Chapter 6

1.5K 76 1
                                    

ASTRED

Napamulat ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Tumayo ako at nag inat.

"nagugutom ako" nakakagutom ang ganito.

'itinago ko ang presensiya mo'

"huh? Bakit?"

'masyadong mapanganib ang lakas ko at alam kong may makakaramdam nun'

"okay" yun lang ang sabi ko at nagtuloy sa paglalakad. Puro puno ang nakikita ko. Wala man lang bang bahay na pwedeng tuluyan.

"maliban sa kapangyarihan mo, malakas din ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya bago ako kumuha ng maliit na sanga bago isubo. Ipapang tinga ko, hahaha yuck!

'oo, nararamdaman ko kung mapanganib sila at hindi' wow ah, astig.

"wow ah, ako may hyperosmia"

'ano yun?' ay oo nga pala, matanda ang kausap ko.

"malakas ang pang amoy ko" malakas ang pang amoy ko kumpara sa ibang tao.

'kahanga hanga ka talaga binibini' of course!

Napahinto ako ng may maamoy akong mabango at malamig.

'anong problema binibini?'

"tubig, may naamoy akong tubig" lumihis ako ng daan at sinundan ang amoy, hindi naman ako nabigo nang bumungad sakin ang malaking lawa na sobrang linaw, kaya dali dali akong lumapit at uminom dahil uhaw na uhaw na ako sa sobrang layo ng paglalakad ko.

"wah! Success!" napalingon ako sa likod nang may marinig na kaluskos. Lalapit na sana ako ng may lumabas na lalaking may dalang dalawang ibon.

"sino ka?" takang tanong niya. Kasing edad lang siya ni papa kung titignan. Parang 50's. Kulay abo ang buhok niya, ordinaryo ang suot niya at may dala din siyang bag at tungkod. Kung may sistema man sila dito, paniguradong isa siyang commoner.

"sino ka po?" kahit ganito ako eh magalang ako sa nakatatanda. Napatingin ako sa hawak niyang dalawang ibon.

"isa akong manlalakbay. Ikaw iha, anong ginagawa mo dito at sino ka? Hindi mo ba alam na delikado ang mag isa sa gubat kahit umaga?" tanghali na kasi eh.

'hindi siya masamang tao binibini' sambit ni Dromir kaya napangiti nalang ako.

"naliligaw po kasi ako, hindi po ako taga rito" magalang kong sagot habang nakatingin sa hawak niya. Nagugutom na ako promise, parang ang sarap ng karne ng ibon.

"nagugutom ka ba iha?" bumaling ako sa kanya at agad na tumango.

"kung ganun lutuin na natin ito at sabay tayong kumaen. Tamang-tama at nagugutom na din ako" naupo ako habang siya nanguha ng kahoy at nagpaliyab, nilinisan niya rin ang ibon bago idarang sa apoy.

"delikado ang mag isa lalo na at babae ka pa" napatango nalang ako habang nakatingin sa karne ng ibon. Kanina pa ako nagugutom promise.

"saan ka ba nagmula?" patay!

'Dromir, anong sasabihin ko?' tanong ko sa isipan.

'sabihin mong nagmula ka sa bayan ng Fardo'

"s-sa bayan po ng Fardo" alanganin kong sagot na ikinakunot niya ng noo.

"masyadong malayo ang bayan na iyon dito iha, paano ka nakapunta dito ng mag isa? Masyadong delikado ang maglakbay"

'sabihin mong naligaw ka sa mga kasama mo at may kasama kang mangangalakal at manlalakbay'

"uhm, may kasama po kasi ako, mga manlalakbay at mangangalakal, kaya lang po, naligaw ako at hindi ko na sila makita" pagdadahilan ko habang nakayuko. Sinungaling mo Red.

"ay ganun ba? Naku, mahirap nga yan iha. Saan ba ang tungo mo at baka matulungan kita?" ay ang bait ni manong.

'sa bayan ng Loran dahil hahanapin mo ang kapatid mo'

"sa bayan po ng Loran, hahanapin ko po kasi ang kapatid ko, matagal na po kasi siyang hindi umuuwi" jusko po! Hindi ko na kering magsinungaling.

"tamang tama, papauwi na din ako, sa bayan na yun ako nakatira, sumama kana sa'kin pagbalik ko"

"ahaha, naku salamat po" buti nalang mabait.

"luto na ito, kainin mo na" napangiti ako bago kinuha ang inihaw na ibon. Napakabango nito, hindi na ako nagdalawang isip at kinain nalang.

"wooow ang saraaap!" napatawa nalang ang matanda bago kinain ang hawak niya.

"kakaiba pala ang ganda ng kababaihan sa bayan na yun" napaubo naman ako dahil sa sinabi niya.

"a-ahahah opo" sagot ko nalang. Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing ako sa ibang mundo, baka sabihin niya nababaliw ako.

Pagkatapos namin kumaen ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa bayan na sinasabi niya. Pakiramdam ko naman kay manong eh hindi naman siya masamang tao.

Nami-miss ko na ang daddy. Ano kayang ginagawa niya? Hinahanap niya kaya ako? Baka mamaya umiiyak na siya. Huhuhu! Sorry daddy naiwan ko kayo. Sa ngayon hindi pa ako makakabalik, may lintik kasing humatak sa'kin papunta dito! Nami-miss ko na si Vince at Vlami, huhuhuhu! My bestfriends! I'm here, naliligaw at hindi alam kung san lupalop ng mundo ako naroroon.

'anong dahilan at malungkot ka?' tanong ni Dromir.

'nami-miss ko ang aking ama, naiwan ko siya at hindi man lang nakapagpaalam'

'hay, problema nga yan' echosero ka din eh, tatanong tanong eh hindi naman makakatulong.

"maggagabi na, mabuti pa at bilisan na natin para makahanap ng matutulugan ngayong gabi" sambit ni manong.

Nakahanap kami ng matutulugan, puro kakahuyan, bahala na. Naupo muna kami bago niya nilapag ang bag at nagsindi ng apoy.

Nakahiga ako sa damuhan dahil gabi na, malapit ako sa apoy para hindi ako lamigin mahirap magkasakit, walang doctor dito. Nakatanaw lang ako sa malawak na kalangitan, wow! Lalim ng tagalog ah. Nakakahawa ang tagalog nila.

"manong, gaano po katagal bago makarating sa bayan?" tanong ko kay manong na nakasandal sa puno habang may inaayos.

"mga dalawang araw pa" gulat naman akong napalingon sa kanya.

"dalawang araw?" dalawang araw kong isusuot ang damit ko at maglalakad ng pagkalayo-layo? Wala man lang sasakyan?

"oo iha, mas mabilis kung may kabayo ka" ay horsey-horsey? Parang sinauna lang ah.

"uuwi po ba kayo sa pamilya niyo?" tanong ko.

"wala na akong pamilya iha"

"ay pasensiya na po" ang daldal mo Red.

"naku okay lang iha, ikaw ba, naasan ng pamilya mo?" bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya.

"ama ko nalang po ang meron ako, iniwan na po kasi kami ni mama" malungkot kong sabi. Miss ko na si papa, nakakakain kaya siya ng maayos? Nakakatulog?

"pasensiya na iha"

"naku okay lang po yun, tsaka kapatid ko din, sila nalang ang meron ako" langhiya! Muntik ko ng makalimutan na sinabi kong may kapatid nga pala ako.

"oh siya, matulog kana para maaga tayo bukas" ilang minuto pa akong nakatingin sa langit bago napagpasyahang pumikit.

I miss my daddy.

-

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you!

Journey To Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon