand. Yung iba may parang nagtesting ng bagay na bibilhin. Oh yeah, everything is magical.
"la lala lala---hooyy! ibalik mo yaaann!" sigaw ko dahil sa may biglang humablot ng gamit ko at tumakbo kaya hinabol ko.
"ibalik mo yaaann!" napatingin naman samin ang ibang tao. Langhiya ka! Mahuli lang kita patay ka sa'kin! Mabilis siyang tumakbo pero mas mabilis ako. Lumiko siya ng daan kaya nag-shortcut ako sa isang tindahan
"bwisit kaaa!" sigaw ko bago ko siya hinarangan na mukhang ikinagulat niya naman. Akma sana siyang tatakbo nang bigla kong hablutin ang damit niya bago ko hinatak dahilan para mapahiga siya.
"akin na yan!" nilahad ko ang kamay ko, pero ngumisi lang siya at naglabas ng patalim. Nilibot ko ang paningin at lahat sila nakatingin sa'min. Wala man lang bang tutulong sa'kin?
"yyaaaahhh!" sigaw niya bago ako sinugod. Napangisi nalang ako bago umiwas at hawakan ang kamay niya bago siya sinuntok sa mukha.
"oh my god!"
"babae ba siya?"
Napairap nalang ako sa narinig ko. Bulong dito, bulong doon. Blah! blah! blah! Tumayo ang lalaki at sinugod ako. Umiwas lang ako sa mga galaw niya. Ang bagal niya ah. Magaling ako sa martial arts at lahat ng armas kaya kong hawakan. Lahing yakuza yata to.
"walanghiya-" hindi ko na siya pinatapos at binigyan ko nalang siya ng isang malakas na suntok dahilan para mapahiga siya. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na tumayo at kinuwelyuhan nalang siya.
"ako pa talaga ang ninakawan mo? Akala mo ba mananalo ka sa'kin huh!" sigaw ko sa kanya.
"p-pasensiya na" aambaan ko na sana siya ng suntok ng bigla akong napahinto dahil sa malamig na boses ang nagsalita sa likod namin.
"what is happening here?" nakakapanindig balahibo ang lamig ng boses niya.
"oh my god! Ang gwapo niya hindi ba?"
"i agree, he is so hot!"
"so perfect!"
I heard them say full of admiration. Tumayo ako at humarap sa kanya. Nakasaklob pa din ang hood sa'kin. Woow! As in wow. Yung lalaking nakita ko nung nakaraan. Yung bored at playboy. Pero nasa kanya lang ang atensyon ko. Silver ash ang buhok niya at itim na itim ang mata. Malamig at walang kahit na anong emosyon.
"wow, ang gwapo talaga ni master Loki!" tili nung babae. Sakit sa tenga. Daig pa ang die hard fans ng mga artista.
"tinatanong kayo" seryosong sabi nung womanizer.
"be mine master Hozu!" grabe nakakatulilig ng tenga.
"ang cool ni master Kaden!" Siya yung kasama nung womanizer.
"yung lalaki, ninakawan niya yung dalaga" sagot nung matandang nagtitinda. Sumenyas siya sa kasama niya na agad naman na lumapit sa lalaki, may nilagay siya sa kamay. Wew, a handcuff?
"uhm miss? Sa'yo yata to?" lapit sa'kin nung lalaki. Nakakasuka ang ngiti niya.
"salamat" bago ko kinuha ang bag at pinagpagan. Matalim ko munang tinitigan ang lalaki na nagdudugo ang ilong at may pasa dahil sa suntok ko. Bigla nalang nanlamig ng katawan ko at mabilis na nilingon ang lalaking seryoso at may malamig na presensiya. Nakatitig pala siya sa'kin habang nakakunot ang noo.
"pwede na po ba akong umalis?" seryoso kong tanong habang nakatingin sa kulay itim niyang mga mata. I wonder why, but i find it beautiful actually. Nagagandahan ako sa mata niya. Malalim at walang bahid emosyon. Bigla nalang tumalim ang tingin nito sa'kin. He even clenched his jaw.
"uhm miss? Wag mo siyang tignan sa mata" kaya mabilis akong napaiwas at yumuko, pero ramdam ko pa din ang talim ng titig niya. It's an uncomfortable feeling.
"ahem, sige pwede ka nang umalis" sagot nung playboy, kaya nagsimula na akong maglakad pero hindi ko mapigilan na hindi ko siya muling titigan. I caught him staring at me that gives me chills up my spine. I walked past him, kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. May kakaiba sa kanya.
'may kakaiba sa binatang iyon'
Napatango nalang ako sa isip dahil sa sinabi ni Dromir.
'pakiramdam ko na may kakaiba sa kanya na hindi ko gusto'
Nakakatakot ang mga titig niya, ang mga matang parang hinahalukay ang buo kong pagkatao, saglit lang yun pero matindi ang kabang naramdaman ko nang titigan ko siya.
'mag iingat ka sa kanya'
Hindi ko na siya sinagot at napatuloy nalang ako sa paglalakad.
He's beautiful.
-
How dare she made an eye contact with me.
It's so damn irritating, no one ever made an eye contact with me for how many fucking minutes!
Only my family and friends can do that!
Not someone so low!
-
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...