ASTRED
Maaga akong nagising kaya nag meditate muna ako. I have to do my morning exercise, hindi ko pwedeng kalimutan ang meditation. I have to clear my mind.
Pagkatapos ng mediation ko ay nagsimula na kaming maglakbay. Baka sa isang araw pa kami makarating. Sana naman may dumaang kotse...ay karwahe pala, walang kotse sa lugar na to.
'ang bilis mo yatang matanggap ang lugar na ito' napabuntong hininga lang ako sa sinabi niya.
'mali ka, dahil hanggang ngayon, hindi ko matanggap na nakarating ako sa ibang mundo, mahirap para sa'kin ang magsimula sa mundong ito. Walang mahika ang mundo namin kumpara sa mundong ito na sinasabi mo'
'hmm, mahirap nga yun, pero magagawa mong magsimula kung may mahahanap kang tao na tutulong sayo para matanggap ang mundong ito'
Hindi na ako sumagot pa. Gusto kong makita ng mismong mata ko ang mahikang sinasabi nila, maliban sa hangin at dragon na nasa loob ko. My goodness, para akong mababaliw. Nasa gitna kami ng paglalakbay nang may maamoy akong amoy hayop. Napalingon ako at hindi nga ako nagkamali. May karwaheng dumarating. Huminto ito sa gitna ng daan.
"saan kayo patungo mga manlalakbay?" tanong ng isang matanda kasama ang isang bata.
"sa bayan po, maaari po bang makisakay?" magalang kong tanong. Tinitigan naman ako nito. Okay alam ko maganda ako.
"kung ganun, sige" magpapasakay ka rin naman pala, makatingin wagas? Mabait naman si manong driver.
"mukhang bago ka dito iha" puna ng matanda habang ang bata, nakatingin lang sakin.
"anak ko siya, sinundo ko pa siya sa bayan ng Fardo para ibalik sa bahay namin, naglayas kasi siya" wow si manong nagsinungaling.
"hay naku mga bata ngayon oh, nagtanan kaba iha?" grabe kayo ah, single kaya ako.
"ah heheh" alanganin kong tawa.
"kaya pala parang hindi pamilyar ang mukha mo" natatawang sabi niya.
Sumandal nalang ako at pumikit. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit nang nagising nalang ako dahil sa tapik.
"mataas na ang araw kaya magpahinga muna tayo at kumain, magpapatuloy tayo pagkatapos magpahinga" sabi ni manong driver nang makalabas kami.
Tumulong akong manguha ng kahoy para sa pagluluto. Yun lang ang magagawa ko dahil kakain lang naman ako at hindi ko marunong magluto maliban sa inihaw at prito, minsan sunog pa, hay naku, hindi ako biniyayaan ng talent sa ganyan. Pagkatapos ay naglakbay ulit kami...ay wow, naglakbay? Galing ah, tagalog na tagalog.
Pagsapit ng gabi ay huminto ulit kami para sa pagpapahinga. Kailangan din ng kabayo ang pahinga. Masyadong malamig ang simoy ng hangin dahil sa puro puno ang paligid.
"nilalamig kaba iha?" tumango nalang ako sa tanong ni manong driver. May sinenyas naman siya sa bata, tumango ang bata at lumapit sa'kin.
"bakit?" tinapat niya ang dalawang kamay sa'kin at may lumabas na mainit na hangin. Maya maya ay wala na akong nararamdamang malamig na dampi ng hangin.
"wow, ang galing mo naman, salamat" napangiti naman ang bata bago tumango at lumapit sa matanda. Astig ng magic niya ah.
"oh siya matulog na tayo at maaga pa tayo mamaya" kaya natulog na din ako. Gustong gusto ko ng maligo.
Madaling araw kaming nagising at nagsimula ulit maglakbay. Mataas na ang araw at naglalakbay pa din kami.
"malapit na tayo!" sigaw ni manong driver.
"sa gilid ng bundok nalang kami" wow parang 'para po!' lang ah, hahaha!, galing ah.
"maraming salamat po!"
"walang anuman, oh siya mauna na kami" kumawak pa ako bago sila makaalis.
"oh siya baka gusto mo munang magpahinga iha" napatango nalang ako at sumunod. Hindi ko mapigilang tumanaw sa isang malawak na kaharian. Kitang kita ang taas ng gusali. Medjo malayo ito sa loob ng kaharian.
"master!" napalingon ako sa tumatakbong batang lalaki at yumakap kay manong.
"kumusta? Naging maayos ba ang pag-iwan ko sayo?"
"opo, pinakain ko ang mga alaga nating hayop habang wala kayo" bago ako nilingon habang nakakunot noo.
"ah siya nga pala, siya si-" ay hindi pala alam ni manong ang pangalan ko.
"Red po" short for Astred nalang
"si ate Red, siya naman si Zali" pakilala niya sa'min.
"ako naman si Lexus" pakilala niya.
"oh siya tara na sa loob"
Malaki ang bahay niya pero hindi angkop sa suot niya. Me ganun?
"ang laki po pala ng bahay niyo?" dalawa lang ba sila dito? Kasi ang laki eh.
"hahaha salamat iha. Saan ka nga pala tutuloy, sabi mo hinahanap mo ang kapatid mo?" ay my goodness. I forgot about that.
"ah eh haha, hindi ko naisip yun ah" bulong ko.
"o nagsinungaling ka lang nung sinabi mong hinahanap mo ang kapatid mo?" gulat akong napabaling sa kanya na nakangiti lang sakin.
Lagot! Anong gagawin ko.
"ah, eh, ih, oh?" kinakabahan ako habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi.
"hindi ka galing sa mundong ito tama?" lalo akong nagulat sa sinabi niyang yun.
"p-paano niyo po n-nalaman?" kinakabahan kong tanong. Paano niya nalaman na galing ako sa ibang mundo.
"isa akong magician, naranasan kong maglakbay sa ibang mundo, mundo kung saan walang mahika at nabubuhay ang mga tao"
"p-po? G-galing kayo dun? Kung ganun pwede po bang sabihin niyo kung paano ako makakabalik sa mundo namin?" gusto ko ng makabalik sa'min at makita si dad.
"pasensiya na iha, pero hindi ko na magagawa yun" bigla akong nawalan ng pag asa.
"h-hindi niyo magagawa?" para akong pinagsakluban ng langit at lupa.
"pero may isang paraan"
Tila nabuhayan ako sa sinabi niya. Kahit anong paraan pa yan, okay lang basta makabalik ako.
-
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...