*VINCENT*
"tell me Vince, anong ginawa ko kahapon?" It seems like she's not aware of her own body"nothing unsual" should i tell her what she did to Loki?
"really? But, it's not me. What did i do?"
"how did you know it's not you?" is she aware of it?
"uh, it's uhm. Forget it"
"are you sure i did nothing?" i sat beside her and held her hand.
"you actually did something" she stared at me clueless.
Yeah. Maybe i should tell her the things she did and worst thing she did...to Loki.
-
*ASTRED*
Napanganga ako sa sinabi niya."nak ng!" napasapo nalang ako ng noo nang marinig ang nangyare kahapon.
"i did that?!" He told me i did the unthinkable to Loki. Seriously? Sa dami ba naman ng hahalikan ko, bakit yung lalaki pa na yun. Sa kanya na naman?
I can't believe it. Should i say sorry?
"he's really angry" jusko po. Nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya. Sa lahat ba naman ng gagawin ng gumamit ng katawan ko, bakit yun pa.
"but it's not your fault" he's trying to calm me down.
"kahit na. Katawan ko kaya ang ginamit" nakakainis! Sino ba naman kasi yung gumamit ng katawan ko.
"who is it anyway" mahuli ko lang talaga siya.
"it's a fairy from Pixie Mountain. Her name is Ether" have'nt heard of her.
"Pixie Mountain?" should i ask Fern?
"should i help you? Hahanapin ko siya para sa'yo" umiling nalang ako sa sinabi niya.
"no need, ako na pupunta" ako ang hahanap sa kung sino man siya. Ni hindi man lang nagpaalam.
Humanda siya sa'kin.
-
*KADEN*
Nakakasira talaga ng araw ang lalaking yun. Gusto ko siyang patayin, hindi ko lang magawa at hindi ko alam kung bakit. Parang may pumipigil sa'kin."Kaden?" napahinto ako sa pagbaba ng hagdan at napalingon sa likod.
"yes?" lumapit siya at parang hindi mapalagay.
"itatanong ko lang kung anong gusto ng kuya mo?" huh? Gusto ni kuya?
"sorry, hindi ko alam kung anong tipo niya sa babae, wala pa kasi siyang nakakarelasyon" mukhang nabigla pa siya sa sinabi ko at agad na umiling.
"not that! G-gusto ko lang magsorry kahit wala akong alam sa nangyare. S-sinabi kasi ni Vince na may ginawa ako sa kanya" hala. Ang cute niya. Para siyang bata.
"bagay ba?" tumango siya kaya napaisip ako. Ano nga ba ang gusto ni kuya?
"hmm. Mahilig siyang mag-collect ng old things na may kinalaman sa ibang lugar. Gusto niya kasi na magtravel sa malayo. Mahilig din siya sa poisonous insects or animals though hindi siya nag-aalaga dahil delikado" yun kasi ang alam kong gusto niya.
"poisonous?" mukhang hindi niya alam.
"poison is one of his abilities" it's known to many pero hindi niya ginagamit. Masyado daw delikado.
"thanks, wag mong sasabihin sa kuya mo. Secret lang natin to" napatawa nalang ako at agad na tumango.
Ang cute niya talaga.
-
*ASTRED*
So, may poison siya. Nakakatakot. Baka sa sobrang galit niya sa'kin, lasunin nalang niya ako bigla. Naku po."old things?" mahilig siya sa ganung bagay? Gusto niya magtravel sa malayo? Alam niya kayang may ibang mundo? Baka kapag nalaman niya, gustuhin niya din na pumunta dun.
"can i come?" nilingon ko si Blaze habang inaayos ko ang sarili. Pupunta ako sa Pixie Mountain.
"no need, dito kalang. Behave ka lang Blaze. Wag na wag kang makikipag-away sa kanila. Control yourself, wag mo silang patulan" tanging tango lang ang sagot niya. Grabe, para akong nagpapangaral sa bata. Buti nalang masunurin siya.
"i'll be quick" lumabas na ako gamit ang air pillow. Sa bintana na ako dumaan para mabilis. Katamad dumaan sa pinto.
Hindi naman ako nagtagal sa ere, saglit lang naman dahil sa labas lang ng bayan.
"tanda?" walang tao sa loob kaya nagpunta ako sa likod at diretsong pumasok sa puno.
"and what're you doing here again?" mataray na bungad ni Fern. Kutusan ko kaya to.
"i wanted to ask you something" tinaasan niya ako ng kilay bago tumalikod. Sumunod naman ako hanggang sa loob ng puno.
"what is it?" grabe, ang taray niya. Siya ang bagay na katapat ni Lazeri.
"do you know someone named Ether?" tanong ko sa kanya.
"yes, why?"
"ginamit niya lang naman ang katawan ko. Nagising ako sa ibang kwarto" mukhang nagulat pa siya.
"sakit sa ulo talaga ang isang yun. Kaya pala nawala siya dahil ikaw naman ang ginamit niya" paliwanag niya.
Ginamit? Don't tell me hindi lang ako ang ginamit niya.
-
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...