*ASTRED*
Naalimpungatan ako nang maramdaman na parang may maliit na tumutusok sa pisngi ko. Hindi naman siya masakit."hmm!" tumagilid ako ng higa pero mat tumutusok talaga eh.
"ay tulog na tulog"
"wag mo kasing gisingin"
"hapon na. Kailangan niyang umuwi, baka iwan siya ng karwahe"
Dahan-dahan akong nagmulat at nilingon ang maliliit na boses na sobrang iingay.
"buti naman gising ka na" bungad ni Blue kasama ang dalawa pa.
"hmm" tanging sagot ko at naupo. Nag-inat ako at naghikab.
"hapon na. Umuwi ka na" sabat ni Pink.
"hindi ka ba pumasok?" umiling nalang ako bilang sagot bago tumayo at nagpagpag.
"uwi na ako" inaantok kong sambit sa kanila bago naglakad palayo. Buti alam ko pa ang sagot.
Naghihikab akong naglakad pabalik sa dinaanan ko kanina. Napahinto ako dahil na naman sa lalaki kanina. Naglalakad siya palayo kasabay ang iba maliban kay Loki.
Familiar talaga. Pati tindig at lakad. Kaya pala...langya kang lalaki ka. Nandito ka pala?
Siraulong Gran.
Naniningkit ang mata kong sinundan ng tingin si Gran habang kasabay niya ang iba. Lalakad na sana ako ng makaramdam ako ng hindi kaaya-ayang pakiramdam. Parang ang sama.
Nilingon ko ang kabilang hallway. Napakunot-noo akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung masama ba siyang nakatingin sa'kin o talagang ganun lang siya tumingin. Ewan ko.
"quit staring. It's irritating" malamig niyang sabat bago ako nilampasan.
"tsk!" i'm just admiring his eyes. Kala mo naman kung sino. Bawal tumingin sa kanya? Famous ang lintik.
Kuso yarō!
Hindi ko mapigilang pasadahan siya ng tingin. Matangkad siya. Maganda ang katawan. Mukhang mas maganda pa sa mga katawan ng mga ka-partner ko sa photoshoot. Malakas ang appeal, kaya kahit sobrang lamig niya habulin pa rin ng mga bubuyog. Tsk!
"araynaman!" napahawak ako sa ilong ko bago siya tignan ng masama. Nakatalikod siya sa'kin. Nauntog lang naman ako sa likod niya. Mukhang masyado yata akong naaliw kakatingin sa kabuuan niya. Hindi ako manyak ah.
"tsk! Pwede bang wag kang sumabay?" tinagilid niya ang ulo niya. Tangos ng ilong besh. Gwapo.
"nasa likod ako, wala sa tabi mo" sagot ko bago siya lampasan. Hinimas ko ang ilong ko habang naglalakad. Pag ako talaga napango. Who you ka sa'kin! Charring lang.
"tsk!" rinig kong sagot niya. Malapit na ako sa labas nang huminto ako. Itanong ko kaya kung bakit bawal tumingin sa mata niya.
"may tanong ako-" humarap ako sa kanya pero agad rin na napahinto. Dahan-dahan kong inangat ang tingin hanggang sa nasalubong ko ang titig niya. Malamig lang ang titig niya. Nakakatakot. Parang kaya niyang pumatay.
"i said, quit staring" pati boses niya malamig. Hindi ako nakasagot at napatitig nalang sa mga mata niya. Those deep black emotionless eyes. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero bigla ko nalang naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya.
"i said-"
"how can they be so beautiful?" kita ko pa ang gulat sa mukha niya pero agad na bumalik sa pagkaseryoso.
Bakit sobra akong nagagandahan sa mata niya?
Nakakainggit.
-
*KEELAN*
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung anong nangyayare...pero parang ayoko ng iwasan ang titig niya."kainis!" nakanguso niyang sagot bago tumalikod at naunang naglakad.
Bulong siya ng bulong pero hindi ko marinig. Nagpapadyak pa siya ng paa na parang naiinis. Anong problema ng babaeng to.
"sana all maganda ang mata. Makayamot!" rinig kong bulong niya bago lumiko ng daan. Huminto ako at sinundan siya ng tingin. San pupunta yun?
"where are you going?" napahinto naman siya sa tanong ko bago bumaling sa'kin.
"uhh...home?" bakit parang hindi siya sigurado.
"tsk!" nagpatuloy ako sa paglalakad at naramdaman ko nalang siya sa tabi ko.
"pwedeng makisabay?" hindi ako sumagot ang nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa karwahe. Mukhang kanina pa siya naghihintay.
"ang tagal mo kuya" hind ko sinagot si Kaden at pumasok nalang. Pumikit nalang ako. Nakakatamad.
(Kaden pov)
"hi Red" napahinto ako ng ngumiti siya. Oh wow, ang ganda."uhm. Gusto mong sumabay?" tumango naman siya habang nakangiti. Shit lang, ang ganda ng ngiti niya.
"pasok na" pinauna ko siya bago ako sumakay. Kami lang dalawa ni kuya dito. Merong karwahe ang iba.
"nakakabwisit!" nilingon ko si Red dahil sa bulong niya. Nag-away ba sila? Bakit parang naiinis yata si Red kay kuya? Pero imposible. Magkasabay pa sila. Hanggang sa makarating kami ay masama pa rin ang tingin niya.
Naunang bumaba si kuya bago kami kaya hinawakan ko sa braso si Red kaya napalingon siya sa'kin.
"bakit naiinis ka yata kay kuya? Nag-away ba kayo?" baka may ginawa ni kuya. Naku po. Alam ko hindi nananakit si kuya ng babae kahit ganyan siya.
"nakakainis yang kuya mo!" naniningkit ang mata niya. Teka nga. Bakit ang sama ng tingin niya sa'kin? Wala naman akong ginawa.
"ano bang nangyare?" may pinag-awayan ba sila?
"naiinis ako dahil nagagandahan ako sa mata niya. Nakakainis! Sana all maganda ang mata!" hindi na ako nakasagot nang nauna na siyang pumasok.
Huh? Ano daw?
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you in advance!
BINABASA MO ANG
Journey To Another World
FantasyAs a famous celebrity and daughter of retired Yakuza, Astred de Ville wanted nothing more than to be with her family and spend her time with her father and younger brother. Being famous is her daily life. Until something happened...something that c...