*UNKNOWN*
Inayos ko ng gamit para makabalik na ako. I miss home. Masyado na yata akong natagalan kakagala kung saan saan. Siguro panahon na para bumalik na ako."eto ang bayad" kinuha ko ang maliit na bag na may lamang pera.
"salamat" kinuha niya ang oso bago umalis. Sinakbit ko ang bag bago nagsimulang maglakad.
Ganito lang ako. Gala, pasyal sa ibang bayan. Nanghuhuli ako ng mga hayop kapalit ng pera para may magamit ako sa paglalakbay. Hindi ako mahirap, sadyang gusto ko lang na gumawa sa sarili kong paraan para mabuhay.
Lumapit ako sa kabayo at kinalas ang tali bago sumakay. I have a power of speed and strength pero ayokong gamitin, mapapagod lang ako. Malayo pa naman ang lalakbayin ko.
I'm coming home fuckers!
-
*ASTRED*
"finally, a peace!" nakapikit ako habang nakahiga sa kama sa buhanginan.I'm at Healianthus, my safe haven. Ang sarap magpahinga. Tahimik, walang maingay na bunganga ng Lazeri, walang kahit ano. A peace it is. This is life!
Hindi ko alam kung gano katagal akong nandito at wala akong pake. Masarap ang hangin, samahan mo pa ng magandang araw.
"Blaze" nakapikit pa rin ko.
'master'
Rinig kong sambit ni Blaze sa tabi ko. Langhiya! Humiga ba siya sa kama ko? Naglagay kasi ako ng kama para pwede kong higaan. Naglagay din akong mga pagkain para kung sakali man. May damit din ako. Magtayo kaya ako ng bahay para masaya noh? Para dito na lahat. Harhar!
'nakakalungkot, hindi ako makalabas'
Napaupo ako at sinuklay ang buhok. Jusko po, nagtampo siya. Ang laki niya eh, hindi ko siya pwedeng ilabas. Humilig ako ng higa kay Blaze. Ang lambot ng balahibo niya. Kung pwede lang silang maging tao...wait!
"oh nice!" bakit hindi ko naisip yun!
'bakit master?'
'anong problema kaibigan?'
Nakangisi akong nakaharap sa araw. Alam ko na. Tumayo ako at inayos ang suot. Pinabalik ko si Blaze bago lumabas ng Helianthus.
'may problema ba master?'
Takang tanong ni Blaze na ikinangisi ko lang.
"nothing, pupuntahan natin si Tanda" binuksan ko ang bintana at bumungad sakin ang dilim. Gabi na pala. Gano ba ako katagal nandun. Wapakels!
'anong gagawin natin dun?'
Hindi ko siya sinagot at nilibot ang paningin kung may tao. Nang makasigurong wala ay ginamit ko ang hangin para makalipad. Mabilis ang paglipad ko kaya mabilis akong nakalabas papunta sa bahay ni tanda. Kumatok muna ako at agad naman na bumukas.
"ate!" napayakap naman si Zali ng makita ako.
"anong ginagawa mo dito gabi na" tanong ni tanda. Narinig yata ang lakas ng boses ni Zali.
"may itatanong lang ako tanda" pumasok ako at umupo kaharap siya hinihintayang sunod kong sasabihin.
"mukhang importante yan"
"pwede bang ilagay si Blaze sa katawan ng tao?" napakunot ang noo niya at parang nagtataka.
"hmm, pwede naman pero medjo matagal ang proseso para ilipat siya sa katawan ng tao...mali, dahil dapat ay isang puppet na katawan siya ilalagay" puppet?
"gano katagal? Para makasama ko siya sa school, ayaw daw niya na lagi sa loob" nagmamaktol eh.
"depende, isang buwan o higit. Depende sa lakas niya" ay ganun? So kung si Dromir aabutin ng ilang buwan? Naku po.
"okay lang tanda, basta mailagay siya sa katawan, para naman may makasama ako. Boring yung mga estudyante dun, isama mo na rin yung mga kasama ko sa dorm" hay naku.
"sige" ay wow, ang haba ng sagot.
"okay, uwi na ako"
Lumabas na ako bago ginamit ang hangin pabalik. Hay naku po. Wala bang magic carpet? Yung ganun kay alladin.
-
*LEXUS*
Nakatingin lang ako sa kanya na papalayo gamit ang hangin. Naglakad ako papasok sa puno. Rinig ko pa ang pagtatalo nila sa loob. Hay naku, wala na talaga silang pag asa."master!"
"may masamang balita?"
Ano namang masamang balita yan.
"ano yun?" naupo muna ako kaharap silang dalawa.
"nawawala ang dragon!" gulat akong nalatingin sa kanila.
"anong ibig niyong sabihin na nawawala?" panong mawawala yun.
"nawawala ang sealed dragon master, at hindi namin alam kung paanong nangyare. Galing ako kanina sa palasyo at pinag-uusapan nila ang pagkawala ng dragon" napaisip ako sa sinabi niya. Paanong mawawala ang dragon.
"may fluctuation na naganap ulat ng magicians na nangagalaga ng barrier. Saglit lang yun pero malakas daw. Nung pinuntahan nila, sinabing may protective barrier pa pero wala na ang dragon sa loob" imposible!
"anong gagawin natin master? Siguradong naghahanda na ang palasyo sa posibleng mangyare" napapikit ako habang iniisip ang posibleng mangyare.
Imposibleng mawala ng ganun ang dragon kung gayong may protective barrier pa. Panong mawawala yun. Sana nakita namin, masyadong malaki ang dragon para hindi mahalata ng mga tao.
"panong nakawala ang dragon na yun na hindi nakikita ng kahit na sino?"
Pano nga ba, at sino ang may kagagawan.
-
*KING ARSENO* -Loran King-
"mahabaging langit, paano nangyare ang ganito!""pano mawawala ang napakalaking dragon sa isang mahika!"
"tama yun, imposibleng walang makakakita sa sobrang laki niya?"
Nakahawak lang ako sa sentido habang nakikinig sa mga konseho na nagtatalo. Nakarating sakin ang balitang nawawala ang dragon sa loob ng protective barrier sa Cave of Chaos.
"at walang ideya ang mga magicians kung kelan siya nawala"
"pero may protective barrier pa"
"sa tingin niyo ba sila ang may gawa?"
"siguradong kagagawan ito ng haring iyon!"
"anong gagawin natin mahal na hari?"
Napkatitig lang ako sa kanilang lahat na nasa pabilog na lamesa. May mga nagtatanong na tingin, nagtataka at tila nababahala.
"maghahanda tayo, hanapin ang nawawalang dragon, hindi natin hahayaang mangyare ang nasa libro. At kung kagagawan man ito ng haring Hades...mas lalong mapanganib para sa'tin"
"hindi dapat makalabas ang balitang to"
Muli na namang nagkagulo ang konseho. Masyadong delikado para sa emperyo kung sakaling nasa kamay ng hari ng Krad ang dragon.
Hindi ko hahayaang mangyare ang nakasulat sa libro. Mapapatay ko muna ang dragon na yun bago siya makapaghasik ng lagim.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...