*ASTRED*
"what should i do then?"Nandito kami sa Headmasters office. Inuulat yung tungkol sa failed mission. Wala kasi si Headmaster nung dumating kami kaya hindi namin nasabi yung tungkol sa mission.
"pakawalan niyo na siya. Mali yung information niyo" saad ni Gran sa tabi ko.
"what do you mean?" takang tanong niy Headmaster
"it's a witch, Headmaster, at kilala niya si Red" sagot ni Lazeri na parang gusto na naman akong masisi dahil sa nangyare. My goodness.
"witch?"
"her name is Kaneia"
-
*HEADMASTER*
Kaneia?Anong ginagawa ng alagad ni Hades dito. Ngayon nalang ulit siya nagpakita. At bakit niya kilala si Red.
"kilala ka niya?" tumango lang siya sa tanong ko.
"don't ask anymore, hindi ko din alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko" walang galang tong batang to.
Pero paano nga ba niya nakilala si Red.
"okay. Bumalik muna kayo" sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makalabas sila.
"Kaneia" bulong ko nalang.
Anong ginagawa ng alagad mo dito Hades. I'm sure na inutusan mo siya dahil hindi gagalaw si Kaneia kung wala kang sinabi. Anong kailangan mo sa kanya, Hades.
That King is so unpredictable.
"masyadong malalim ang iniisip mo" napalingon ako sa bintana.
"baka magkasakit ako sa puso sa ginagawa mo" naiiling kong sagot bago sumandal.
"hm" mukhang may problema.
"tungkol dun sa batang pinasok mo" lumapit siya at naupo sa sofa.
"what about her" napaka-seryoso ng matandang to.
"kilala siya ni Kaneia" walang nagbago sa hitsura niya.
"sino ba ang batang yun?" hindi siya sumagot ang malalim na nagbuntong hininga.
"she's her daughter" her daughter? Sino ang tinutukoy niya. Alam kong may alam siya. Bakit ayaw niyang sabihin.
Ano bang tinatago niya.
-
*ASTRED*
Nandito ako sa bahay ni tanda. Sinundo ako ni Zali dahil may sasabihin daw si tanda. Malay ko kung ano."ano ba! Ako ang maganda!"
"ako sabi!"
Rinig kong pagtatalo nila habang papasok ako sa loob ng malaking puno.
"problema niyo?" napahinto sila at napalingon sa'kin bago kay tanda na seryoso lang na nakaupo.
"what?" para silang timang kung makatingin. Ang weird nila.
"we need to talk" bakit sobrang seryoso yata ni tanda.
"okay?" nilingon ko pa ang dalawa na nagkibit balikat lang.
Sumunod nalang ako kay tanda hanggang sa makarating kami sa tapat ng falls. Ang tahimik ng paligid at ang tanging ingay lang ay ang lagaslas ng tubig.
"ang seryoso mo tanda" nakakatakot siya.
"i've been to the Cave of Chaos a few days ago" nabato ako sa kinatatayuan at ramdam ko ang kabang namumuo sa dibdib ko.
"h-huh?" imposibleng malaman niya.
"tell me, Red" humarap siya habang nakaseryoso pa din. Lalo akong kinabahan sa sunod na sinabi niya.
"galing ka sa loob nun hindi ba?"
Chikushō!
'mukhang alam niya ang tungkol sa pagkawala mo Dromir'
'hindi malayo, matalino siyang tao at malakas ang pakiramdam niya, kaibigan'
Sagot ni Dromir sa loob ko.
"huh? Pano naman ako makakapasok dun?" sige Red, magsinungaling ka.
"alam mo bang delikado ang pagpasok dun? Remember Red, i saw you there, malapit sa bundok na yun" ay oo nga pala.
"u-uhm, yeah, pero hindi ako pumasok dun" i swear talaga.
"paano nawala ang dragon ng wala man lang nakakakita. Imposibleng makaalis siya sa lugar na yun gayong may barrier pa na nasa loob nun" naku talaga naman.
'sasabihin ko ba?'
'pwede naman. Mukhang mapagkakatiwalaan mo naman siya'
Sagot ni Blaze.
"magsabi ka ng totoo. Ikaw ba ang may gawa nun?"
Napabuntong hininga nalang ako. I surrender.
-
*LEXUS*
Siya lang ang pinaghihinalaan ko."okay fine, i surrender" siya nga.
"yes, i'm the one who did it"
"paano mo nagawa yun? Nasaan ang dragon?" paano niya nagawang pakawalan ang dragon.
"he's inside me...kasama ni Blaze"
"what?!"
"it's actually quite simple. Nagising nalang ako sa loob ng kweba kung saan nakakulong si Dromir. Nakita ko siya"
Nakakamangha. Mukhang namana niya ang pagiging matapang sa kanyang ina.
"delikado ang ginawa mo Red. Halimaw ang dragon na yun. Malakas siya dahil ilang libong taon na siyang nakakulong" napangiwi pa siya sa sinabi ko.
"believe me tanda, hindi siya nakakatakot...nakakainis siya, sobra" naiiling niyang sagot bago naupo.
"nakakainis?" naupo ako sa tabi niya habang nakatanaw sa tubig.
"alam mo ba kung anong ginawa niya sa'kin?" napalingon ako sa kanya. Para siyang naiinis.
"anong ginawa niya" posible bang may ginawang masama ang dragon na yun sa kanya.
"pinasakit niya lang naman ang tenga ko dahil sa kakaiyak niya. Lahat yata ng hinaing sinabi niya sa'kin. Sige nga, paano naging nakakatakot yun? Eh napaka-iyakin niyang dragon"
Iyakin? Umiyak ang dragon?
"paano mo siya napakawalan?" hindi ko yata maisip yun.
"ah, hindi ko alam. Siya ang unang naging kaibigan ko at ako daw ang unang kaibigan niya, tapos nilapat ko lang ang kamay ko sa barrier, tapos yun. Nagising nalang ako sa labas ng bundok" nakakamangha ang batang to. Matapang.
"may kaparusahan ang ginawa mo, Red" mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
Mukhang lalong magiging delikado ang batang to. Delikado kapag nalaman ng Hari na siya ang nagpakawala ng dragon.
Malaking responsibilidad ang nakapasan sa balikat niya.
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...