Chapter 5

1.7K 62 2
                                    

*ASTRED*
Napamulat ako at bumungad sa'kin ang maliwanag at kulay asul na kalangitan. Napabalikwas ako nang makita ang nasa paligid ko. Napapalibutan ng gubat at wala akong natatanaw kahit isang bahay o mataas na gusali man lang. Napalingon ako sa likod, isang malaking pinto lang naman sa bundok na bato.

"naman oh! Ilalabas mo lang naman ako, dito pa sa mataas na lugar!" nasa cliff na ako eh. Bundok na bato lang naman yung kinatatayuan ko! Napatingin ako sa ibaba at agad din na umatras. Lintik! Nakakalula sa taas.

'hahaha patawad' napaatras ako at napalingon sa likod.

"eh? San yun?" may nagsalita eh.

'nandito ako loob mo at kinakausap kita gamit ang isip' ahh oo nga pala sabi niya papasok siya sa loob ko.

"dragon---teka, ano nga palang pangalan mo, hindi yung laging dragon ang itawag ko sayo?" nakakasawa na puro dragon ang tawag ko eh.

'wala akong pangalan, bigyan mo ako at iyon ang itawag mo'

"ay ganun? Pinag isip mo pa ako?" pilosopo kong sagot. Pag iisipin mo pa ako ng pangalan. Daig ko pa may anak ah.

'bigyan mo ako ng pangalan' ano pa nga ba.

"hmmm, Domi, Emor, Lamir, Doremi, Fasolatido---ang papangit ng naisip ko" mag isip ka ng pangalan. Hindi ako magaling sa ganito.

"aahhh! Alam ko na! Dromir nalang!" napakagandang pakinggan.

'Dromir! May pangalan na ako! Huhuhu!, salamat at nagkaroon ako ng pangalan. Ganito pala kasaya mabigyan ng pangalan huhuhu!' napairap nalang ako sa hangin dahil sa kadramahan niya. Nakakaiyak bang mabigyan ng pangalan? Ganun? Ang corny ah.

'anong ibig sabihin ng pangalan ko?" nasisiyahan niyang tanong.

"wala naman, wala kasi akong maisip" since i'm not good at naming. Naisip ko lang yun at wala akong ideya kung anong meaning ng ibinigay kong pangalan.

'hindi bale, para sakin maganda ang pangalan na ito' true. Magandang pakinggan.

"oo na sige na, tama na, sabihin mo nalang sakin kung paano tayo makakababa dito sa bundok na to. Ilalabas mo lang ako dito pa?" sabay tingin ulit sa pinto.

"ito ba yung pinto ng kulungan mo?"

'tama ka, yan nga' ah okay.

'may daan sa gilid ng bundok'

Kaya naglakad ako at kalaunan ay nakita ko din. Napasipol nalang ako dahil sa haba ng daan pababa. Grabe naman oh, sino ba naman ang gumawa ng pagkahaba habang hagdan dito. Sawang sawa na nga ako sa paglalakad sa loob ng kweba, pati ba naman dito? Sobrang tagal ko nang naglalakad at lintik! Parang walang katapusan ah.

"naman oh, wala na bang katapusan to? Langit ba yung pinanggalingan mo at sobrang haba nitong hagdan na to?" jusko naman oh!

'hahahah! Nakalimutan kong sabihin na kasama sa ibinigay kong kapangyarihan ay ang paglipad gamit ang hangin'

Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha dahil sa inis.

"so sinasabi mong pwede akong tumalon dito at gamitin ang hangin para makababa ng maayos? Ganun ba?" nakakainis. Nakapaglakad na ako ng mahaba tapos ngayon niya lang sasabihin sa'kin yun?

'ganun na nga' natatawa niyang sagot na lalong nakapagpainis sa'kin.

"bakit hindi mo sinabi agad! Pinaglakad mo ako sa pagkahaba habang hagdan nato!" inis kong sigaw pero tawa lang ang sagot niya. Bwisit naman oh! Kung naging tao ka lang talaga, baka nasapak na kita!

'subukan mo, tumalon ka at gamitin mo ang hangin' tumayo ako sa gilid ng hagdan, medyo mataas pa rin. Huminga muna ako ng malalim. Kaya ko to. May magic na ako kaya okay lang. Isa sa hobby ko ay sky diving. Jusko, masyadong mababa ang isang to.

"okay, this is it!" bago ako tumalon. Napapikit nalang ako dahil ayokong makita ang nakakalulang kinalalagyan ko. Bakit natakot ako ngayon.

"kuso yarooooõ!" sigaw ko nang malapit na sa lapag. Nakapikit pa din ako nang maramdaman ang hangin na pumalibot sa katawan ko at ang lupa na naaapakan ko.

'hahahahah! Masarap ba sa pakiramdam?' remind me to kill him when i have a chance.

"i would've killed you if you were a human!" napasandal ako sa puno dahil sa kaba. Ang taas din nun. Katakot.

'kanina ko pa naririnig ang mga salita na yan, isa ka bang maharlika?' ang lalim magsalita ah.

"hindi" simpleng sagot ko.

'ngunit maalam kang magsalita ng ingles, tanging maharlika lang ang nakakapagsalita ng lengwahe na yan kahit simula pa lang ng unang panahon'

"ah ganun? Sa mundo namin, kahit mahirap nakakapagsalita ng ingles o kahit na anong lengwahe"

'kahanga hanga ka binibini' natutuwang sabi niya. Matanda ka na kasi kaya ganyan bwahahahaha!

"yeah right" pumikit nalang ako at ninamnam ang hangin.

'paano ka napunta sa mundo namin?'

"may humatak sakin sa loob ng salamin" nakakaantok. Siguro kasi napagod ako.

'hmm' ang huling rinig ko bago ako lamunin ng dilim.

-

*PIXIE MOUNTAIN*
I was sitting at my forest throne, admiring the beautiful creation made by goddess. Looking through the mirror of my reflection.

"such a beautiful creation you are" i said to my reflection when i felt an anusual presence.

"mahal na taga-pangalaga, ano pong problema?" tanong ng isang flower fairy.

"i felt an anusual presence in the forest" kakaiba ang presensiyang ito. Hindi basta basta.

"po? Baka po mga hunters o ibang estudyante ng Elemental Academy" pero iba ang pakiramdam ko. As a forest guardian, i'm certain of every things that comes inside the forest.

"Fern! Fern! Naramdaman mo ba yun?" napairap nalang ako sa babaeng to na kung makahangos akala mo hinahabol ng sampong tigre.

"yes Ether, of course" anong palagay niya sakin, manhid?

"anong gagawin natin?" napatingin ako sa salamin at inayos ang sarili. Masyado akong maganda.

"patayin niyo siya, hindi ko gusto ang presensiya---sandali" napahinto ako dahil nawala ng presensiya niya.

"bakit po?"

Biglang nawala.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon