Chapter 62

622 44 3
                                    

*ASTRED*
"argh! Nakakabwisit!" rinig kong sigaw niya.

Kanina pa kami dito at hanggang ngayon wala pa rin, hindi pa rin kami makaalis.

Chikushō!

"i-i don't wanna die here" nilapitan ko siya at tumabi ng upo.

"bakit ka pa kasi sumama. Dapat hinayaan mo nalang ako" hinatak pa kasi ako tapos ako sisisihin na kasalanan kong nandito siya. Grabe.

"huhuhu! I'm too pretty to die" naiiling nalang ako sa sinabi niya.

"i'm sorry" napatigil pa siya ng iyak at nilingon ako.

"you should be" napairap nalang ako dahil sa kamalditahan niya.

"pwede bang bawasan mo ang pagka-suplada mo kahit ngayon lang. Wala namang magagawa yang kaka-inarte mo. Hindi tayo makakaalis dito" kahit na natatakot na rin ako. Wala na rin akong magawa.

"ah, alam mo ba?" napakunot-noo pa siya na parang nagtatanong.

"there's an herb growing in here that can cure any illness?" pinunasan niya ang luha at gulat na nakatingin sa'kin.

"really?" tumango lang ako sa sinabi niya.

"it's says in a book. Siguro yun ang dahilan kung bakit maraming nagtangkang pumasok dito pero hindi nila kaya. Kung meron man makapasok, paniguradong hindi na sila nakaalis pa" that's the reason i can think.

"woow! Sa lahat ba naman ng tutubuan ng halamang gamot, bakit sa delikadong lugar pa na'to pa?" nagkibit-balikat nalang ako. Ganyan din ang naisip ko nung una.

"paano tayo makakalabas?" tinapik ko nalang ang balikat niya bago tumayo at nilahad ang kamay na ikinataka niya pero agad rin na kinuha.

"we'll find a way" ngumiti nalang ako sa kanya na mukhang ikinagulat pa niya.

"o-okay" mukhang nahihiya pa siya kaya naiiling nalang ako.

"try to be less bitch Lazeri, we might be able to befriend each other" inirapan niya lang ako. Grabe talaga. Pasalamat ka mas matanda at matured ako sa'yo. Hindi ako basta-bastang pumapatol.

"yeah right?" hay naku. Ramdam ko naman na mabait siya kaya hindi ko lubos maisip kung bakit ba siya ganyan. Kulang ba siya ng pansin? Isumbong ko kaya to sa magulang niya.

"where should we go then?" luminga-linga pa ako sa kaliwa't kanan kung may mapupuntahan siya. Masyadong mahaba ang cliff. Hindi ko alam kung gano kahaba. May puno naman...pero nasa labas ng barrier. Kagubatan ang nakapalibot at walang kahit anong bakas ng daan.

"R-Red?" nilingon ko siya na nakaturo at gulat na gulat.

"what?" nilingon ko ang likod ko at ganun nalang ang gulat ko nang makita kung ano ang nandito.

"nanidayō sōre! (what is that!)" hindi ko alam kung anong halimaw ba to pero puro ugat siya na kulay lumot.

"s-sa'yo ba yan?" tanong ko kay Lazeri na umaatras din tulad ko.

"n-no way! That's ugly. Hindi ako gumagawa ng hindi maganda!" kailangan ba talagang sumigaw? Nagtanong lang naman ako eh.

-

*SOMEWHERE IN FORBIDDEN CLIFF*
'somebody, please help me'

Nakahiga ako sa madilim na lugar at ang tanging ilaw lang ay ang glowing stone, hindi ganun kadami para makita ang buong lugar kung saan ako nakakulong.

How many years has it been? Hindi ko na matandaan kung gaano na ako katagal dito. Bakit ba ako nanatiling buhay hanggang ngayon kung makukulong lang ako sa ilalim nito. May mga halamang gamot naman dito para sa mga potion kaya okay lang kahit hindi ako makakain ng karne o gulay since mga herbs naman sila sa paggawa ng recovery potion o kahit ano, kaya kahit hindi ako kumaen, hindi ako mamamatay sa gutom.

*Grooowl!*

Napaupo ako at napatingala. Wala akong makitang liwanag pero rinig ko ang galit na angil ng halimaw.

"a-anong nangyayare?" parang napaka-agresibo yata ng halimaw ngayon.

"h-hindi kaya?"

Mabilis akong tumakbo at humawak sa pader na bato at pilit umakyat.

"heeeeeelp! Please help me!" pilit akong umaakyat pero wala...hindi ko kaya. Napaiyak nalang ako dahil sa panghihina.

Napatingala ako nang marinig ang malakas na sigaw ng halimaw. Mukhang galit na galit siya.

Ilang taon na ako dito pero hindi man lang nila ako pinatay. Hind ko alam kung bakit. Hanggang ngayon takot pa rin ako. Bakit hindi nila ako pinatay. Anong dahilan? Mabangis ang mga halimaw dito pero bakit hindi nila ginawa sa'kin ang ginawa nila sa ibang pumapasok sa lugar na'to.

"heeeeeeeeeelp!" napaupo nalang ako at napaiyak habang nakatingin sa kamay kong may umaagos na dugo.

Paano na ako.

-

*KEELAN*
Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

"where's Lazeri and Red?" maybe they're fighting again. It's not new to me.

"we don't know"

"baka nag-aaway na naman. Alam niyo naman si Lazeri, mahilig manguna sa away"

Damn! Why am i nervous for no reason?

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon