Chapter 26

1.1K 58 2
                                    

*ASTRED*
Naghihikab ako habang nakatingin sa harapan. Hindi ako nakatulog ng maayos, ewan ko ba, baka iniisip ako ni daddy.

"sumunod kayo sakin" tumayo na kami bago sumunod sa lalaking prof. Naghihikab ako habang naglalakad. Antok much.

Pumasok kami sa isang room. May mga nakahilerang mga weapons sa gilid. May circle arena sa gitna. Nagsiupuan na sila kaya umupo na rin ako. Dun ako sa likod pumuwesto, sa tago.

"physical combat ang gagawin natin ngayon. We need to improve your physical strength, each and everyone of you" nakapamewang pa siya habang umiikot sa gitna. Nasa harap ko pala sila. Pumuwesto ako sa pinakalikod na tago. Palihim akong humiga dahil antok na antok ako.

Bahala kang magsalita jan, basta matutulog ako.

Good mornight world!

-

*KEELAN*
Nakakatamad, bakit ba kailangan nun kung pwede naman kaming magsanay ng kami lang. Tss!

"i will paired you up"

Tsk! Nakakatamad.

"Kaden and Hozu!"

"oh yeah!" tss! Tuwang tuwa pa siya.

"ayoko sa'yo" pareho silang siraulo.

"Zameah and Kiera!"

"Keelan and Kairo!"

As usual, lagi ko siyang katapat.

"Lazeri and Red!"

Tsk! That woman.

Hindi nalang namin pinansin hanggang sa matapos siyang magsalita.

"where is she?" tanong ni Lazeri.

"humanap kayo ng lugar para sa combat traning niyo. I will be watching you all kaya umayos kayo!"

Hay naku naman.

"as usual" bored na sambit ng kaharap ko. Napaismid nalang ako bago hinanda ang sarili.

"WHY THE HELL ARE YOU SLEEPING IN MY CLASS!" napalingon kami lahat dahil sa sigaw nung instructor.

"she's sleeping?"

"i can't believe it"

"may gana pa siyang matulog sa klase?"

"walang galang"

Kaya pala. She's sleeping at the back.

"wake up!" tsk! May gana pa siyang matulog.

"i'm sleepy" naupo siya at kinuskos ang mata bago humarap samin. Binalingan niya ng tingin ang inatructor na kulang nalang ay sumabog sa galit.

"GO TO YOUR PARTNER!" sinundan niya lang ng tingin ang instructor bago nilibot ang tingin.

"ikaw?" ismid niyang sambit kay Lazeri na inirapan lang siya.

"heads up!" nilingon ko si Kairo bago umilag. Tsk! Nawala ako sa focus.

Bwisit kang babae ka!

-

*ASTRED*
Naghihikab kong hinarap ang partner ko daw kuno. Jusko po, sa lahat ba ng mapupunta sakin ito pang babaeng to. Ang malas ko naman.

"why are you still standing?" tss, ang arte niya.

"do you want me to lay on the floor then?" mukhang nainis naman siya habang nakatitig sakin.

"you bitch! I swear i'll beat the hell out of you" mukhang galit na galit talaga. Ayaw na ayaw niya sakin ah.

I ready myself when she threw a punch. Wow ang lakas ng suntok niya. Ramdam ko yun nung sinalag ko.

"what'a wrong bitch?!" tsk! Hindi ko ganun kababaw para magalit sa simpleng salita niya lang. Asa naman siyang magagalit ako pag sinabihan niya akong bitch.

"wag mo akong gamiting salamin" mukhang nainis naman siya bago ako pinaulanan ng suntok pero iwas lang ako ng iwas.

"iiwas ka nalang? Duwag ka!" halatang inis na inis na siya dahil sa hindi niya ako matamaan. Hay naku naman. Pansin kong bumilis ang galaw niya at hindi ko napansin ang pagtama ng paa niya sa sikmura ko.

"chikushō!" napahawak ako sa tiyan habang nakahiga.

'master!'

'anong problema kaibigan?'

Hindi ko sila pinansin at dahan dahan na tumayo.

"ang hina mo naman pala. Walang lugar ang katulad mong mahina sa mundong to" tss, hindi nga ako taga-rito ah.

Napangisi nalang ako ng sumugod siya. Umiwas ako bago hatakin ang kamay niya at binalibag siya.

I've learn different kinds of martial arts, bitch.

"argh you bitch!" umatras ako habang nakatingin sa kanyang dahan dahan na tumatayo.

"i'll kill you" wow ah, super duper galit na galit na siya.

-

*LAZERI*
Kumukulo ang dugo ko sa babaeng to. I admit malakas siya. Hindi ko pa rin nakalimutan ang nangyare sa cafeteria. Alam kong may madadamay kung naituloy niya yun. Malakas siya ah.

Napakuyom ako ng kamao bago umatake, pero iwas lang siya ng iwas. Lalo pa akong nainis pag nakikita ko ang mukha niyang parang walang emosyon. Suntok at sipa ang ginagawa ko pero nasasalag niya lang. Hindi ko alam kung iniinis niya ba ako o wala lang siya sa mood para lumaban.

"bwisit ka!" mukhang nainis naman siya bago tinitigan ako ng malamig. Mabilis ang pangyayare at naramdaman ko nalang na nakaluhod ko habang nasa likod ang kamay ko na mahigpit niyang hinahawakan habang ng isang kamay niya naman ay nasa lalamunan ko.

"ang ingay mo, nakakarindi ang bunganga mo daldal ka ng daldal, isang dada mo pa sisiguraduhin kong matatanggalan ka ng lalamunan" shit! Mukhang hindi siya nagbibiro. Ramdam kong lumapat ang kuko niya sa leeg ko at lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"that's it for today!" pabalya niya akong binitawan bago naglakad palayo. Tsk!

Bwisit!

May araw ka rin sakin!

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon