ASTRED
Kakatapos ko lang maghugas ng plato, marunong naman ako sa gawaing bahay kahit na pinapagalitan ako ni daddy dati dahil may katulong naman daw kami, wag lang sa pagluluto, baka masunog ang kusina.
"i will take you for training tomorrow, so be ready" napatango nalang ako kay tanda bago ako pumasok sa kwarto. Naligo na ako kanina bago kumaen. Napabangon ako sa kama at kinuha ang libro na binigay sa'kin nung matanda. Nakasarado na naman. Nilapat ko ang palad at agad naman itong bumukas.
"Secrets of the Unknown" basa ko sa unang pahina. Binuklat ko lang ito ng binuklat, wala namang bago. Merong history pero tinatamad akong magbasa. I'm not fond of reading histories. I keep on turning pages but i immediately stopped when something caught my attention.
"Black Hole?"
"Reflection of light,
Dark lives inside.
Don't let it touch the ground,
For it will suck you dry.
A sleeping monster locked inside,
Lurking in sinister hole.
Beware of dark,
Beware of Black Hole"Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa libro bago ito isara. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nakasulat. Parang may ibig sabihin.
Umiling nalang ako at iwinaksi ang nabasa. Huminga ako ng malalim para alisin ang kabang nararamdaman ko. Pumikit nalang ako para makapagpahinga.
"hay naman oh" napabalikwas ako ng bangon at sinabunutan ang sarili. Hindi ako makatulog.
"tsk!" sumandal ako sa headboard ng kama.
"daddy" naramdaman ko nalang na may pumapatak na luha mula sa mga mata ko.
"i'm sorry daddy, i'm sorry i left you, maayos ka ba ngayon? Inaalagan ka naman nila Vince diba? Nakakakain ka ba? Alam mo ba daddy, nandito ako sa ibang mundo? Ayokong tanggapin na nakarating ako dito, pero wala akong magagawa. Kailangan kong mamuhay habang naghahanap ng paraan para makauwi. Ang hirap malayo sa inyo" naluha ako habang nakasubsub ang mukha sa mga palad. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hindi ako sanay na sobrang layo ko kay daddy, buti sana kung may cellphone o kahit anong gadget. Eh wala naman dito nun.
Hahanap ako ng paraan para makauwi ako. Even if it means na kailangan kong mag aral ulit. Lintik! Mag aaral na naman.
Kinaumagahan ay naghanda na kami bago umalis. Nakatingin ako sa reflection ko sa harap ng malaking salamin. Napabuntong hininga ako bago lumabas dala ang kapa.
"nakahanda kana ba?" tanong ni tanda.
"tanda, pupunta muna ako ng bayan para mamili ng bagong damit" demanding ang lintik.
"oh sige, isama mo si Zali" umiling nalang ako bago isuot ang kapa.
"kaya ko na pong mag isa tsaka sandali lang naman po ako eh" sagot ko habang inaayos ang braid ng buhok ko.
"oh sige, tutal mamayang tanghali pa naman tayo aalis" tumango nalang ako bago lumabas at sinuot ang hood ng balabal.
Dahil tinuruan ako ni tanda na mangabayo kaya gamit ko ngayon papuntang bayan. Madali lang naman pala eh. Tinali ko muna ang kabayo sa isang shop kung saan pwedeng iwan ang mga kabayo. Marami naman sila eh. Naghanap ako ng malapit na shop na pwedeng bilhan ng damit. May nakita akong dalawang shop, pero dun ako sa isa, ayoko dun sa puro sosyal at magagara na akala mo pang prinsesa. Dito ako sa kabila, yung simple lang.
Humanap ako ng damit na babagay sa'kin. Hindi naman mahirap hanapin, madali lang akong makahanap ng simple at babagay sa suot ko.
Normal din ang mga damit na meron sila. Parang sa mortal world lang. Pinili ko ang black jeans at black long sleeve at boots. Kinuha ko rin ang mask na pwedeng ipangtakip sa ibabang bahagi ng mukha ko. Okay na yun. Nakakatamad din na mamili eh.
Pagkatapos magbayad ay lumabas na ako, naglibot libot muna ako saglit para tignan ang mga shop. Nakatingin ako sa mataas na gusali sa gitna. Yun siguro yung palasyo. Luh! Astig ah.
Luminga linga ako para makahanap ng mabibiling pagkain. Naglakad ako at huminto sa isang tindahan ng mga lutong karne.
Ay bet ko to. Ito yung pinakain sa'kin ni tanda. Yummy.
"isa po nito" nagbayad ako bago kunin ang karne ng ibon. I think it's fried, sobrang bango niya at sobrang nakakatakam. Tumalikod ako at naglakad, i lick my lips and was about to bite when someone bump me kaya nahulog ang kakainin ko.
Ang ibon ko! Shutanamers!
"i'm sorry miss" inis ang nararamdaman ko habang nakatingin sa nasayang na pagkain.
"walanghiya!" mahinang sabi ko bago binalingan ng masamang tingin ang walanghiyang bumangga sa'kin.
"i'm really sorry-"
"palitan mo yan!" madiin kong sabi sa walanghiyang lalaki sa harap ko. Teka namumukhaan ko to eh.
"uh diba ikaw yung babae nung isang araw?" siya yung playboy. Naka hood din siya, nagtatago ba siya sa mga fangirls?
"sabi ko palitan mo yan!" napatingin naman siya sa nahulog bago balingan ang nagtitinda.
"o-okay, wait lang" sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makabili siya at inabot sakin. Mabilis kong hinablot ang karne at agad na kinagat.
"ako nga pala si Hozu, ikaw?" Tumalikod na ako at hindi ko siya pinansin.
Wala akong pake!
~~~
HOZU
Naglalakad lakad ako sa pamilihan para maglibot, i wore a hooded cape para hindi ako pagkaguluhan. Nakakairita kasi minsan ang sigaw nila. I was walking when i bump into someone. Oh great! Now what!
Napahinto ako at napatitig sa kanya na masamang nakatingin sa'kin. Siya yung babae nung isang araw. Ang ganda niya pala sa malapitan. Maybe i'll try this charm of mine to her. I want her to be mine, she's beautiful.
"ako nga pala si Hozu, ikaw?" nakangiti kong pakilala, pero tinalikuran niya lang ako nang hindi man lang nagpapasalamat.
Hunter ba siya? Mercenary? Iba kasi ang pananamit niya.
"wait!" sinabayan ko siyang maglakad hanggang sa huminto kami sa kabayo. Kinalas niya ang tali bago sumakay.
"w-wait, hindi ka pa nagpapakilala, i'm Hozu, and you are?" inubos niya muna ang pagkain bago bumaling sa'kin habang may matamis na ngiti. Yes that's it, i want that smile, be mine-
"hindi ko tinatanong at wala akong pakialam" she said sarcastically bago umalis.
What the heck! Did she just ignore me? This is the first time that some woman ignored me.
I can't help but let out a smile.
Interesting!
-
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...