ASTRED
Nakaharap ako sa salamin habang inaayos ang uniform. White long sleeves, gray tie, checkered yung kwelyo na may gold pin, pabilog lang at walang kahit anong design, checkered din yung skirt. Two inch above the knee. Gray blazer. May emblem yung ibaba ng tie. Coool! Sinuot ko yung boots ko na black, wala lang, ayuko lang suotin yung may heels nilang shoes. Nakalugay lang ang buhok ko, naka-braid yung gilid.
Lumabas ako at naabutan ko si tanda na nagkakape sa labas.
"alis na ko tanda" wala akong bag. Ipapadala nalang daw ni tanda mamaya yung gamit ko since may dorm daw dun.
"here" kinuha ko ang inaabot niya. A gold ring, walang design, simple lang.
"what's this?"
"a present, kung sawa ka na sa loob ng academy, jan ka pumunta" huh? Hindi pa nga ako pumapasok magsasawa agad? Advance si tanda.
"here let me show you" kinuha niya ang singsing at sinuot.
"wooow!" bigla kasing lumaki yung singsing at parang naging pintuan. Pumasok siya kaya sumunod muna ako. Namangha ako sa bumungad sa'kin.
"this is Helianthus, the never ending sunset" nakatanaw lang ako sa malawak na sunflower field. May dagat.
"wow! Never ending sunset? Ang cool nun tanda!" nilibot ko ang paningin. Wala na akong makita maliban sa malawak na sunflower field at sunset.
"sure ka tanda? Sa'kin na to?" natawa naman siya at tumango.
"take it as a present" hindi ko tatanggihan yan. Pero ang cool ah, never ending sunset.
"thanks tanda" pagkatapos ay lumabas na din kami, i wore the ring bago naglakad paalis.
"ipapahatid na kita" maya maya ay may karwahe na huminto, wow ah, chochal, hindi tulad ng karwahe na sinakyan namin. Pang sosyal to.
"mag iingat ka" kumaway nalang ako bago sumakay. Ilang minuto lang ay huminto ang sasakyan kaya bumaba na ako. Umalis na ang karwahe ng hindi ko man lang namamalayan dahil nasa harap lang ang tingin ko.
Ay wow mga bes, sobrang laki naman pala ng school nila. Mataas yung bakod at gate. Mukhang palasyo ang Academy.
"miss Red?" mabilis akong napatingin sa likod ko dahil sa gulat.
"Oh my gosh! You scared me" Napakamot nalang siya ng batok. In fairness, gwapo siya. Nerd? May salamin eh.
"pasensiya na, hinihintay na po kayo ng Headmaster" bago naglakad kaya sinundan ko lang siya.
Luminga linga ako. Madaming estudyante ang nagkalat, buti nalang walang pakialam sa presensiya ko. Na amaze ako mga bes, may lumilipad gamit ang walis, langya! Lupet. Yung iba naglalaro ng tubig sa fountain, may iba naman nagtatawanan, may naglalaro ng apoy, seriously? Naglalaro ng apoy?
Sinundan ko nalang ang lalaki hanggang sa tumapat kami sa isang pinto.
"pasok na po" binuksan niya ang pinto kaya pumasok na ako, pagpasok ay sinarado niya na din agad ang pinto. Humarap ako sa matandang lalaki na nakasuot ng salamin habang busy sa pagsusulat.
"sit down miss" umupo ako sa upuan sa tapat ng lamesa. Nilibot ko ang paningin, normal lang naman. Maganda.
"miss Red?"
"yes po?" matamis kong nginitian si tanda-ay este, si Headmaster pala.
"Lexus told me about you" napatango nalang ako sa sinabi niya. Ano bang sasabihin ko? Wala.
"weird" kunot noong sabi niya habang nakatingin sa'kin. Sumandal siya sa upuan niya habang nakakunot noo.
"b-bakit po?" matunaw ako tanda.
"i don't feel anything. What is your gift?" gift? Kailangan ba may regalo kapag pumasok dito? Bakit hindi naman ako na-inform.
"i mean what is your ability?" napansin niya siguro yung pagtataka sa mukha ko.
"apoy po" magalang dapat, matanda tong kaharap ko eh. Luh! Parang ginalang ko si tanda ah.
"ah, okay" may kinuha siya sa drawer na papel at inabot sa'kin.
"your schedule and dorm" inabot niya din yung susi. Okay? Nasa papel lang ang tingin ko nang bumukas ang pinto.
"headmaster?" ay magkaiba dun sa mortal world. Subject kasi nila may training(physical and magic) may ganun?
"Astred?"
"ano po tanda?" napatakip naman ako ng bibig dahil nadulas eh.
"ah eh, pasensiya na po Headmaster" napakamot nalang ako ng batok. Daldal mo Red.
"ayos lang. Siya nga pala ang maglilibot sayo sa school" napatingin ako sa lalaking nakatingin lang sa'kin. Familiar yung mukha niya.
"ikaw na bahala sa kanya"
"yes Headmaster" sagot nung lalaki na kung makatingin wagas.
"sige po" lumabas na ako kasunod ang lalaki. Nakatingin lang ako sa papel na hawak ko. Taray bes.
"miss?" kunot noo kong nilingon yung lalaki. Ay wow, may kasama pala ako. I forgot na.
"bakit?"seryoso kong tanong.
"you don't remember me?" tinaasan ko lang siya ng kilay at hinagod ng tingin ang kabuoan niya.
Sino siya?
"i'm Hozu? Dun sa bayan?" i snapped my fingers at tinuro ko sa kanya.
"you remember?" wow ah, masaya lang?
"hindi" sagot ko bago naglakad nalang. I heard him curse pero tuloy tuloy lang ako.
"hindi mo talaga ako matandaan?" i face him with my dull expression at tinitigan siya sa mata.
"hindi kita kilala at hindi kita gustong makilala" sagot ko bago nagpatuloy lang sa paglalakad. Pero familiar siya eh...aahh, yung playboy na kasama nung malamig na guy. Kaya pala familiar.
"interesting" rinig ko pang sabi niya pero wala akong pake. Nilibot ko lang ang paligid. Okay masama ang tingin ng ibang babae, parang papatayin ako.
~~~
HOZU
This woman is really something. She doesn't remember me? My charm wont work on her either. Nice, she's not like other women.
Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa mapahinto siya. Sinundan ko ang tinitignan niya.
"that's a mythical lion" nakatingin kasi siya sa leon na gumagala, may pakpak kasi. Madami silang naglilibot sa buong school. Humarap siya sa'kin gamit ang walang ekpresyon niyang mukha.
"tinatanong ko ba?"
Wow. My charm didn't work on her.
Really interesting.
-
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...